"SORRY, I'm late," paunang bati ni Roni sa mga kaibigan.
Almost thirty minutes na kasi siyang late sa usapan nila. Nag-decide silang mag-meet sa El Pueblo for a few drinks. Corner table ang pinili ng mga kaibigan niya para di masyadong nakakatawag pansin kung mapalakas man ang tawanan at hagikhikan nila. Gustong-gusto nila ang ambiance dito. Dimly lit ang lugar at masarap mag-unwind after office.
"Don't worry, sanay na kami," prangkang sagot ni Jelai.
Nang umupo siya sa mesa ay napansin niyang nakaisang round na ng drinks ang mga kaibigan.
"Excuse me, one tequila surprise, please," order niya sa isang waiter na nagdaan sa kanyang tabi. Ibinalik niya ang pansin sa mga kaharap. "Para saan ba itong biglaang labas natin?" tanong niya habang pinapapak ang pulutan.
"May announcement daw itong si Missy," sagot ni Jelai.
"Ano na iyon, Missy? Andito na si Roni. Kanina mo pa kami binibitin, eh!" Impatient na pakli ni Nelia.
"Well... Yuan asked me to marry him!" masayang tugon nito na halatang kilig na kilig. Sinundan ito ng malakas na tilian at sigawan ng 'congratiolations!' nilang tatlo.
"And look at my ring!" sabi nito, sabay pakita sa kanila ng isang singsing na napapalibutan ng brilyantitos. At may heart-shaped diamond pa ito sa gitna.
"Wow!" halos sabay-sabay nilang bulalas.
"Mayaman talaga si Papa Yuan," tukso ni Nelia.
"Ikaw ba naman ang maging anak ng isang senador at sikat na jeweller?" sabat ni Jelai.
"Handa ka na ba sa sakit ng ulo, Missy?" tanong ni Roni.
"Bakit naman?"
"Aba, eh, mucho gwapito ang magiging asawa mo. Ang mga bebot na iyan, hindi basta-basta mawawala iyan porque't naitali mo na si Yuan," pagpapaalala ni Roni.
"Hmm... talking about mucho gwapito. Tingnan ninyo kung sino itong Adonis na kakapasok lang sa bar. Delicious!" malanding sabi ni Nelia after slowly licking her lips.
Sabay-sabay nilang sinundan ang tingin nito sa bandang entrance ng bar. And the sight that greeted Roni almost took her breath away. She had been around gorgeous men before, pero iba ang dating ng lalaking ito. Oozing with sex appeal and charisma.
Napatingin ito sa kanila habang naghahanap ng mauupuan. Di-sinasadyang nagtama ang kanilang mga paningin and she felt a strong jolt of electricity course right through her. Mabilis niyang binawi ang tingin at yumuko upang magkunwaring engrossed na engrossed sa pagtingin sa table cloth.
"Uhum... I can see sparks flying!" tukso ni Missy.
"Drop dead gorgeous! Kung iyan rin lang ang makaka-one night stand ko, okay lang!" pilyang sabi ni Nelia.
"Oo nga, ano, Hey, Roni, remember what you told us noong isang araw about going all the way with a stranger?" paghahamon ni Jelai sa kanya.
"Aha! Oo nga, ano!" segunda ni Missy.
"What about it?" maang tanong niya.
"Eto na ang chance mo!" sulsol ni Nelia.
"Alin, iyon?" di-makapaniwalang tanong niya.
"Bakit hindi? I mean, kung desidido ka rin lang, iyan na. Guwapo, mukhang disente, mukha ring super rich." ani Jelai.
"Idagdag pang sexy body and mukhang interesado rin sa iyo, Sister! Kanina pa patingin-tingin sa iyo, eh," ani Missy.
"Malay mo kung may hinihintay na date iyan."
"Well, kung ako rin lang, ang ganyang lalaki ay hindi pinaghihintay. At saka mukha namang walang hinihintay, eh. Mukha lang nagpapalipas ng oras," puno ng kumpiyansang sabi ni Nelia.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
RomanceRoni planned to lose her virginity in a one-night stand with a total stranger. Kaya minsang i-dare siya ng mga kaibigan na i-pick up ang isang guwapong estranghero, hindi siya nakaurong. And before she knew it, nangyari na nga ang kanyang plano. Di...