Chapter Eleven

266 21 5
                                    

NAGTITIMPLA NG WARM MILK si Roni bago matulog. Kadarating lamang niya sa condo unit matapos nilang magkita-kita ng mga kaibigan. Nakapag-shower na siya at nakapagbihis ng nightshirt na pantulog.

Nasa kitchen siya nang tumunog ang doorbell. Pasado alas-nueve na. Sino pa kaya ang mambubulabog sa kanya sa ganitong oras?

Sinilip muna niya sa peephole kung sino ang taong nasa labas. Nang makita si Borj ay kaagad niyang binuksan ang pinto.

Pagkakita niya rito ay natigilan siya sa hitsura nito. Mukha kasi itong pagod na pagod. Hinubad na nito ang coat na suot at nakasukbit na lamang sa balikat nito. Niluwagan na rin nito ang kurbata at bahagya pang nakabukas ang ilang butones sa long sleeve polo nito.

Pinapasok niya ito at kaagad na kinuha mula sa kamay nito ang coat upang maisabit niya sa hanger malapit sa pinto. Tuloy-tuloy na naupo ang lalaki sa sofa at pagod na sumalampak doon.

Walang salitang namagitan sa kanila.

Sinundan niya lamang ito sa kinauupuan nito. Tumabi siya rito. Mayamaya pa ay humiga ito sa sofa at ginamit ang lap niya bilang unan. Nagpikit ito ng mga mata.

She was running her hands through his hair, paulit-ulit. She was also rubbing his temple gently. Nang tingnan niya si Borj ay nakapikit pa rin ito. Akala nga niya ay tulog na ito. Hindi na kasi ito masyadong gumagalaw.

Pinalipas pa niya ang ilang sandali at nang matiyak sa sarili na tulog na ito ay dahan-dahan siyang yumuko at ginawaran ito ng masuyong halik sa noo. "I love you, Borj," bulong niya.

Nagulat siya nang bigla itong magmulat at saglit siyang tiningnan. "I love you, too, Roni," mahinang sagot nito bago pumikit ulit at tuluyan nang nakatulog.

Matagal bago siya nakapag-react. In shock ang buo niyang katawan nang harap-harapang sabihin sa kanya ng binata ang mga katagang iyon.

Ngingiti-ngiti sa sarili na ipinagpatuloy niya ang pagsuklay ng mga daliri sa buhok nito.

I guess my first time turned out special after all. I also did it with someone I love, sabi niya sa sarili nang maalala ang sinabi ng mga kaibigan niya.

******

NAGING MAGULO ang sumunod na mga araw. Sobra ang pagse-sensationalize ng mga tao sa media tungkol sa kaso ni Borj. Mapa-telebisyon, radyo at pahayagan ay lagi nang may balita tungkol sa development niyon.

At dahil sa lagi siyang nakikitang kasama ng lalaki, pati siya ay sinusundan-sundan ng press people sa bahay, opisina at kung saan man siya magpunta, para lamang tanungin kung ano ang masasabi niya tungkol sa kaso ng binata.

At dahil dito ay binigyan na siya ni Borj ng bodyguard at isang personal driver na kasa-kasama niya kahit saan siya pupunta.

Una ay matindi ang pagtutol niya sa nais nitong mangyari.

"Hindi ko kailangan ng bodyguard, Borj," mataray na pakli niya habang nakapamaywang pa. Nasa opisina sila ng lalaki at kasalukuyan niyang isinasauli ang mga alalay na ibinibigay nito sa kanya.

"This is for your safety," katuwiran nito.

"Hindi ko na kailangan iyan. I know self-defense," pagpipilit niya.

"Like?" tanong nito sa amused na tinig. Nagpatuloy ito sa pagbabasa ng mga dokumento sa mesa habang paroo't parito siya sa loob ng opisina nito.

"Taekwondo!"

"Will taekwondo help kapag mina-mob ka na ng mga reporters? I don't think so," desidido pa ring sagot nito.

"Borj..."

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon