TEN THIRTY A.M dumating si Roni. Wala siyang magagawa. Kahit ano pang pagmamadali ang gawin niya, talagang traffic. Kung kaya lang niyang buhatin ang mga nakahambalang na sasakyan sa dadaanan ay ginawa na niya.
At parang hindi pa sapat ang parusang naranasan niya sa traffic, pagdating niya sa Jimcorp Enterprises ay nakangiti pang sinalubong siya ni Vanessa, ang bruhang sekretarya ni Mr. Jimenez, para i-inform siya na dahil na late siya sa itinakdang oras ay may pinuntahan munang emergency meeting ang boss nito at kung pupuwede na maghintay na muna siya sa lounge.
At hindi na niya alam kung ilang minuto, oras, araw o taon na siyang nakaupo roon, wala pa rin ni anino ng magaling na damuho. Pakiramdam niya ay tinubuan na siya ng puting buhok sa paghihintay nang...
"Mr. Jimenez will see you now," anunsiyo ni Vanessa na tila anghel na galing sa langit.
"Finally, after forty-eight years..." wala sa loob na malakas na nasabi niya na ikinakunot naman ng noo ng mahaderang sekretarya.
Vanessa led her to a long hallway kung saan sa dulo ay may isang double door na silid. Bahagya itong kumatok at pinagbuksan siya ng pinto. Isinenyas nito sa kanya na pumasok na. Pagkapasok na pagkapasok niya ay isinara kaagad nito ang pinto at iniwan siya sa silid.
Hindi kaagad makita ni Roni ang CEO ng Jimcorp Enterprises dahil sa laki ng swivel chair na kinauupuan nito at nakatalikod pa ito sa kanya.
"Good morning, Sir. Sorry I was late." How ironic naman na siya pa ang humihingi ng dispensa rito. Pero ganoon talaga. Billions of pesos ang kaibahan nilang dalawa.
Dahan-dahang humarap sa kanya ang lalaki at nang lubusan na niya itong makita ay halos natumba siya sa kinatatayuan. Nanlamig ang buo niyang katawan at halos mapugto ang hininga niya sa kabiglaanan. Because right there, sitting in front of her ay ang lalaking inaasam niyang hindi na niya makikita sa buong buhay niya!
Kung nabigla rin ito pagkakita sa kanya ay hindi na lang marahil ito nagpahalata dahil kalmado pa rin ito sa pagsasabing:
"It's all right, Miss Ronalisa Salcedo. Small world, isn't it?"
"Did you know it was going to be me?" maang niyang tanong.
"Honestly? No," tugon nito, sabay senyas sa kanya na maupo.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay muli itong nagsalita. "You mentioned the last...time na your company is into interior designing and that you are good, too. Nagkataon naman na nangangailangan ako ng mag-aasikaso sa isa sa mga properties ng kompanya. May hinahabol kasi kaming opening day para doon so naisip kong since highly recommended ang Par Excellence, iyon na lang ang kunin ko for this contract," pagpapaliwanag ni Borj.
"So, hindi mo alam na ako ang puwede nilang ipadala," paniniguro niya.
"Ang sinabi ko lang kay Mr. Potenciano is to send me the best, So I guess Ikaw iyon," sabi nito, sabay sandal sa kinauupuan.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
RomanceRoni planned to lose her virginity in a one-night stand with a total stranger. Kaya minsang i-dare siya ng mga kaibigan na i-pick up ang isang guwapong estranghero, hindi siya nakaurong. And before she knew it, nangyari na nga ang kanyang plano. Di...