Chapter 3
Na discharge din naman si Vanna kaagad matapos ang ilang Test nang doctor sa kanya pag dating sa hospital, na naging maayos naman lahat.
"Please Hija wag mo nang gagawing mag swimming nang gabi. Hindi mo alam kung paano mo ako pinag alala.." Habang pauwi na sila ay narinig ni Vanna mula sa Ginang,
Nasa driver seat ang daddy Leonel at si Rogue tahimik sa passenger seat, sila naman ay nasa back seat. nakikinig lang siya sa ginang at panay tango bilang tugon, kita niya kase kanina ang pag aalala.
Nurse siya pero hindi niya alam ang gagawin habang nasa swimming pool at pinupulikat, ganon pala yun kapag nalagay sa piligro ang buhay mo, hindi kana makapag isip nang dapat gawin kaya mas nag focus siyang ikampay ang dalawang kamay kesa kontrolin ang pamumulikat sa paa.
Nahihiya siya sa lalaking pinag kakautangan niya nang buhay sa ngayon. Ni hindi siya maka tingin dito,
"Sorry mommy." Tugon nalang niya sa kinilalang ina.
Pag dating sa bahay ay agad siyang nag bihis dahil roba lang ang suot niya at basang pang ilalim, napa buntong hininga siya nang maalala nanaman ang nangayari kanina lang na buong akala niya ay katapusan niya na, akala niya hindi na makikita pa si Rogue.
"Nababaliw ka naba para maisipang maligo nang gantong oras ng gabi, hindi mo alam kung paano mo pinag alala si mom halos himatayin siya,!" Galit si Rogue nang katukin siya sa kanyang silid.
Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nang binata kaya nag baba siya nang tingin,
"Im sorry.." tanging iyon lang ang kaya niyang sabihin,
"Pasalamat ka at nasa terrace ako kanina, nakita ko ang nangyari sayo, kung hindi malamig na bangkay kana ngayon." Galit parin nitong sabi sa kanya.
Napa hikbi siya nang sabihin nito iyon dahil bumalik sa kanya ang takot na naramdaman kanina habang pinipilit umahon sa tubig. Natakot din naman siya at pinag sisihan ang kagagahang ginawa, pwedi namang mag hubad nalang siya sa harapan nito para mapansin pero mas pinili niyAng ilagay sa alanganin ang kanyang buhay.
Napa buntong hininga naman si Rogue at Nakunsenya pag kakitang umiyak ang dalagansa harap niya. hindi niya alam kung bakit ganto siya nag aalala kanina para sa babaeng to,
"Okay, I'm sorry hindi ko na dapat sinabi yun, nag alala lang ako kay mom, hindi mo alam kung gaano ka niya kamahal."pahayag ni Rogue sa mababang boses,
Nilapitan niya ito at pinahid ang kanyang luha,
"Mag pahinga kana." Saad nito Saka siya tinalikuran,
Naiwang tulala si Vanna habang sinusundan nang tingin si Rogue na papalayo, may kung anong kaligayahan sa puso niya habang dama pa ang mainit na palad sa kanyang pisnge,
Tuluyan na nga nyang nakuha ang attention nito, hindi na ganun ka suplado ang lalaki sa kanya at ramdam niyang concerned sa kanya ang lalaki, at least kahit nalagay sa piligro ang buhay niya hindi naman iyon nasayang, dahil sa unang pag kakataon nayakap niya si Rogue,Maya maya pahiga na siya nang may kumatok sa kanyang silid, nag aalalang ina ang nakita niya sa labas nang pintuan, may dala itong isang baso nang gatas,
"Mom im sorry." Pag hinge niya nang paumanhin,
Nang mailapag nito ang bitbit na baso nang gatas ay niyakap siya, nag pasalamat ito dahil walang masamang nangyari sa kanya, tuloy nag karoon siya nang pag kakataon para sabihin ang nararamdaman para kay Rogue, inamin niyang ginawa niya yun para lang mapansin nang anak nito,
"A-anong sabi mo Vanna.?" Nauutal ang ginang, halatang nagulantang sa ipinag tapat niya,
"Mahal ko po si Rogue mom, hindi ko po sinasadya, hindi ko po alam kung bakit, kahit na para lang akong hangin sa harapan niya na hindi makita at maramdaman patuloy kong nararamdaman to, " maluha luha niyang pag tatapat.
Natutop nito ang bibig,
"Pero pareho ko kayong anak.?" Naiiyak nitong wika.
"Mom alam niyong hindi totoo yan, alam niyong ampon lang ako, noon paman sinikap ko nang maging malapit kay Rogue dahil sa damdamin ko para sa kanya pero pilit siyang lumalayo sakin, may pakiusap sana ako mom, gusto ko po sanang maging surrogate mother para sa anak ni Rogue, please mom ako nalang kahit sa gantong pag kakataon maiparamdam kong mahal ko siya."
Matagal itong tulala habang naka titig lang sa kanya at walang masabi bago siya niyakap na muli, hindi ito makapaniwala na ganoon ang nararamdaman niya para sa panganay nitong Anak,
Inamin niya rin sa kinilalang ina na kahit papaano ay pilit niyang gustong kalimutan nalang ang nararamdaman para kay Rogue,
At pag katapos nito ay nangako siyang lalayo para makalimutan ang nararamdaman para sa anak nito, basta pumayag lamang ang lalaking siya maging surrogate mother,
Kinabukasan habang papasok sa kumidor ay narinig niyang nag uusap ang tatlo tungkol sa surrogate ni Rogue,
"Adriana bakit si Vanna wala na bang iba.?" Dinig niyang react nang kinilalang ama.
"Bakit hindi Leonel..? Ayaw nang anak mong mag pakasal kay Lucy, mahirap ding mag tawala sa ibang babae paano kung itakbo nang kung sino ang apo ko aber, si Vanna ang gusto kong maging ina nang apo ko kay Rogue." Mahabang saan ni Adriana,
Napa ngiti si Vanna, sa lahat nang oras ay kakampi niya ang kinilalang ina, tunay itong mabuti dahil naiintindihan ang damdamin niya.
"Nababaliw ka naba Pareho mong anak ang dalawang yan.?" Hirit ni Leonel.
"Alam nating lahat na addopted lang si Vanna, isa pa hindi na natin kailangang gumastos nang Milyon para sa IVF..."
"I agree.." ang sabi naman nang tahimik lang na si Rogue kanina, " but how can you be sure mom na papayag si Vanna for your plan?" Tanong na binalingan ang ina.
"Payag ako.!" Mabilis na tugon ni Vanna at agad pumasok sa kusina. hindi niya na pinalagpas ang pag kakataong iyon,
Sigundo lang ay napa lingon sa kanya ang lahat, masayang nakangiti si Adriana, ang kinilalang ama ay napa buntong hininga si Rogue ay napa titig sa kanya.

BINABASA MO ANG
Adopted Surrogate Triplet's
RomanceHalos sampong taong inilihim ni Vanna ang damdamin para sa anak na panganay nang pamilyang umampon sa kanya, At iyon din ang nag udyok sa kanya upang mag presintang maging surrogate ng magiging Anak ni Rogue. At hindi niya inaasahang mag bubunga iy...