Chapter Eight

327 25 9
                                    

TWO DAYS AFTER THAT DINNER, saka lang sila muling nagkita ni Borj. Naging abala kasi si Roni sa pag-aasikaso ng ilang detalye para sa materyales na gagamitin sa function rooms kung kaya hindi siya nakakapunta sa Jimcorp Towers at hindi rin nakakapag-report ng developments sa binata. Inasa na lang niya kay Maila ang pagpunta sa opisina nito upang sabihin dito kung ano na ang status ng trabaho nila.

It was almost lunchtime nang makarating siya sa Jimcorp Enterprises.

She was still glowing from the dinner and the long talk they had two nights ago.

Napansin niyang wala ang sekretarya sa labas ng silid ni Borj kaya dere-derecho na lang siyang pumasok sa private office ng lalaki matapos niyang kumatok ng tatlong beses.

"Borj?" bungad niya sa may pinto.

Mukhang hindi siya narinig nito. At nang sumilip siya nang husto sa medyo nakaawang na pinto ay nakita niyang may bisita ito.

"Borj, Dear... Sige na. Samahan mo na ako  sa barbecue party nina Apple," buong paglalambing na sabi ng babae, sabay kawit ng dalawang braso nito sa leeg ng binata. Kapwa nakatayo ang dalawa.

"Trisha, I can't. May trabaho ako," mariing sabi ng binata habang inaalis ang mga kamay ng bisita sa leeg nito.

So, Trisha pala ang pangalan ng babaeng linta, sa loob-loob niya.

"Honey..." pagsisimula nito nang biglang tumikhim nang malakas si Roni upang mapansin siya ng dalawa. Mabuti pang i-distract niya ang mga ito bago pa muling maikawit ng babaeng ito ang mga braso sa leeg ni Borj.

Gulat na gulat naman ang binata pagkakitang siya ang nakatayo sa pintuan. Mabilis itong lumayo kay Trisha at kaagad ay pumunta sa kinatatayuan niya upang pagbuksan siya ng pinto.

"Roni, Ikaw pala. I need to talk to you regarding those carpets," pagdaka'y sabi nito.

"Huh?" nalilitong tanong niya. Noong isang araw pa nila napag-usapan iyon.

Tinitigan siya ni Trisha mula ulo hanggang paa, and after that ay ni hindi man lang nito in-acknowledge ang presence niya. Muli itong bumaling kay Borj. "Nag-uusap pa tayo, Borj. Kung ano man ang kailangan sa iyo ng babaeng iyan ay makapaghihintay. Ako, hindi. And I am not leaving until you talk to me properly," buong katarayan nitong sabi.

"Trisha, this is Roni, the interior designer of Jimcorp Towers. Roni, this is Trisha, my business associate," anito, matigas ang naging pagbigkas sa huling mga kataga.

"Whatever," pagbabalewala nito sa kanya.

Unti-unti nang nauubos ang kanyang pasensiya sa babaeng linta at alam niya na namumula na siya sa galit, bagay na napansin ni Borj. Kaya when she was about to give Trisha a bitchy remark ay namagitan na ito para maiwasan ang isang masamang eksena.

"Roni, why don't we just talk later? Pupunta ka ba sa Jimcorp Towers?" Very diplomatic na tanong ng binata.

Bigla ang tingin niya rito, and thinking na kinakampihan nito ang bisita at dini-dismiss siya, matalim ang tinging ipinukol niya rito.

"Yes, I'll be there," she said in a controlled voice.

"Pupunta na lang ako doon later," sagot nito in a tone meant to placate her.

"Fine. Pero kung magiging busy ka sa iba pang business matters," okay lang. Don't bother," makahulugan niyang tugon.

"No... I'll be there," matigas na ring sabi nito.

Tumalikod na siya para lumabas ng silid, ngunit binalingan muna ng tingin si Trisha. "It was very nice meeting you," full of sarcasm niyang pakli.

Hindi na nakuha pang makasagot ng babae dahil mabilis na siyang nakalabas ng silid, leaving Trisha staring after her with anger in her eyes, and Borj, with a hint of a smile on his lips.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon