Chapter 25 Hala...

2.5K 23 4
                                    

Chapter 25

Muntik na akong mapatalon sa tila kuryenteng gumapang mula sa palad kong nakatakip sa bibig niya dahil sa paraan ng paghalik niya doon na tila nilalamutak. Hah! Oo, lamutak talaga! Parang manyakis ba? May Gahd.. ginawa niyang bibig ang palad ko ha! At feel na feel niya pa talaga! Nanunudyo lang eh, kasi namannnn.... parang nake- carried away ako oh... Waaaah! Grabe lang parang may short circuit na tila nag spark pa! Lam mo iyon?

Kaya para matigil siya sa pangunguryente ay kinurot ko siya ng pinung-pino sa tagiliran na ikinapaigtad naman niya. Hmf! Buti nga! Blehhh! Hik hik hik.

"Ouch...uhmfghh...!" Ang impit na daing niya habang pigil ko pa rin ang bibig niya ngunit humulagpos pa rin yung boses niya sa kamay ko.

Patay!

"Dara? Napaano ka dyan? At bakit naka lock itong pinto?" Lalo akong pinagpawisan sa boses ni Inang.

Nakupoooo!

"S- susunod na po ako Nay.... na... naipit lang po yung paa ko sa kama!" Ang natataranta kong sabi sa medyo kalakasang boses na humugot na lang ng maidadahilan. Nung tiningnan ko ang kaharap ramdam kong nakangisi siya based sa mata niyang kumikiskap pa. Waaaaah! He's so kaka talaga!

"Ah o sige... sumunod ka na agad ha bago pa lumamig yung hapunan, anak..." Nakahinga ako nang maluwag nung marinig ko ang papalayong yabag ni Inang. Saka ko naman binitawan ang pagkakatakip ng bibig ng kayakap ko.

Huwaaat? Te-teka lang! Bakit nakayakap na sa akin ang guwapong nilalang na ito? Omegashhhhh!

"Huy! Bat nakayakap ka na?" Pilit akong kumakawala sa pagkakahapit niya sa akin. Ayan na naman ang kislap ng mga mata niya na ngayon ay nakatawa na talaga. Tawang nanunudyo!

"Eh kasi naman halos sakalin mo na ako pahatak matakpan lang ang bunganga ko oh... so i held you this close na lang kesa malagutan ako ng hininga... at ang kurot mo ha, ang sakit! whew!" Anito na napahawak pa sa tagilirang kinurot ko sabay himas-himas. Napaingos ako at tinignan siya na tila nagdududa.

"Weh? OA ha... at saka tara na ngang lumabas bago pa tayo mahuli rito..."

"Husss.. maano ba.. buti nga kung mahuli eh..."

"Ano?"

"Wala... I said tara na ngang lumabas..."

"Sabi ko nga.. Hmf! O, mauna ka nang lumabas at susunod ako ng ilang minuto. Pero teka, tabi dyan.. sisilipin ko muna sa labas kung clear ang area.. Tsss!" Tumabi naman siya at dahan- dahan kong binuksan ang pinto sabay silip sa labas. Nung makita kong tahimik naman sinenyasan ko siyang lumabas na. Pero ang loko at nagbiro pa at ayaw lumabas at nagkahilahan pa kami. Kainis ha! Huwag niya akong subukan baka magdamag kaming di makalabas, sige siya. Ahihihi! Ngunit sa huli ay lumabas na rin siya. Bago maya- maya ay ako naman ang lumabas na tila walang nangyari. Mission accomplished! Yey!

Tahimik akong pumunta sa kusina para maghapunan. Wala si Inang, malamang nandoon sa main dining area at tinutulungang maghain ng pagkain yung isang katulong para sa mga Montemayor. Binuksan ko yung rice cooker at naghain ng kanin sa pinggan bago binuksan naman yung isang nakatakip na caserole para sa ulam. Hmmm... sinigang! Amoy pa lang, bigla akong nagutom. Pag- angat ko sa isang nakatakip sa mesa, uyyy... pritong bangus! Wow... gaganahan ako ng kain nito ah. Eksaktong uupo na ako at handa nang lumamon nang pumasok naman ang guwapong nilalang! May gahhd... dessert ba ito? Ayeeeeiiiii.... pero, shockness ha! Kumabog ang dibdib ko! 

"O? Ba't ka nandito?" Pabulong lang pero namimilog ang mata ko habang kinakabahang nakatitig sa kapapasok na lalaking kasama ko lang sa kuwarto kanina. Kandahaba ang leeg ko na sinusulyapan ang pinto baka pumasok si Inang at makita kami dito sa kusina. Dito kasi sa kusina kumakain ang mga katulong habang ang mga Montemayor ay sa main dining area kaya bakit nandito ito sa harap ko ang isang ito! Gusto niya bang mabisto kami? Waaaah!

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon