KINABUKASAN, alas dies ng umaga ay nakatanggap ng tawag sa telepono si Roni mula kay Maila.
"Hello?" sagot niya.
"Roni? Si Maila ito. Nagkaproblema kasi tayo sa ilang mga materials para sa display room. I need your help!" tila natatarantang sabi nito sa kabilang linya.
"Maila, alam mo namang nag-resign na ako, di ba? So officially, wala na akong kinalaman sa project na iyan," pagre-remind niya.
"I know, Roni. Pero Ikaw lang talaga ang nakakaalam ng lahat-lahat sa materyales na dapat gamitin. Puwede mo ba akong i-meet para ma-run down mo ulit yung mga requirements at pati na rin yung alternatives natin?" tanong nito in a very hopeful tone.
At since wala naman siyang ibang gagawin ngayon ay walang dahilan para tumanggi siya rito. Responsibilidad din niya na maayos na maiwan sa mga kasamahan ang proyektong ito.
"O sige, Maila. Saan kita imi-meet?" tanong niya.
"Great! How about sa penthouse ng Jimcorp Towers? Iyon lang kasi ang fully furnished na. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa iyon in-occupy ni Mr. Jimenez, eh!"
"O sige. I'll meet you there after an hour," mabilis niyang tugon na piniling hindi pansinin ang pagkakabanggit nito sa pangalan ni Borj.
Nang makarating siya sa penthouse ay wala pa si Maila. Kaya sinamantala niya ang pagkakataong iyon para tingnan ang kabuuan ng silid. From the carpet, curtains, wallpapers at furnitures ay very elegant ang kinalabasan ng silid.
Saglit pa ay tumunog ang kanyang cellphone. Nabasa niya ang message ni Maila na hintayin pa niya ito sandali dahil may meeting lang ito sa iba pang suppliers nito.
"Bakit kaya hindi pa ito ino-occupy ng damuhong iyon? I'm pretty sure I did a good job with this room," malakas na sabi niya sa pag-aakalang walang nakakarinig sa kanya.
"Yes, you did," pagsang-ayon ng kilalang boses na nagmula sa side door ng silid.
Hindi siya nagsalita habang dahan-dahang humaharap dito.
"Sana pabayaan mo muna akong mag-explain at humingi na rin ng paumanhin kung sa akala mo ay hindi ako lubos na naging honest sa iyo sa ilang mga bagay," anito habang humahakbang palapit sa kanya.
"Simula pa lang nang makita kita sa bar na iyon, alam ko na sa sarili ko na natagpuan ko na ang babaeng gugustuhin kong makasama nang matagal. At hindi ako nagkamali. At lalong hindi ako makapaniwala nang may nangyari sa atin nang gabing iyon. Pero nang bale-walain mo iyon lahat kinabukasan at sabihin mong it was nothing more than a one-night stand, nangako ako sa sarili ko na I'd do anything to make you change your mind. Nang hindi ako nakatanggap ng tawag mula sa iyo nang mga sumunod na araw despite the fact that I gave you my calling card, I figured that I've got to put matters in my own hands. Gusto ko lang na magkaroon ng pagkakataon na ma-prove sa iyo that we are meant for each other... that you are meant for me, iyon lang. Walang panlilinlang o panloloko behind it," mahabang paliwanag ni Borj.
Unti-unti nang natutunaw ang resolve niya na hindi na patawarin ang lalaking ito.
"And about Trisha. That day, pumunta siya sa opisina ko para daw i-discuss yung property na gustong ibenta sa akin ng papa niya. One moment she's standing in front of me, the next instant she was on my lap, kissing me. And iyon yung mismong minutong pumasok ka sa opisina ko. I swear I had nothing to do it. I will admit na nagkaroon kami ng brief affair, but that was months before I even met you. Matagal nang wala iyon. Ever since you came into my life...wala nang iba pa, Roni," masuyong sabi nito.
She looked at him very closely. At alam niya na nagsasabi ito ng totoo. Unti-unti siyang lumapit dito at niyakap ito. "I'm sorry for jumping into the wrong conclusions," mahina niyang sabi.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
RomanceRoni planned to lose her virginity in a one-night stand with a total stranger. Kaya minsang i-dare siya ng mga kaibigan na i-pick up ang isang guwapong estranghero, hindi siya nakaurong. And before she knew it, nangyari na nga ang kanyang plano. Di...