Chapter 40

1.1K 13 0
                                    

Chapter 40

Dara's POV

Nang makarating sa malaking bahay ay kabado pa akong baka pagalitan ni Inang at ginabi ng uwi ngunit nagtanong lang siya ng mga nangyari sa skwelahan sa buong maghapon.

"Ok lang naman po Nay medyo tinambakan lang naman agad kami ng mga assignments."

"Eh kayang- kaya mo naman iyan anak di ba? Ano nga iyung termino mo dyan? 'No sweat'?

"Ahihi.. si Nanay talaga ang talas ng memory! Oo Nay, no sweat iyun.. ako pa?"

"Kaya hangang-hanga kami ng tatay mo sa'yo anak... alam naming matalino ka... panatilihin mo ang matataas na marka Dara at nang makaakyat uli ang ama mo sa stage."

"Oo Nay.. pangako magta-top nine ako sa closing!" Yan ang fighting spirit! Humalik ako sa pisngi ni Inang sabay yakap nang nakangiti.

***

Vince POV

Matapos ko siyang makausap parang nakabitin pa rin ang tungkol sa amin... one thing confirmed, takot pa ring ipagtapat ang totoo. It's getting even worst... siya? Mag-astang alalay ko? Tsss.... kung anu-anong pumapasok sa isip eh, haaay... i don't really see anything bad kung ipagtapat man naming mag bf/gf na kami... so what kung mga bata pa kami? Kaya nga may childhood sweethearts na terminology right? But I respect her decision na bigyan siya ng sapat na panahon...

"So how's your first day of school, iho?" Agad akong sinalubong ni Mama. Humalik ako sa pisngi niya nung tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"It's fine, Mama... di pa naman ganun ka-seryoso pa iyung mga lessons namin kanina.. more on orientation pa muna lalo na sa akin na transferee..."

"Eh kumusta naman kayong dalawa ni Dara? Di mo na ba siya pinapaiyak, anak?"

"Of course not, Mama! In fact, I..." Natigilan ako sa huling babanggitin ko sana buti at napigilan pa.

"In fact what iho?" Agad ang paglapit ni mama na very obvious ang pagkaroon ng interes sa naputol kong sasabihin. Psh.... me and my big mouth!

"In fact.... I like her... a lot." And, I love her even more, ang muntik ko pang maidagdag pero nakontrol ko na ang bibig ko. Iyung mas malapit sa katotohanan ang sinabi ko. I really wanted to admit that I love Dara.. kaso baka mas lalo lang akong kukulitin ni mama which I am sure mapapaamin ako na girlfriend ko na siya.

And if not because of my promise na pumapayag akong itago na nga muna eh gustung gusto ko na talagang ipagtapat ang lahat.

But like she said na she just needs enough time then I will allow her to take all the time...

Iyun ay kung hangga't kaya ko pa ring maghintay..

But swear to all saints, it will not go on on like this forever. That I won't allow to happen.

*******************

DARA's POV

"We need to talk." Boses pa lang alam kong siya na yan.

Ilang araw ko na siyang di pinapansin. At ilang araw na rin siyang buntot nang buntot.

"May quiz kami mamaya Vince at di ko pa rin natatapos mga assignments ko di ko na nga alam alin uunahin..." Ni hindi ko siya tinitingnan at nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa binabasang libro.

"To hell with that crap, Dara! Alam kong iniiwasan mo ako ang dami mo pang sinasabing dahilan!"

Di ko talaga napigilan ang mapakislot sa kinauupuan dahil sa medyo napalakas na talaga ang boses niya. Sabay lingon ko sa paligid kung may nakarinig. Nasa loob kasi ako ng library at pumuwesto ako sa bandng sulok para nga sana makapag concentrate sa pag study.

Letsugas naman talaga! At siya pa ang may ganang manindak ha! Pinandilatan ko siya ng mga mata kahit pa nakahinga ako nang maluwang at walang gaanong tao roon malapit sa amin. Malayo rin ako sa puwesto ng librarian kaya kampante akong di siya narinig.

"Please, let's talk...." Nakita ko ang pakiusap sa mga mata niya. Putris, dinadaan ka na naman sa charm niya Dara Faye huwag kang magpadala, utang na loob!

"Alam mong wala na tayong dapat pag-usapan pa, Vince. Tapos na sa atin ang lahat."

"No. Hindi ako makakapayag!"

"Pwede ba, mapapagalitan na ako ng librarian dito sa lakas nyang boses mo..."

"Kaya nga kausapin mo ako nang maayos... let's settle this ok..."

Tumayo na ako. Siguro nga ay pag usapan na nga namin to once and for all. Habang naglalakad ako palabas nagkukumahog siyang nakasunod sa likuran ko.

Anyare?

***********************

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon