Chapter One

646 30 12
                                    

"I NEED TO LOSE MY VIRGINITY!" malakas na pahayag ni Roni.

"What?" gulat na reaksyon ni Jelai. Kasalukuyan silang nasa condo unit ni Roni. Nakaugalian na kasi nilang magkakaibigan na maglaan ng isang araw sa loob ng isang buwan para magkita-kita. Kaya heto sila ngayon, magkakasama isang Friday night, nagpapakalunod sa vodka habang nagkukuwentuhan.

At ang topic of discussion ay sexual escapades nila. Kung dati ay nananahimik lamang siya kapag ganito ang tema ng pag-uusap, nakakagulat ngayon dahil sa kanya mismo nanggaling ang mga katagang iyon, tila desperado at napakaseryoso.

Kaya hindi masisisi si Jelai kung muntik na itong masamid sa orange juice na iniinom nitong bilang chaser ng vodka.

"Naloloka ka na ba? Ano naman ang sumuot diyan sa baluktot mong isip at nasabi mo iyan?" Di makapaniwalang tanong ni Nelia kay Roni.

"Bakit? What's wrong with that? Kayo nga diyan, all of you have done it already. Besides, don't tell me you have never done it just for the heck of it?" prangka niyang tanong.

"Yeah... Sometimes. But the first time has to be special. It has to be with someone you love," sabat ni Missy, ang romantic sa grupo.

"I don't have the time to wait for that special someone," pangangatwiran niya. "I mean, look at me! I'm twenty-four years old! I work in prestigious company. I'm not ugly. Hindi ako bungi, kirat, banlag, or an-an beauty. Well-proportioned ang katawan ko. Hindi naman ako mukhang amazona, pero hanggang ngayon, I don't have a love life to speak of," may himig pagmamaktol na sabi niya.

Mataman siyang tinitigan ng mga kaibigan at iisa lamang ang tumatakbo sa isip ng mga ito, understatement ang mga pinagsasabi niya.

Dahil hindi lamang pasado ang beauty ni Roni, higit-higit pa. Mula noong high school pa lamang sila ay napakalakas na ng kanyang appeal sa kalalakihan. Hanggang kolehiyo ay hindi lamang iilan ang mga nanligaw sa kanya.

Bukod kasi sa napakaamo niyang mukha ay maganda rin ang kanyang katawan. Idagdag pang matalino siya at consistent na kasama sa top ten ng klase. Ngunit ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng seryosong relasyon dahil na rin siguro sa napakapihikan niya.

"Alam mo kung ano ang problema mo?" tanong ni Jelai.

"Ano?"

"You never go out."

"But I always go out with you guys," giit niya.

"With us, oo. Pero yung dates with men? Never!"

"Eh, sino naman ang gusto mong i-date ko? Half of the guys I know are either pompous or mas vain pa sa akin. Yuck!" nandidiring turan niya.

"Isa pa yan, yang attitude mong iyan. Alam mo, wala namang perfect na lalaki, eh. Masyado ka kasing pihikan." mataray na sita ni Nelia.

"At saka before naman, you were never conscious of the fact na virgin ka pa, ah!" sabi ni Missy.

"Sabi ko na nga ba, dapat hindi natin masyado kinukuwentuhan yan, eh," dagdag ni Jelai.

"Ewan ko ba. Lately, I've been having this feeling that time is catching up with me. Tingnan niyo, second millennium na. And all of the signs of Armageddon are actually happening---flashfloods, earthquakes, civil wars, famine. Eh, magugunaw na lang yata ang mundo, virgin pa rin ako. Come to think of it, five percent na lang yata of the population above twenties, of course not counting the nuns and monks, ang virgin. I feel like I'm not normal, especially in my field of work. Whenever we would have these girls talk, iyon lang mostly ang pinag-uusapan. And they would sometimes ask me na magkuwento," litanya ni Roni.

"And?" tanong ni Jelai.

"Eh, di nagkukuwento ako."

"At ano naman ang ikinukuwento mo? Yung nababasa mo sa pocketbooks at napapanood mong romantic movies?"

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon