Chapter 13
"Good morning bess may appointment kay Mr Delosantos ngayong umaga at kay Mr. Monte Salvo mamayang Lunch time.?"
Salubung ni Zenith kay Vanna pag pasok niya nang office sa umagang yun.
Napa kunot noo siya sa huling binanggit nitong pangalan na tila pamilyar sa kanya.
Si Rogue ka agad ang pumasok sa kanyang isipan,. Sabagay hindi naman talaga nawala sa isip niya ang ama nang kanyang mga anak, simula noon hanggang ngayon.
Napailing si Vanna maraming Monte Salvo sa buong mundo hindi nag iisa ang may ari nang matunog na apelyedong yun. Pero kung sakalimang si Rogue ang lalaking nag appoint sa kanya ay mas ikasisiya niya, napaka tagal nang hindi niya nakikita ang lalaki at sobrang miss niya na ito, kumusta na nga kaya ang mahal niya.?
Pilit munang iwinaglit sa isip ni Vanna ang lalaki at itinuon ang attention sa mga bagay na dapat niyang unahin,
May mga ilang papel sa kanyang mesa na kailangan niyang permahan at pag katapos noon ay tinungo niya na si Mr Delosantos, maikli lang naman ang naging pag uusap nila at hindi iyon umabot nang trenta minutos kaya nakabalik kaagad siya sa office upang mag prepare para lunch meeting niya kay Mr Monte Salvo.
Samantala nasa opisina din nito si Rogue sa mga sandaling iyon at iniintay ang pag dating nang tanghalian, hindi na siya ma pakali na kinansela lahat nang appointment niya sa iba para sa pag kikita nila ngayong araw ni Vanna,
Naroong umupo sa kanyang Swivel chair naroong tumayo nanaman sabay tingin nang oras.Nag pa reserve narin siya nang restaurant para sa kanila ni Vanna mamaya at wala na siyang ibang gagawin ngayon kundi intayin ang oras nang muling pag haharap nila nang babae, matagal na niyang inaantay ang pag kakataong iyon at hindi niya na kaya pang palagpasin,
Pasado alas onse nang tanghali lumabas na siya sa kanyang opisina at tinungo ang kanyang kotse, wala pang ilang minuto ay nag babayahe na siya patungo sa lugar kung saan sila mag kikita ni Vanna,
"Good afternoon sir.!" Ngiti nang guardia pag pasok niya sa loob ng restaurant. Binati din kaagad siya nang isang waiter na sumalubong sa kanya at inihatid din siya sa VIP room na ipina reserve niya para sa kanila. Wala pa ang babae pag pasok niya sa loob, pero may 30 minutes pa naman kaya hindi siya nag aalalang darating ito, nag pasalamat siya sa waiter at nag order na para sa kanila ni Vanna
"Kuya Bong balikan mo nalang ako mamaya dito tatawagan nalang kita, ihatid mo muna to kay Gilbert." Pag baba ni Vanna sa tapat nang restaurant na pag kikitaan nila ni Mr Monte Salvo ay Inabot niya ang isang portfolio sa kanyang driver na nag lalaman nang kanyang report, naiwan iyon sa kotse niya kaninang umaga kaya hindi niya naibigay Gilbert nang mag kita sila. Malapit lang din naman ang restaurant sa office kaya hindi Hustle kung babalik ito sa Office.
"Yes Mam ako na po ang bahala," tinanguan siya at ngumiti,
Siya naman ay nag lakad na palapit sa restaurant, agad siyang binati nang guardia maging ang isang waiter na sumalubong sa kanya, sinamahan din siya ng waiter matapos sabihin na ka meeting niya sa lugar na iyon si Mr Monte Salvo at naroon na pala ito sa isang VIP room at inaantay na siya. Alam niyang tanging mayayaman lamang ang nakaka afford nang ganoong klaseng VIP.
Tumikhim siya.
"Good afternoon Mr Monte Salvo." Bati niya sa lalaking naka talikod sa kanya.
Agad itong humarap sa kanya kasabay ang panlalaki ng kanyang mga mata, hindi siya nagkamali sa akala, si Rogue nga iyon, dahil dito nag init ang kanyang mag kabilang mata pag kakita sa lalaking napaka tagal niyang hindi nakita, pero tila walang nag bago sa lalaki, mas lalo pa atang naging gwapo ang lalaki.
"Rogue.!" dama niya ang panginginig nang laman dahil sa matinding pananabik sa lalaki,
"Yes ako nga, kumusta kana Vanna.?" Tanong ni Rogue sa babaeng tulala sa kanyang harapan na hindi makapaniwalang siya ang naroon.
Pinigilan niya muna ang sarili sa pag nanais na yakapin agad ito dahil sa sobrang pag ka miss niya sa babae.
Nag iwas ito nang tingin sa kanya na tila naguguluhan, marahil nag tataka kung anong sadya niya.
"Okay naman ako Rogue, ikaw.? At ang mga bata kumusta sila.?"
Tanong nito at agad nangulap ang mga mata nito, nabasa niya doon ang longkot at pangungulila nito sa mga anak nila, at nasasaktan siyang makita itong malongkot dahil sa kanya.Marahan siyang humakbang palapit sa babae, malapit na malapit yung halos wala nang pagitan sa kanila, hanggang sa naka tingala na ito sa kanya dahil hanggang balikat niya lang ito,
"Im sorry Vanna sinaktan kita. Alam kong miss mo na ang mga anak natin, pangako simula ngayon hindi na tayo mag kakahiwa hiwalay, mag kakasama na tayo nang ating mga Anak."
Saka niya ito niyakap nang mahigpit at sabik na sabik.Dama niyang yumogyog ang balikat ni Vanna at mahigpit ding yumakap sa kanyA,
Pinakalma niya muna ito habang hinahagud ang likod, at mas lalo niyang niyakap ang babae,
Para kay Vanna tila panaginip ang lahat nang nangyayari ngayon habang naka kulong siya sa mga bisig ni Rogue.
"Vanna hindi mo lang alam kung gaano ko inasam na makita at mayakap ka nang ganto." Kalaunan ay saglit siyang pinakawalan ni Rogue at tinitigan. "mahal kita Vanna." Madamdaming usal pa nito, kaya ganoon nalang ang pamamalisbis lalo nang luha niya dahil sa sobrang saya, mahal siya ni Rogue hindi siya makapaniwala, kaylan pa.?
"Sorry dahil hinayaan pa kitang malayo, Im sorry dahil ngayon lang ako nag kalakas loob nang loob aminin ang nararamdaman ko, mahal na mahal kita Vanna at hindi ko na hahayaan pang mag kahiwalay tayo."
Lalo siyang napa hikbi dahil sa sobrang saya na narinig mula sa lalaki.
"Rogue mahal din kita hindi mo lang alam kung gaano kasakit sakin iwan kayo nang mga anak ko, ang sakit sobrang nangungulila ako sa inyo akala ko hindi na darating ang araw na to.." Wika niya habang yumuyogyog ang kanyang balikat dahil sa pag iyak.
Hindi naman akalain ni Rogue na maririnig mula sa babae na mahal siya nito, dama niya rin ang matinding pangungulila ni Vanna sa kanilang mga anak,
"Im sorry Vanna naging duwag ako sa nararamdaman ko, mag simula tayo, pakakasalan kita, mag sasama tayo habang buhay kasama ang ating mga anak i love you.." Ani Rogue habang pinapahid ang mga luha ni Vanna,
Tango naman ang naging tugon nang babae at mahigpit na yumakap kay Rogue.
![](https://img.wattpad.com/cover/365604608-288-k379293.jpg)
BINABASA MO ANG
Adopted Surrogate Triplet's
RomantizmHalos sampong taong inilihim ni Vanna ang damdamin para sa anak na panganay nang pamilyang umampon sa kanya, At iyon din ang nag udyok sa kanya upang mag presintang maging surrogate ng magiging Anak ni Rogue. At hindi niya inaasahang mag bubunga iy...