AFTER AN HOUR ay gumayak-gayak na rin si Roni patungo sa Jimcorp Towers upang tingnan ang developments sa iba pang mga silid ng naturang building.
At nang mapadaan sa isang newspaper stand ay mabilis siyang bumili ng broadsheet na paborito niya. Pagkaabot na pagkaabot niya sa naturang diyaryo ay kaagad na bumulaga sa kanya ang litrato ni Borj sa front page at may headline na nagsasabing: Business Tycoon: Under Investigation for Stock Market Scam.
Ito na nga yata ang sinasabi sa kanya ni Missy noong isang gabi. Imposible.
Dali-daling siyang sumakay ulit sa kotse at mabilis na tinungo ang opisina ng binata.
*****
KAAGAD SIYANG PINATULOY ni Vanessa sa private office ng boss nito. Ipinagbilin daw kasi ni Borj na kung darating siya ay papasukin kaagad siya roon.
Pagkapasok pa lang niya sa silid ay nakita na niyang nakapatong sa mesa ng lalaki ang iba't ibang diyaryo na naglalaman ng ganoong balita. Evidently, hindi lang pala ang broadsheet na binili niya ang may headline na ganoon.
Pagtaas niya ng mga mata kay Borj ay kalmanteng-kalmante ito na nakatingin sa kanya. Parang hinihintay kung ano ang sasabihin niya.
"I saw the papers..." natitigilan niyang sabi.
Bahagyang tango lang ang isinagot nito. Seryosong-seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya, as if gauging her reaction.
"I was worried about you. Are you all right?" may pag-aalalang tanong niya.
"Yes. How about you? Are you all right with this?" walang karea-reaksyon na balik-tanong nito.
Humakbang siya palapit sa binata, ngunit huminto rin nang marinig iyon. "Anong ibig mong sabihin?"
"Doesn't all this scare you?"
"Bakit naman ako matatakot?"
"Some women are. Pero wala akong magagawa. Parte ito ng buhay ko. Ang scandal, intrigues... Especially this one. This could turn out to be really nasty. So if you wish to stay out of this mess, stay away from me... I would understand," dere-derecho nitong sabi. Tumayo ito at tumalikod sa kanya.
Unti-unti ay naiintindihan ni Roni kung ano ang pakahulugan nito sa mga itinatanong sa kanya. And she could also sense fear in him, na dahil dito ay hindi niya na nanaising makasama ito. Bagay na malayong-malayo sa nakatakda niyang gawin.
Mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan nito. Marahan niya itong hinawakan sa braso upang humarap sa kanya.
At nang titigan niya ito sa mga mata ay seryoso siyang nagsalita. "Bakit naman kita iiwan? Ngayon pa na natikman ko na kung gaano ka kasarap mag-prepare ng breakfast?" may himig pagbibiro niyang saad in an attempt to cheer him up.
Si Borj naman, after hearing those words, ay noon pa lamang nakahinga nang maluwag. Kaagad siyang ikinulong sa mga bisig nito. "Don't worry, everything will be all right," pag-a-assure nito habang magkayakap sila.
Funny, siya pa ang kino-comfort nito gayong nahaharap ito sa isang napakalaking problema.
Bahagya siyang lumayo sa binata para titigan ito sa mata. Masyado kasi itong kalmado. "Sigurado ka bang okay ka lang?" pangungulit niya.
"Naniniwala ka bang wala akong kasalanan?"
"Oo," full of confidence niyang sagot.
"Iyon lang ang mahalaga," nakangiting saad nito.
Sunod-sunod na katok ang umistorbo sa kanila. Sumilip sa kuwarto si Vanessa upang sabihin na pumasok na ang hinihintay na tawag sa line two.
"O Sige, aalis na muna ako. May kailangan rin akong i-check sa Jimcorp Towers. I'll see you later?" paniniyak niya.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
RomansRoni planned to lose her virginity in a one-night stand with a total stranger. Kaya minsang i-dare siya ng mga kaibigan na i-pick up ang isang guwapong estranghero, hindi siya nakaurong. And before she knew it, nangyari na nga ang kanyang plano. Di...