Chapter 14 Reminisce

3.1K 31 7
                                    

CHAPTER 14


Kinabukasan nang magising ako naisip kong parang panaginip lang yata ang lahat yung mga nangyari kahapon. Kaso lang nung napadako ang tingnin ko sa sulok, nandoon yung mga naka-plastic bags na pinamili namin kahapon. At nang mapasulyap ako sa tabi ko, nakadapa ang stuff toy na tiger. Ahhh, totoo ang lahat!

Totoo rin kaya yung mga sinabi niya bago kami pumasok?

Na..... I'm his girlababu na raw?

Ayeeiii... cannot be... wanna be... ube! Haha!

Tuloy, parang ayaw ko nang lumabas ng silid namin... Baka mamaya makita ko siya.. Oo, for sure makikita ko talaga... nakakahiya, paano ako haharap nang normal? Kyaaaaah.... ayoko lumabas. Si Inang kasi maaga gumigising upang tumulong sa paghahanda ng pagkain kasama ng ibang katulong. Si tatay naman malamang nasa kuwadra ngayon.

Ang ginawa ko na lang, kinuha ko yung mga plastic bags at ipinatong sa kama. Sabay kinalkal ko ang mga pinamili kahapon. Grabe, binili niya talaga lahat. Nakakahiya naman. Ano ba yan, joke ko lang naman yung kahapon di ko naman talaga to ipapabili lahat... haaaays! At  inisa-isa kong kinuha iyung mga notebooks at sinipat-sipat. May napansin akong isang makapal na libro ngunit maliit lang siya parang pocketbook size kaso may kakapalan. Hinugot ko ito at napangiti ako nang makita kung ano. English-Tagalog Dictionary! Para sa akin ba talaga ito? Bwahahahah! 

Nagulat pa ako nang makarinig ako nang mga katok sa pinto. Sunud-sunod parang kalabog. Akala ko nakaringgan ko lang. Pero palakas nang palakas ang mga katok na tila naiinip. Bumangon na ako at pahinamad na binuksan. 

Namilog ang mga mata ko dahil ang naiinip na mukha ni Vince ang nabungaran ko. Wooooahh! Ang agang nambulahaw naman nitooooo!

"Wala ka yatang planong bumangon, anong oras na?" Napakurap-kurap ako para lang mapatunayang totoo ngang nasa harapan ko siya. Bigla sinara kong muli ang pinto. Malakas! BLAG! Naririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko. Ano ba yan, ba't siya sumugod dito sa silid namin? Ni hindi pa nga ako nakapag-mumog. At yung buhok ko di pa nakasuklay. At may muta pa yata ako. Huwaaaaaah!

"Umalis ka na dyan. Lalabas na ako basta umalis ka na dyan!" Ke-aga-aga namang kahihiyan nito oo!

****************************

VINCE POV:

Ang tagal kong nakatulog kagabi kakaisip ng mga nangyari buong araw. Nakakapagod ngunit ang sarap sa pakiramdam.

That girl. She's really something. She's way too different among other girls I've met in US. And I really liked her. Gustung-gusto ko siyang inisin kasi nakakatuwa pag nagmamaldita na siya. Haha. Cute lang lalo eh.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon