Chapter 7
Kung noong naka raang araw ay napilitang kumain ni Rogue nang manggang hilaw with bagoong. At ipinag Pasalamat nalang niya na nagustuhan ang lasa nang mangga na yun kaya okay narin.
ngayon naman ay tila iba ang trip nang babae, Hindi sa pag kain kundi sa ibang bagay.Pakiramdam ni Rogue ay Pina hihirapan siya ni Vanna. Pero hindi niya magawang mag reklamo dahil narin sa sinabi nang kanyang ina na hindi niya pweding bigyan nang sama nang loob si Vanna at may tendency na makunan ito.
Pag bukas nang pinto ay naroon ang dalaga sa kama at matamis na naka ngiti sa kanya. Napa irap siya nang makita ang magulo nitong buhok suot pa ang pantulog at ngayon naka taas ang dalawa nitong braso,
Ang nais ng babae ay sumakay sa kanyang likuran at bubuhatin niya patungong Banyo, isa sa mga habbit nang babae pag gising sa umaga kapag maliligo na at tatlong araw na niyang ginagawa ito,
Kung tutuusin ay ilang hakbang lang naman ang gagawin nito mula sa higaan patungong banyo pero kailangan niya pang buhatin ang babae bilang iyon ang gusto nang isang nag lilihi, wala naman siyang idea na ganto pala ang mangyayari sa kanya, ang pag silbihan ito na tila ba isa siyang Alipin.
At ginagawa niya lang yun para sa kanyang anak na nasa sinapupunan ni Vanna.Nang tuluyang makalapit sa babae ay ilang sigundo muna itong tiningnan, pag kuway tumalikod at inilapit ang kanyang likuran, umakyat pa ito sa ibabaw nang kama bago sumampa sa likod niya at ikinawit sa leeg ang dalawang braso.
napapikit nalang siya nang lumapat ang malambot nitong katawan sa kanyang likuran, nalanghap pa niya ang natural nitong amoy halintulad noong unang gabing naangkin ito na mag pa hanggang ngayon dipa niya makalimutan.Naka ngisi pa sa kanya ang babae nang mailapag sa loob nang Tub.
"Dont tell me gusto mong paliguan pa kita.?" asik niya,
"Sige ba kung gusto mo..." Nag lalambing si Vanna na inilubog ang katawan sa maligamgam na tubig sa loob nang Tub, aliw na aliw kase siya sa hitsura ni Rogue, yun bang galit na nag titimpi, na gustong tumanggi sa mga ipinagagawa niya pero wala itong magawa. hindi naman talaga iyon kasama sa pag lilihi niya kundi nag iinarti siya, wala naman masama kong sa pag kakataong ito sulitin niyang makasama ang lalaking mahal niya, batid niyang darating ang araw na mag kakahiwalay sila at hindi na ito makikita pa kaya habang may pag kakataon nais niyang maramdaman ang buong presensya nito, na kahit napipilitan gawin iyun ni Rogue at least napapasaya siya nito nang sobra kahit na ngayon lang.
"Hindi ko gagawin ano ka sinuswerti.? Inirapan siya ni Rogue bago tumalikod,
Napapa hagikhik siyang sinundan nang tingin ang lalaki hanggang sa kalaunan ay nawala ang masayang expression sa mukha nang babae at napalitan nang mapait na ngiti, pakiramdam niya kase sa ginagawa niya ay mas lalong lumalalim ang pag tingin niya kay Rogue, bagay na mas masakit sa kanya tuwing iisiping mag kakalayo sila.
Matapos maligo at makapag bihis ay bumaba na siya para mag breakfast, naroon na ang mag asawang Monte Salvo kasama si Rogue,
"Ohh Hija bihis na bihis ka.?" Puna nang mommy Adriana niya. Ngiting ngiti ito sa kanya.
Si Rogue ay napa angat nang paningin at saglit siyang tinapunan nang tingin,
Ang Ama nito ay ipinag hila siya nang upuan.
"Mom sasama po kase ako kay Rogue sa Office niya, wala kase ako gagawin dito sa bahay." Ngiti niyang nag hagilap nang kakainin sa ibabaw nang mesa pero wala siyang nagustuhan.
"You what.?" Napa lingon na muli si Rogue sa kanya, nabinge ba ito sa kanyang sinabi.?
"Mommy ayaw yata akong isama ni Rogue sa office niya.?" Kunwari ay nag tatampo niyang saad,
Nakita niya pa ang pag tiim nang bagang nito,
"You have nothing to do in the in the office besides im busy mas lalo kang maiinip doon." Reklamo ni Rogue
"Walang problema sakin basta makita kita okay lang sakin." Tugon naman niya,
"Isama mo na Hijo aalis din kase ako ngayon, maid lang ang makakasama niya dito sa bahay, " sabad ng ginang,
Napa ngiti siya mabuti nalang at may kakampi siya sa loob nang bahay,
"Ano pa bang magagawa ko. Lahat naman si Vanna ang nasusunod.." susuplado nanaman tugon nito.
Napa tingin sa kanya ang ama ni Rogue habang seryoso ang mukha
"Ikaw ba Vanna Hija anong naramdaman para sa anak ko.?" Napapansin ko kase nitong mga naka raang araw gusto mong laging kasama si Rogue, ang sa akin lang kung kayong dalawa ay nag kaka gustuhan na ay walang masama kung kayo ay mag pakasal nalang." Sabi ni Mr Monte Salvo
Nasamid naman si Rogue at dagling uminom nang tubig.
"Dad hindi ko mahal si Vanna, alam niyong wala sa plano ko ang mag pakasal sa kahit na sinong babae, anak lang ang nais ko." Matigas na wika ni Rogue.
Nasaktan naman si Vanna sa tahasang pag sasabi nito nang damdamin, ang ina ni Rogue ay dagling napa tingin sa gawi niya na tila nag alala,
"Natuturuan ang puso Rogue bakit dimo subukan, para sakin mas maganda kung bubuo ka nang pamilya, isipin mong kapag nag ka anak ka darating ang araw na mag hahanap ang bata nang isang ina, at ikaw hindi ka magiging masaya kapag wala kang matatawag na pamilya, " sa muli ay pahayag ng ama nito,
"Oo nga naman anak, isa pa kawawa naman si Vanna, saan siya pupunta wala naman siyang pamilya
" Pumangalawa naman ang ginang,Nakita niyang lalong na nainis ang hitsura ni Rogue sa sinabi nang ama nito at siya naman ay nasasaktan kaya sumabad na siya
"Dad, mom wag niyo na po akong alalahanin, nakapag usap na kaming dalawa ni Rogue tungkol dito at okay po sakin ang lahat, saka marami akong naiisip puntahan pag alis ko dito. Malaki na ako at kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa." Wika niya na nag patahimik sa lahat at napa tingin sa kanya maliban kay Rogue.
Sa kabila nang mainit na usapan sa harap nang mesa habang nag aalmusal ay sumama parin siya kay Rogue at sa muli wala nanamang nagawa ang lalaki, halos lumuwa naman ang mga mata nang mga employee nito pag kakitang may kasamang babae si Rogue sa office nito, nag tataka marahil na sa unang pag kakataon ay may kasama itong babae samantalang ni minsan ay walang nabalitang kasintahan ang lalaki, sinadya niya pang humawak sa braso nitong hindi inaasahan nang lalaki,
Ngingiti ngiti siya habang hindi naman maipinta ang mukha ni Rogue.Gusto niya pang asarin lalo ang lalaki,
BINABASA MO ANG
Adopted Surrogate Triplet's
RomanceHalos sampong taong inilihim ni Vanna ang damdamin para sa anak na panganay nang pamilyang umampon sa kanya, At iyon din ang nag udyok sa kanya upang mag presintang maging surrogate ng magiging Anak ni Rogue. At hindi niya inaasahang mag bubunga iy...