Chapter 52

437 25 14
                                    

Nagising siya sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi niya. Tama lang naman ang liwanag at hindi masakit sa balat pero kusa lang siyang nagising sa epekto ng liwanag.  Napaunat siya.


Haay ang sarap mag stretch... Nagtataka siya paanong napunta siya sa dating silid niya at nakahiga pa sa kama. Di ba nasa kubo siya kagabi... at kasama niyang nagse-celebrate si... napamulagat siya sabay bangon para lang mahiga ulit dahil sa bigat na nakadagan sa may tiyan niya. 


Pagtingin niya dun muntik na siyang mapasigaw nang makita ang nakadantay na braso. Dahan dahan siyang lumingon sa katabi at napatakip siya ng bibig nang ma confirm niya kung kaninong braso iyon. 


Magkatabi silang natulog sa kama ni Vince?! 


Magdamag? 


Waaaaaaaah! 


Tiningnan niya ang sarili nilang dalawa. Nakadamit pa naman silang pareho. Pinakiramdaman niya ang katawan wala namang masakit o anuman maliban sa parang kumikirot ang sentido niya. Dala siguro nang naparami ang inom niya ng wine kagabi. Gusto niyang sumigaw pero alam niyang mae-eskandalo ang buong kabahayan pag ginawa niya iyon. Nasa malapit lang na kwarto ang mga magulang niya. Nasa ganon siyang kalituhan nang bigla siyang kabigin ng binata para lang sumiksik sa leeg niya ang mukha nito. Gusto niyang tumili. Oh my gulay! Ano gagawin niya?


"Vince... Vince! Gising... huuuy!" Parang pabulong na sigaw niya, pigil-pigil niya ang boses na wag marinig sa labas. Niyuyugyog niya ang balikat nito habang tila naninigas sa pagkakahiga. Ayaw niyang lingunin  ito paano ba naman at talagang nakasiksik ang buong mukha nito sa leeg niya. Nakikiliti siya na naninindig ang mumunting balahibo niya sa leeg at batok. Tila may kuryenteng gumapang sa buong katawan niya habang ramdam niya ang paghinga nito sa leeg niya.


"Sssshhhh... let's sleep some more...haven't sleep yet." Ang tinatamad na sagot- pabulong nito na tila murmur lang pero narinig niya nang malinaw ang sinabi nito.


Anong gagawin niya? Hahayaan niya ba ito sa sinabing matulog pa sila? Waaaaah! Hindi to pwede.. baka mapasukan sila ng inang niya na ganito.


" Vince! Ano ba... huyyy! Gumising ka na please!" Parang maiiyak na siya na ewan. Kabang kaba na siya.


Lalo siyang napamulagat nang magshift ito ng posisyon. In a swift move, nakapaibabaw na sa kanya ang binata. Namimilog ang mga mata niya habang nakatitig sa lalaki na ngayon ay titig na titig na sa kanya. Bigla namang umurong ang kanyang dila at di niya alam ano ang sasabihin. Ramdam niya yung matigas na part nito na nakadiin sa puson niya. Agad ang pag-init ng buong pisngi sabay ng pamumula nito. Shocks!

"V-Vince... "

Bago pa man niya maituloy ang susunod na sasabihin ay sinakop na ng binata ang bibig niya. Napasinghap siya.


"Ummmhhh.. umhhh..." tinutulak niya ang dibdib nito pero malakas ang binata. Lalo lamang nitong diniinan ang halik. Ramdam niya ang dila at labi nito na nagpupumilit makapasok sa bibig niyang pinakadiin diinan niyang isarado. Akma sana niyang magsalita nung makaalpas nang konti pero dahilan iyon para maipasok nito ang dila sa bibig niya. Para siyang nalulunod at napakapit sa mga balikat nito na kanina lang ay tinutulak niya. Iyung kaninang pagpupumiglas niya ay biglang nanghina na ngayon pati mga tuhod niya parang jelly na nanlalambot. Napapikit siya at ninamnam ang halik na iginawad nito. Parang dejavu. Same sensation... same effect.


Nung tila suko na siya at magpapaubaya na nang tuluyan sa mga susunod na mangyayari ay saka naman ito huminto.


Parang nagtaka pa siya nang bigla itong tumigil. Iminulat niya ang mga mata para lamang salubungin ang titig nito.


"Let's get married."


Napatulala siya.


Ano raw?


Tama ba ang narinig niya or nagha- hallucinate lang siya?


"Dara... I said, let's get married."  Inulit pa nito ang sinabi dahil tila hindi niya narinig kasi nakatulala lang siya.


"V-vince... hin- hindi... I mean... " nabulol pa siya nung magsalita.


Napakunot noo ito sa actuation niya. Tila hindi nito nagustuhan ang tinatakbo ng sinabi niya.


"What?"


Nalito naman siya sa nakitang ekspresyon ng mukha ng binata. Iniiwas niya ang paningin. Para kasing napapaso siya sa klase ng pagtitig nito.


"Nakakabigla lang... masyadong mabilis ang pangyayari....."


Hinawi nito ang pisngi niya para magsalubong ang mga mata nila. Napatitig siya sa mga mata ng binata sabay sulyap sa mga labi nito nang bumuka uli at magsalita.


"Marry me, Dara Faye Santillan."


Oh my... he's really proposing a marriage! Napapikit siyang muli. Para lang mapamulagat nang biglang bumukas ang pinto. Sabay silang napatingin doon.


"Diyos na mahabagin!!!" And there, standing right at the doorstep is her mother, shock and confused. 


Now, what?

*********** 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon