Chapter 28 Ang Gala

2.5K 24 11
                                    

CHAPTER 28

Bago pa kami tuluyang nakalabas ng gate, nagsalita si Jonas.

"Ahm.. Dara, Vince sandali lang.. i-ayos ko lang pagkaparada iyung motor."

"Ah, Oo nga pala.. ipasok mo na muna sa garahe, Jonas.. hintayin ka namin." Ang sabi ko, habang tumango lang si Vince ng pagsang-ayon.

Since nasa gate na kami, medyo may kalayuan na iyung garahe kaya minaniobra na ni Jonas papunta doon habang nakasakay sa motor. Nung makalampas na si Jonas, pasimple akong bumulong sa katabi ko.

"Sure ka bang sasama ka pa rin talaga? Isipin mo na lang ha, magko- comute tayo... maaalikabukan ka... iyung polusyon... mabaho iyung usok..." 

"Why do you keep discouraging me na huwag sumama? Convince me more and the more you get disappointed... pag di ka pa tumigil sa ka-i-insist dyan, I swear you'll gonna regret it, Baby..."

Bigla tuloy napatikom ang bibig ko. Ayaaay! Agad akong napatitig sa mukha niya upang tingnan kung gaano kaseryoso ang mukha niya. Tsk! Mukhang galit na naman. Napayuko ako sabay kagat labi.

"C- concerned lang naman ako sa'yo... Lam ko kasing di ka sanay mag-gitgitan sa jeep..." Ayaw kong mag create ng chaos ok! Hekhek, chaos talaga ha! What a term!

"Concerned? Or gusto mo lang magkasarilinan kayo ni Jonas? And that I'm just an excess baggage?" Napaangat ang paningin ko sa gulat dahil medyo napalakas ang boses niya at nakakunot noo na naman. Gustong umikot ng eyeball ko. Whoah! Selos na naman!

"Tss... ano ba... duda na naman... selos na naman... halerrr? OA na ha..." Pilit kong dinadaan sa biro kasi ba naman... tama ba yan.. pagselosan ang kinakapatid? Kahit guwapo si Jonas or maging yung bunso na si Mico hindi sila talo ano! As in halerrr!!!  Ngayon, kung sila iyung may pagtingin sa akin, well, ibig sabihin... maganda talaga ako. At di ko na kasalanan iyon! Buwahahaha! 

"Ok... ok... sorry... thanks for your concern but I don't want that in situation like this... All I want is to be with you... and stop smiling!" Halaaa.. ako nakangiti? Di ko alam nakangiti pala ako? Ay syungak! Pero grabe ha... parang ang sarap naman kasi sa pandinig iyung sinabi niya.

Maya-maya narinig ko na ang mga yabag ni Jonas na paparating kaya di na ako nakapagrason pa. Sa halip ang nasabi ko na lang...

"Let's go guys?" Kita kong nakangiti si Jonas na sumang-ayon, walang kamalay- malay habang tahimik lang si BF na tumango. Ayeeeeiiii.... eto na talagaaaa..... kaming tatlo... magde- date? Waaaaaah!

 ***********

Naglakad pa kami para mag-abang ng tricycle sa unahang kanto para maihatid kami sa sakayan naman ng jeep na maghahatid sa amin sa bayan.

Tamang- tama naman may nakita kaming tricycle na paparating kaya kinawayan na namin malayo pa lang. And so, sumakay kami ng tricycle and for sure, first time ito ni BF na sumakay sa ganitong sasakyan. And halata na hirap siya sa puwesto maging si Jonas dahil pareho silang matangkad at magkatabi silang dalawa! Oh yes! Kasi ako, doon pumuwesto sa likod ng driver. Bleh! Kala niyo ha! Kasi ba naman, pinapangunahan ko na sila no... ayaw kong mag- agawan sila sa beauty ko makatabi lang ako? Muwahahahah!

Ehem! Pagsakay naman ng jeep... o sige na... para walang gulo, paghatian niyo ako.... ahihihi! Kasi nasa gitna nila akong dalawa. At ang daming pasahero, gitgitan talaga! Mabilis ngang napuno at ayun umandar na agad. Siguro kulang- kulang 15 minutes kaming ganito. Haaaaist! Palihim kong sinulyapan ang nobyo ko... naks! Oo, nobyo ko... wag na kayong manibago... ahaha! So sinulyapan ko siya kung di ba siya nahihirapan... ahm... well, mukhang ok lang naman... pero teka... ano itong tila kamay na nakalapat sa likod ko... hindi... nakaakbay! Oo, nakaakbay!

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon