NGAYON ANG UNANG PUNTA ni Roni sa Jimcorp Towers para mag-ocular inspection. And she chose to wear a short, slightly fitting dress na baby blue ang kulay with matching strappy sandals. Since spaghetti-strapped ang nasabing damit ay pinatungan niya iyon ng blazer.
She quickly grabbed her car keys from the kitchen table at mabilis na lumabas ng condo.
Jimcorp Towers was located directly across the street from the office of Jimcorp Enterprises in Makati. Aaminin niyang excited na excited siya sa proyektong ito. Sa tingin niya, this could really help her in terms of good recommendations. And after that, siguro sisimulan na niyang isipin ang magsolo. Ang bilis naman yata ng takbo ng mga pangarap ko, aniya sa sarili.
Nang masilayan niya ang taas ng Jimcorp Towers ay hindi niya napigilang humanga roon. A forty-storey building which housed the offices of the Jimcorp staff, from the CEO to the distinguished board members. Mayroon din itong mga function rooms, showrooms, lounges, information counters at kung ano-ano pa.
Kunsabagay, pinakuha naman siya ni Borj ng ilan pang designers to help her out. Ang kailangan lang ay siya ang responsible sa overall effect ng towers.
Ang pinapauna ng lalaki sa kanya ay ang penthouse kung saan iyon ang magiging opisina nito. At iyon lamang ang silid na siya mismo ang mag-aasikaso. Hindi niya ito puwedeng iasa sa kanyang subordinate designers.
Iba na nga naman kapag CEO ka, kailangan laging special, sa loob-loob niya.
Nang makapasok siya sa towers ay nandoon na ang iba pa niyang kasamahan, five to be exact. Of course kasama si Maila. Ang iba pa niyang kinuha ay sina Carol, Marga, Bryan at Tom. Ayaw pa nga sana niyang kunin ang huli dahil matagal na itong nangungulit sa kanya. Kaya lang alam niyang magaling ito at mapagkakatiwalaan kung ganito kalaking project ang pag-uusapan.
"Hi, Roni!" mabilis nitong bati sa kanya.
"Hi, everyone. O, Tara na, marami-rami rin ang dapat nating ma-cover ngayon," sabi niya at nagpatiuna na sa paglibot sa nasabing building.
Inisa-isa niya ang mga assignments ng kanyang mga kasamahan at in-explain sa kanila kung ano ang mga requirements ng may-ari. It took them four hours para lang lubos na malibot ang lugar. Binisita na rin niya ang penthouse.
Nakalabas na sila ng towers at maghihiwa-hiwalay na, ngunit patuloy pa rin sa pagsunod sa kanya si Tom upang ihatid siya sa kanyang sasakyan.
"So, Roni, gusto mong mag-lunch?" tanong nito nang mapatapat na sila sa kotse niya.
"Uhm... Hindi na siguro. May imi-meet din kasi akong mga kaibigan for lunch, eh. Sorry."
"Next time then?" kulit nito while flashing his charming smile. Marami ang nagsasabi sa kanya na good catch ito, guwapo, may-kaya, at matalino. May pagkapabling nga lang pero mabait naman ito. Ngunit hindi niya mawari kung bakit ever since, hindi niya ma-imagine ang sarili na mai-in love dito. Parang kapatid lang talaga ang turing niya kay Tom.
"Yeah... Next time," kunwa'y pagpapaubaya niya.
"Miss Salcedo..." Sabi ng boses mula sa kanyang likuran. At kahit hindi siya humarap ay alam niyang si Borj ito.
Bigla ang naging pagharap niya rito. Hindi rin marahil namalayan ni Tom ang paglapit ng lalaki sa kanila base na rin sa pagkagulat nito.
"Good morning, Sir," mabilis na bati nito.
Borj acknowledged him with a brief nod at matapos ay bumaling sa dalaga na tila nagtatanong kung sino ang kasama niya.
"Borj, si Tom. Isa siya sa mga interior designers na pinakuha mo sa akin to help us out," mabilis na pag-e-explain niya.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
RomanceRoni planned to lose her virginity in a one-night stand with a total stranger. Kaya minsang i-dare siya ng mga kaibigan na i-pick up ang isang guwapong estranghero, hindi siya nakaurong. And before she knew it, nangyari na nga ang kanyang plano. Di...