Chapter 10
"Kumusta siya.?" Tanong ni Rogue sa taong inutusan upang alamin kung nasaan si Vanna. Tatlong buwan na ang nakakalipas noon at hindi niya alam kung bakit ganto ang nararamdaman niya since nawala sa tabi ang ina nang kanyang mga anak.
Gusto niyang isipin na tama ang ang kanyang ama noon nang sabihin nito na kailangan nang kanyang mga anak ang isang ina na aagapay dito habang lumulaki at hindi siya magiging masaya kahit na kasama pa niya ang mga anak mararamdaman niya paring may kulang, at heto hindi niya mawari sa sarili kung dahil ngaba sa mga bata kung bakit nais niyang makita si Vanna. Or sadyang miss ito.
"Okay siya sir, kasama niya ang kaibigan sa isang town house dito sa Quezon na pag mamay ari nang isang Gilbert Vilarde."pag babalita ni Tony sa kanya na isang detective.
"Gilbert Vilarde.?" Bigla ay na Curious si Rogue sa pangalan nang isang lalaki.
"Yes sir, ayon sa na research ko, si Gilbert ang may ari nang bahay na binili ni Miss Vanna dito sa Quezon at siya ring may ari nang isang maliit na company kung saan nag invest ang babae,"
mabilis naman nitong tugon."Saan niya nakilala ang taong ito.?" Mabigat niyang tanong, hindi siya masayang malaman ang pag babago ni Vanna kalakip nang lalaking umaaligid sa dito.
"Ang pag kaka alam ko sir dating nanunungkulan sa hospital na pinag tatrabahuan ni Ms. Vanna pero ngayon ay nag resign narin ito at nag fucos sa kanyang business."
Kinuha lahat ni Rogue ang information tungkol sa lalaking nag ngangalang Gilbert Vilarde bago niya ibaba ang kanyang cellphone, sa ngayon ay wala pa siyang plano, gusto niya lang malaman ang kalagayan nang dalaga kung okay ba ito, yun lang at wala ng iba
Pero hindi mapa lagay si Rogue kinahapunan pag labas niya nang opisina at nais puntahan ang babae sa Quezon, wala naman siyang balak mag pakita dito, ang nais niya lang ay masigurong okay ito. Umuwi muna siya sa bahay upang mag bihis saka niya tutunguhin ang lugar nang dalaga. Pwedi rin namang doon na siya nag palipas nang gabi sa isang hotel,
Pag dating sa bahay ay narinig niyang masayang nakikipag usap ang kanyang ina sa cellphone at dinig niyang tinawag nitong anak ang sinumang kausap nitong iyon,
Malakas ang kutob niyang si Vanna ang kausap nang ina.
Nag kuble siya sa may likod nang pintuan saka pina Kinggan ang sinasabi nito,
"Hija wag mo nang pahirapan ang sarili mo, pwedi mong dalawin ang triplets dito sa bahay, hindi naman siguro ikagagalit nang anak ko yun," Ani Addriana sa kabilang linya.
Dama ni Vana ang paninikip nang dibdib at di mapigilan ang pag bulong ng luha sa mga mata ni Vanna na siyang kausap nang ginang sa kabilang linya.
"Gustuhin ko mom pero ayaw kong ako mismo ang sumira sa usapan namin ni Rogue, wala akong marapatan sa kanila masaya na akong malaman na okay ang mga anak ko sa piling niya." Hindi pinahalata ni Vanna ang ang pag luha sa mga mata, tatlong buwan din siyang nag mukmuk sa loob nang bahay at di alam kung paano tatanggapin ang mag kasabay na nawalay sa kanya, si Rogue at ang kanyang mga anak. Pero heto nasaktan lit siya
"Okay Anak, walang problem sakin ang mahalaga ay okay ka, basta tatawag ka kapag may time ha, wag mong pababayaan ang sarili." Sabi nito sa kabilang linya.
"Yes mom thank you so much,"
Nang maibaba ni Vana ang linya saka niya sinulyapan si Zenith na nag aantay sa kanya, at nakikinig lang sa usapan nila ng ginang.
"So lets go.? Nag aantay na si sir Gilbert sa restaurant." Masayang tanong ni Zenith sa kanya.
Pag katapos nilang mag attend nang seminar ni Zenith at nag karoon siya nang kunting kaalaman tungkol sa pag papatayo nang isang maliit na negusyo ay napag alaman niyang hindi madali bagaman ay nahikayat siya ni Gilbert mag invest reto,
Ayaw niyang sayangin ang perang nakuha niya mula kay Rogue dahil kapalit nito ang kanyang saktipisyo, longkot at pangungulila sa kanyang mga anak at sa lalaking mahal na mahal niya, kaya ayaw niyang mag kamali sa kanyang mga desisyon."Mom si Vanna ba ang kausap mo.?" Tanong ni Rogue sa ina pag pasok niya sa bahay, tapos na itong makipag usap sa cellphone. Kaya umalis narin siya sa pinag kukublihan
"Ohh,ikaw pala yan hijo. Yes tama ka. At nandito siya sa maynila hindi ngalang sinabi ang address niya bakit mo naman naitanong..?" Intirisanting tininapunan siya nito nang tingin.
Nag iwas siya nang mga mata, hindi niya alam kung bakit ba siya nag tanong pa.
"Wala..nag aalala lang ako baka makakalimutan niyang bayad na siya at mag habol sa mga anak ko." Ani Rogue na nilangkapan nang iritasyon ang boses.
Hindi yun ang totoo niyang nararamdaman pero hindi alam ni Rogue kung bakit kailangan niyang sabihin.Bumuntong hininga ang kanyang ina.
"Hijo matagal nating nakasama si Vanna alam mong hindi siya ganoong klaseng tao hindi niya sisirain ang napapag kasunduan niyo, pero anak isipin mo din sana ang damdamin ni Vanna bilang isang ina nang triplets, hindi madali para samin mga ina ang mawalay sa anak, at siguro may mabigat siyang rason kung bakit siya pumayag na maging surrogate mo hindi lang dahil sa pera." Mahabang sabi nang ginang,
Hindi sumagot si Rogue pero napapaisip din siya sa sinabing rason nang kanyang ina. Pero sa huli ay tila ba wala na siyang pakealam pa tungkol sa bagay na iyon. Ang lahat ay nangyari na nasa kanya na ang mga anak na nais niya kaya ang nais nakang din niya ay nasa mabuti si Vanna
At dahil nasa maynila pala ang babae ay hindi na siya tumuloy pa nang Quezon.
Matapos ang pag uusap nila nang kanyang ina ay sa kwarto nang triplets siya tumuloy, kasama nang tatlong anak ang dalawa nitong yaya.
"Good Afternoon sir..!" Bati sa kanya nang dalawang yaya na tinugon niya nang ngiti saka nilapitan ang gising na mga anak,
Binati niya ang mga ito kasabay na hinalikan. Tuwang tuwa ang tatlo na tila ba nakilala kaagad siya.
Panay ang sipa nang mga paa at pilit inaangat ang munting braso na gustong mag pa karga sa kanya. Pinag bigyan niya ang mga anak na buhatin ito. At habang buhat ang isang anak ay sumagi nanaman sa ala ala niya si Vanna hindi kase nito naranasan mayakap at mahawakan ang mga anak nila, hindi nito nadama ang masarap na pakiramdam na mahawakan ang mga bata.Napaka lupet ba talaga niya sa babae, ano nga kaya ang tunay na nararamdaman nito ngayon,.?
Hinalikan niya ang anak, pag kuway inilapag ang isa pang anak at binuhat naman ang isa. Nilaro laro niya ang maliit nitong kamay at pinugpog nang halik sa leeg kaya napahagikhik ito. Good mood ang tstlo dahil pangiti ngiti sa kanya at nahahawa sa tawa ng isa, hanggang sa binuhat narin niya ang isa pang anak.
Nanatili siya nang ilang sandali sa kwarto nang mga anak habang nakikipag laro dito. Na enjoy naman niya hanggang sa makaramdam nang antok kaya kinailangan niya nang lumabas para maka tulog na ang mga anak,
Masaya naman siya kanina habang kalaro ang mga anak pero bakit ganun parang may kulang, dama niya iyon habang nag bibihis siya sa kanyang sariling silid.
BINABASA MO ANG
Adopted Surrogate Triplet's
RomanceHalos sampong taong inilihim ni Vanna ang damdamin para sa anak na panganay nang pamilyang umampon sa kanya, At iyon din ang nag udyok sa kanya upang mag presintang maging surrogate ng magiging Anak ni Rogue. At hindi niya inaasahang mag bubunga iy...