8

254 8 0
                                        

Chapter 8

"Congratulations Mr and Mrs Monte Salvo triplets ang baby niyong dalawa.."  masaya ang Doctor nang ibalita sa kanila ni Rogue iyon matapos ang Altrasound niya,

Apat na buwan na ang kanyang tiyan at ngayon lang natukoy nang doctor na triplets ang nasa kanyang tyan dahil noong una ay maliit pa,

Nag katinginan silang dalawa  ni Rogue sa di inaasahang ibabalita nang doctor sa kanila, ramdam niya ang pag init ng gilid sa kanyang mga mata sa mag kahalong longkot at tuwa nang naramdaman,longkot dahil hindi niya akalaing tatlong musmus ang iiwan niya kay Rogue, at tuwa dahil successful ang kanyang pag bubuntis at mag kakaroon sila nang anak nito,

"Thank you Doctor.." mabilis namang tumayo si Rogue at masayang kinamayan ang Doctor, nag advice ito sa mga dapat niyang kainin para mas lalong healthy ang baby pero naging tahimik siya hanggang sa umuwi sila.

Nakikita niyang sobrang saya ni Rogue, dumaan pa sila sa super market at bumili ang lalaki nang napaka daming protas para sa kanya,

Pag dating sa bahay ay tila pagud na pagud siyang tinungo ang kanyang kwarto, dito niya naramdaman na tila binalot siya nang matinding kalongkutan, hindi niya namalayan ang pag bagsak nang kanyang mga luha na agad ding pinalis dahil may kumatok, si Rogue iyon nang pag buksan niya.

Nagulat siya nang yakapin  nito,

"Thank you Vanna diko ini Expect na triplets ang magiging Anak ko, thank you so much."emotional si Rogue, pilit niyang pinag labanan ang longkot na kunwari ay tumawa. Mabuti nalang at tapos na siyang umiyak kanina.

Nakakapag taka ba yun diba triplets naman ang lahi niyo.?" Biro niya kay Rogue naka upo na sila pareho sa gilid nang kanyang kama at hawak ni Rogue ang kanyang palad,

"Yes but I didn't expect this, alam mo bang napaka saya ko Vanna..,"

Habang sinasalubong ang mga mata niya ay naka ngiti ito, napa lunok siya nang gagapin nito ang mag kabilang pisnge niya matapos bitawan ang kanyang palad, at hindi niya inaasahang hahalikan siya nito sa labi,

"Rogue.." napa bulong siya sa tamis na nalasahan mula sa mga labi nito,
Pag katapos ay saka siya muling niyakap,
Sinamantala niya din ang pagkakataong yakapin si Rogue, mahigpit yung tipong ayaw niya nang matapos pa ang mga sandaling iyon, kahit na batid  niyang nagawa lang ni Rogue na yakapin at halikan siya dahil sa sobrang saya nito.

"Hayss akala ko talaga naka limutan mo na ako bruha ka." Yakap siya ni Zenith nang dalawin niya ito sa apartment na tinitirhan, simula kase nang mag resign siya sa pinag tatrabahuang hospital ay dina sila muling nag kita pa pero nag kakausap naman sila sa chat,

Naisipan niya itong dalawin sa araw na iyon dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay at bukod sa katulong ay wala siyang ibang kasama dahil umalis ang kinilalang magulang,

Anim na buwan na ngayon ang kanyang tyan at habang nalalapit ang kanyang panganganak at nalalapit narin ang pag hihiwalay nilang dalawa ni Rogue ay lalo siyang nalolongkot kaya ayaw niyang mapag isa sa bahay dahil maraming pumapasok sa kanyang isipan.

"Kumusta kana Bess.?" Masaya niyang tanong reto, ayaw niyang ipahalatang malongkot siya.

"Ikaw ang kumusta. Dahil wala namang exciting sa buhay ko, alam mo namang bahay trabaho lang ako." Wika nito. Na hinagud siya nang tingin at huminto sa malaki niyang tyan ang mga mata nito.

Kasalukuyan na itong nag titimpla nang Juice sa isang pitsil, nag kataong  night shift ang kaibigan kaya sakto ang dalaw niya reto.

"Okay naman ako, actually nag hahanap na ako nang matitirhang bahay pag alis ko sa Mansyon, iniisip ko ring mag negusyo nalang kaysa bumalik sa hospital para mag work," paliwanag niya, habang pabalik na sila sa sala.

"Maluwang naman sa apartment ko bess pwedi ka dito mag stay habang wala ka pang naiisip na puntahan, saka maganda rin yung kahit papaano ay may makakausap ka, saka isama mo narin ako kung saan ka pupunta, gawin mo akong assistant kapag nag ka roon ka nang business malay mo dyan ako umasinso at mapa tayuan ko nang bahay ang parents ko sa laguna." Masaya pang wika nito,,

Natawa siya,  Ang totoo nag sinungaling siya sa kinilalang ina noon na may may pupuntahan na siya sakali umalis siya sa mansyon pero hindi niya alam kung paano mag sisimulang mag isa. Mabuti at kahit papaano may kaibigan siyang makakasama dahil wala naman siyang ibang pamilya, ang alam niya ulila na siyang lubos.

"Oo isasama kita, gusto ko sa malayo kung saan hindi ko na maalala pa si Rogue at ang mga anak namin." Wika niya.

Nag isip naman ito saka pag kuway namilog ang mga matang tumingin sa kanya,

"Tamang tama bess may binibentang property yung visor nating si Gilbert sa Quezon. Susunduin kase nang kapatid niyang nag mula sa state ang mom nila para doon na tumira dahil wala na itong kasama, pwedi kang mag tayo nang sarili mong negusyo doon. Okay na ba sayo ang 180km distance from Rogue.?" Masayang tanong nito.

Nag kibit balikat siya bilang tugon, pwedi na siguro yun ang mahalaga lang sa kanya maka layo.

"Okay... ako na ang bahalang kumausap kay Sir Gilbert, tatawagan nalang din kita pag katapos, kung gusto mo naman makita ang lugar tawagan mo nalang ako  ayos ba.?" Ngiting tanong nito,

Umuo naman siya kahit na may mabigat na pakiramdam sa dibdib niya,

Doon narin niya Inubos ang kanyang mag hapon sa apartment ni Zenith bago sumabay na sa pag alis nang kaibigan pag pasok  nito sa trabaho, alam niya kase na pauwi narin si Rogue sa mga oras na iyon

"Bye bess, dalasan mo ang dalaw dito ha tutal wala ka namang ginagawa sa mansyon." Wika nito, Habang yakap siya at nag papaalam,

Nangako naman siyang papasyalan itong muli.
Pag dating sa bahay wala pang dalawang minuto ay gumarahe na ang kotse ni Rogue. Narinig niya iyon mula sa kanyang silid habang nag bibibihis,

"Helo how's your day.?" At masigla itong pumasok sa kanyang kwarto na hinaplos ang malaki niyang tiyan.

"Ako bang tinatanong mo or yong mga anak mo.?" Nangingiti niyang tanong na hinaplos ito sa ulo, naka luhod kase ang lalaki sa kanyang paanan at kasalulukuyang idinidikit ang tainga sa malaki niyang tyan. Isang araw lang itong wala pero miss niya na Nilaro laro niya din sa mga daliri ang malambot na buhok nang lalaki.

"Sino pa ba eh di ikaw.?" Tugon naman ni Rogue at bahagya siyang tiningala.

"Okay lang ako, galing ako kay Zenith kinumusta siya. nga pala nag hahanap na ako ng malilipatan pag alis ko dito," aniya kay Rogue,
Hindi niya alam kung bakit kailangan niya pang sabihin sa lalaki yun, wala naman itong pakialam kung aalis siya, alam naman niyang iyon lang ang hinihintay na pag kakataon ni Rogue.

Nakita niyang natigilan ito habang naka titig sa kanya kasabay niyon ay nawala  ang mga ngiti nito sa labi bago tumayo at tumalikod.

Napapa tanga naman siya.
"Ano kayang nangyari dun.?" Taka niyang tanong.
Bigla bigla nalang umaalis.

Adopted Surrogate Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon