2

240 8 0
                                    

Chapter 2

Habang nasa Duty si Vanna sa Araw na iyon ay hindi niya maiwasang isipin si Rogue, hindi parin malinaw sa kanya kung talaga bang hindi nito gustong mag pakasal kay Lucy ganoong  sa tingin niya ay gusto ito nang kanyang kinilalang magulang para sa lalaki,

"Bakit ba hindi nalang ako ang pakasalan niya, maganda naman ako, at mahal na mahal siya." Bulong ni Vanna.

"Hoyy girl sinong kausap mo diyan.? Tanong ni Zenith sa kanya, workmate niyA. Same sila nang oras sa duty kaya naging ka close niya ito, madalas kase si Zenith ang kasabay niyang mag break time kaya mas nakakausap niya ito nang matagal, katunayan ay alam nang babae ang tungkol sa pagiging adopted niya at ang nararamdaman para sa isang anak nang mag asawang nag ampon sa kanya,

Nginitian lang niya ito, bawal kase silang mag usap kapag oras nang trabaho isa pa may pasyenti siya, at need niyang mag ikot sa lahat nang ward upang kunin ang mga Vital nang pasyenti sa first floor.

Pero sinabi niya rin kay Zenith  ang tungkol sa nadatnan kahapon sa bahay at ang plano nang kinilalang magulang para sa fix marriage nina Lucy at Rogue na hindi sinang ayunan nang binata.

"Alam mo pa hard to get talaga tong si papa Rogue eh, porke yummy." Tumatawang saad ni Zenith,

Nasa isang cafeteria sila para sa tangahilaan,

"Sira," usal niya ay natawa narin, nakita na kase nito si Rogue kaya iyon ang naging reaction nang kaibigan, totoong yummy ito pero tila ba Allergy sa babae, nalaman niya dati kay Wesley na wala itong naging kasintahan simula high school haggang collage kundi puro pag aaral, nang maka tapos naman sa pag aaral puro trabaho wala itong panahon sa kalandian kaya heto tumanda nang binata. Pero hindi pa naman matandang matanda dahil nasa thirty two palang naman ang binata.

"Girl satin lang to ha, baka bakla  itong si papa Rogue at hindi lang magawang lumantad dahil ayaw ma dessapoint ang parents niya pero ang totoo lalaki talaga ang gusto " Humahagikhik nitong saad,

Pala tawa naman talaga si Zenith kaya minsan nahahawaan siya sa pagiging kalog nito, di niya tuloy maiwasang mapa isip din, wag naman sana, ang gwapo pa naman nang lalaki. Sayang naman kung lalaki din ang gusto nito, baka mag paka matandang dalaga nalang din siya.

"Hindi noh,, impossible triplets ang lahi nila at walang halong bakla, isa pa Bess busy lang siya sa trabaho, kaya hindi na niya inasam na mag asawa. Or maybe hindi pa pala talaga niya nakikilala ang babaeng magagawa niyang mahalin." May bikig sa lalamunan niyang tugon nang sabihing hindi pa nito nakikilala ang babaeng mamahalin,

Siya kase matagal na itong mahal.

Maya maya ay nanlaki ang mga mata ni Zenith na tila may kalokohang pumasok sa isip.

"Napa kadali Girl, tutal love mo naman  eh di akitin mo, doon mo malalaman kung lalaki siya or bakla, kapag hindi siya tablan  sayo maaring lalaki ang gusto niya." Isang idea ang  pumasok sa utak nito na para kay Vanna ay kalukohan lang.

" Hindi ko gagawin, imposibleng maakit ko yun, allergy nga sakin yung tao aakitin ko pa, eh di lalong nagalit sakin yun." Mahina siyang natawa sa naisip nito.

"Alam mo bess sa panahon ngayon binigyan na nang karapatan ang mga babaeng mag tapat nang kanilang nararamdaman kaya kung dika kikilos bahala ka, baka magulat ka nalang isang araw wala na yang Rogue mo at nakuha na ni Lucy." Pananakot  nito,

Alam ni Vanna na walang mangyayari sa gagawin  niya ngayon pero tama si Zenith walang mangyayari kung hindi malalaman ni Rogue ang nararamdaman niya, kailangan niyang kumilos.
Pero hindi niya alam kung effective ngaba.

Pag tapos nang hapunan patungo sa labas si Vanna soot ang two piece swim suit na pinatungan niya lang nang Roba.

"Hi mom.! Dad.!" Bati ni Vanna sa mag asawa nang madatnan sa sala pag baba  niya nang kanyang silid.

"Anak gabi na ahh balak mo pang mag swimming.?" Namamangha ang babae,
Titig na titig ito sa kanya lalo at never siyang nag swimming sa gantong oras, at first time niyang mag susuot nang swim suit,

"Wala namang masama Adriana kung mag swimming yang anak mo mainit naman ngayon, kung naiinggit ka abay bakit hindi ka rin mag swimming." Natatawa ang asawa nitong saad,

Tinampal naman ito nang ginang siya naman ay natawa lang din.,

"Ikaw talaga Leonel nag aalala lang ako, pero sige Hija.." wika nang babae kaya tumalikod na siya.

Tahimik ang paligid  na makikita sa likod nang malaking bahay, madilim din sa parting yun, napaka ganda nang tubig na tila nag aanyaya sa kanyang lumangoy siya, ito ang paraan niya upang makuha ang attention ni Rogue alam niya kasing nasa Terrace ito sa mga sanding yun, at natatanaw na siya sa pag kakataong yun.  Mabilis niyang  tinanggal ang suot na Roba, nag work out pa siya bago tumalon sa malalim na tubig.

Napa kurap naman si Rogue nang matanaw sa baba si Vanna na papalapit sa pool, napalunok din siya nang hubarin nito ang soot na Roba. Lumantad kase sa paningin niya ang magandang hubog nang katawan  nito na first time niyang nakita. Palagi kapag nasa harap niya ang babae iniisp niyang trese anyos lang ito, ngayo niya napatunayang dalaga na ang ampon nang magulang niya at may kakaibang kariktan.

"Fuck...!"napa  mura siya nang maramdaman ang pag igkas nang kung ano sa ibabang parti nang kanyang katawan habang pinag mamasdan itong naliligo sa pool, napa ka ganda nito sa makintab na  tubig,  sa tagal nang panahon ngayon niya lang nabigyan nang gantong attention ang  babae,  dahil ni Sulyap ay di niya magawa kay Vanna dahil naiinis siya sa hindi alam na rason.

Kalaunan  mula sa mabini  nitong pag langoy ay nakita niyang para itong nangisay sa ibabaw ng tubig at mabilis na ikinakampay ang mga kamay na parang inilulubog.

Dahil  dito nag mamadali siyang lumabas upang tunguhin ang babae sa pool,

"Rogue anong nangyayar..?' nag aalalang tanong ni Mommy pag kakita sa kanyang tumatakbo pababa ng hagdan pero hindi na niya ito sinagot, alam niyang may masamang nangyari kay Vanna.

Sinundan naman siya nang mag asawa palabas, pag dating niya nang swimming pool ay wala na si Vanna sa ibabaw ng tubig maaring lumubog na ito,

Tinalon niya na ang swimming pool at nakita niya nga itong unti unting lumulubog at wala nang malay.

"Oohh dyos ko Vanna Anak..!!!" Palahaw nang momy niya pag kakita sa dalagang ini ahon niya mula sa tubig, hindi na siya nag dalawang isip na gamitan ito nang first aid matapos ilapag sa gilid nang pool,  Ang CPR at mouth to mouth resuscitation.

"Vanna Anak gumising ka..!" Tarantang nag siSigaw ang kanyang ina at ang ama ay punulsuhan si Vanna.

"Shitt..!! Come 'on Vanna Wake up!" habang sinusubukan niyang i survived ito ay bulong niya. Matinding pag aalala ang naramdaman niya sa babae, lalong lalo na sa anyang ina na parang hihimatayin sa nerbyos,

Di nag tagal ay nag uubo ang dalaga at nailuwala nito ang nainom na tubig saka pa siya naka hinga nang maluwag ang ina niya ay mabilis dinaluhong nang yakap ang babae habang umiiyak parin,

Pag katapos ay Inalalayan niya itong umupo upang mailabas  nito lahat nang nainom pero nagulat siya nang yumakap sa kanya ang dalaga,

"Rogue salamat.!" Dama niyang nanginginig ang katawan nito maaring sa takot.

Madaling binalot nang kanyang ina ang katawan nang dalaga at inutusan siyang dalhin ito sa hospital, ilang sandali ay buhat buhat na niya ito pasakay sa kotse para lang kumalma ang ninirbyos niyang ina.

Habang  si Vanna naman ay sising sisi sa ginawang paraan ng pang aakit kay  Rogue, hindi niya akalaing pupulikatin siya sa malamig na tubig lalo at hindi siya sanay maligo sa pool,  nakuha nga niya ang Attention ni Rogue nalagay naman sa piligro ang buhay niya, kaylan man hindi niya na gagawin pa iyon, alam naman niyang manyari hindi niya mapipilit na mahalin siya nang lalaki.

.

Adopted Surrogate Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon