Chapter 9
Lumipas ang mga buwan at dumating ang araw hanggang sa naka panganak na si Vanna. Hindi na siya nag abala pang tingnan ang kanyang mga mga anak dahil napakasakit para sa kanyang iwanan ang mga ito.
"Hindi mo naman kailangan lumayo Vanna Hija. Naiintindihan ka ni Rogue, ayaw ko rin namang mawala ka ma mimiss kita Hija." Yakap yakap siya nang kinilalang ina at umiiyak,
Discharge niya ngayon at ang pag kaka alam niya ay kahapon pa inilabas ni Rogue ang kanilang mga anak, at ubos narin ang kanyang mga luha dahil kahapon pa siya umiiyak.
At naka tulong iyon sa kanya dahil wala na siyang mailuha ngayon."Mom wag po kayo mag alala, mag kikita pa naman tayo, hayaan niyo po muna akong mag move on, mas hindi ko po kayang makita ang mga anak kong ipinag kakait ni Rogue sakin." Pigil ang luha niyang saad,
Hinaplos nito ang mag kabilang pisnge niya.
"Nag aalala ako sayo Vanna. Are you sure kaya mo nang mag isa.?" Umiiyak parin nitong tanong.
Ngumiti siya.
"Oo naman mom, patutunayan ko sa inyo, magiging Successful ako, " pilit siyang ngumiti.
Lalo itong napa iyak habang yakap siya, kalaunan ay inihatid na siya sa taxi na nag aantay sa kanya na mag hahatid patungo sa bago niyang mundo, kasama niya si Zenith ang kanyang best friend ito ang magiging kasama niya sa bagong liliipatan at magiging sa malongkot niya nang buhay,
Hindi matapos tapos ang pamama alam nila sa isat isa nang ginang hanggang sa tuluyan nang umalis ang taxi na kanilang sinasakyan ni Zenith,
inihatid sila sa bus station at doon sumakay sila ni Zenith patungong Quezon, maayos na ang bahay na kanyang lilipatan dahil isang buwan na ang nakalipas mula ng mai pa renovate niya iyon., kompleto narin ang mga gamit, si Zenith at Gilbert ang nag asikaso doon dahil di naman siya makapag byahe dahil malaki ang kanyang tyan, katunayan sa araw ding iyon ay nadatnan niya pa ang lalaki sa bahay, alam nito ang kalagayan niya at nakikisimpatya ang lalaki bilang nawalan siya nang tatlong anak,"Nagustuhan mo ba.?" Tukoy ni Zenith sa ayos ng bahay. Naka ngiti ito.
Si Gilbert na ang nag buhat nang mga dala nila papasok, nasa sentro nang city ang bahay kaya hindi matatawag na tahimik, maganda ang paligid, maraming halaman at may malaking puno nang mangga sa harapan. bonggalow at may tatlong silid sa loob, tiles din hanggang labas.
"Gusto mo na bang kumain bess.?" Tanong ni Zenith pag pasok nila.
"Mag papahinga na muna ako bess.." pag kuway humakbang na siya papasok sa loob nang kanyang kwarto.
Naiwang nag ka tinginan sina Gilbert at Zenith.
Pag dating sa silid ni Vanna ay bumulaga sa kanya ang magandang ambiance nang silid, nasunod ang kulay nang kurtina na gusto niya maging ang kulay nang pintura, pero kahit gaano kaganda ang kanyang silid ay di niya magawang maging masaya, parang nilalamukos ang puso niya sa sakit na pag nanais mayakap at makita ang kanyang mga Anak,
Hanggang sa tuluyang hindi na niya napigilan ang pag luha, napahikbi siya na nauwi sa hagulhol na pag iyak.
Sa labas ay muling nag katinginan sina Gilbert at Zenith nang maulinigan ang pag iyak ni Vanna sa loob ng kwarto,
Marahang humakbang ang babae at lumapit sa pinto,
"Bess buksan mo ang pinto. Kausapin mo ako please." Ani Zenith na nag aalala
Kalaunan ay bumukas ang pinto at yumakap naman si Vanna sa kaibigan.
"Bess bakit ganto, ang sakit sakit, akala ko kaya kong mawalay sa mga anak ko pero hindi ko akalaing ganto kasakit." Hagulhol ni Vanna.
Hinagud hagud ni Zenith ang likuran nang kaibigan.
"Bess naman eh, sana kinausap mo muna si Rogue para hindi ka nahihirapan nang ganyan, malay mo mag bago ang isip niya diba.?" Pati si Zenith ay nahihirapan sa ayos nang kaibigan
Umiling iling si Vanna. Ayaw niyang bawiin ang kasunduan nila ni Rogue, batid niya rin sa sariling makakaya niya ang lahat ng to. pero hindi ngayon at kung kilan ay hindi niya pa alam,
"Gusto mo bang tawagan ko si Rogue.?" Tanong pa ni Zenith.
Tapos na siyang umiyak noon at nasa sala na sila, naroon parin si Gilbert sa bahay.
Umiling siya at nahihiyang tumingin sa dalawa.
"Pasensya kana sir Gilbert." Wika niya sa lalaki,
Ngumiti ito,
"Wala tayo sa trabaho kaya wag mo na akong tawaging sir, isa pa hindi nag lalayo ang idad natin. Wag ka naring huminge nang pasensya dahil naiintindihan ko ang nararamdaman mo, bAsta nandito lang ako, kami ni Zenith."
Pahayag nito."Oo nga naman bess malay mo itong si sir Gilbert pala ang destiny mo.!" Biro ni Zenith sa kanya saka humagikhik. Na tinawanan lang din nang lalaki,
Alam niyang nililibang lamang siya nang dalawa para kahit saglit ay makalimutan niy ang bigat nang kanyang dibdib
Wala siyang tugon ni mag react ay di niya ginawa,"Naku mabuti pa siguro mag luto na ako, mag usap muna kayong mabuti." Saka ito na nanadyang tumalikod.
Ngingiti naman ang lalaki sa kanyang harapan habang namamasyal ang mga mata sa buong mukha niya..
"So.. Nagustuhan mo ba ang ayos nang bahay.? Kumuha pa ako nang magaling na interior designer. alam mo kase si mama ayaw noon nang maraming desplay gusto niya yun picture lang nila ni papa sa sala." Wika nitong natatawa,
Kunwari ay inilibot niya ang paningin sa sala. Maliwanag dahil sa mint green na pintura.
"Salamat sir Gilbert....
"Gilbert nalang ano kaba.?" Tawa pa nito.
"Sige.. Gilbert.. " napipilitan niyang saad, hindi naman kase sila close nang lalaki kahit Supervisor nila ito minsan nga ay nadadaanan niya lang ito kung saang saan ward pero narong nginitian lamang siya nang lalaki, pero mabait pala ito hindi lang halata dahil sa seryosong mukha.
"Nga pala maiba tayo,." Untag nito." may maliit akong business na ipinatayo, baka want mo mag invest, subukan mo lang, may pa simenar din ako next week para sa mga baguhan sa mga gustong mag negusyo pwedi karin mag attend, sabihin mo lang kung gusto mo at ako na ang bahalang sumundo sayo dito, malaking tulong sayo to Vanna para hindi ka mag isip nang kung ano ano, " may kasamang advice ang sinabi ni Gilbert,
Siya naman ay nag pasalamat lamang, hindi pa siya handa para sa pag sisimula sa bagong buhay pero tama ang lalaki, kapag busy sya hindi niya maiisip pa ang kanyang mga anak.
Kaya pag kalipas lang nang tatlong buwan ay makikitang nag babyahe si Vanna pa maynila kasama si Zenith para mag attend nang simenar. gusto niyang pag aralan ang isang bagay na bago palang sa kanya, ito rin naman ang nais niya noon, at balak niya ring dalawin ang kinilalang ina ngayong nag balik siya nang maynila.

BINABASA MO ANG
Adopted Surrogate Triplet's
RomansaHalos sampong taong inilihim ni Vanna ang damdamin para sa anak na panganay nang pamilyang umampon sa kanya, At iyon din ang nag udyok sa kanya upang mag presintang maging surrogate ng magiging Anak ni Rogue. At hindi niya inaasahang mag bubunga iy...