Chapter 12 What a Great Day

3.3K 29 6
                                    

**********************

CHAPTER 12

As usual naiwan na naman si Manong sa parking lot at maghihintay na lang daw ito doon dahil madaling mapagod pag panay ang lakad.

And expected ano pa nga ba, eh di kaming dalawa lang magkasama papasok sa mall. Hindi naman kasi ako nagpupunta sa mall kaya medyo nanibago ako dahil malaki na rin pala ang pinagbago ang loob. Hindi rin naman kasi ako sanay sa galaan na ganito kasi wala naman akong pera pang-gala kay tuloy mukha akong timang kakasunod sa likod ni sunget habang paikot-ikot ang mata sa paligid. Parang timang nga.

Ang dami kasing mga magagandang naka-display sa mga window boutique na nadadaanan namin kaya paminsan-minsan napapabagal yung paglalakad ko habang nakasunod ang tingin sa magagandang display na mga damit. Nagulat na lang ako nang hilahin ako sa mga braso ng lalaking nasa unahan.

"Ang bagal mo naman maglakad..."

"Ay, tokwa!?"

"O, tokwa naman ngayon, kanina lang eh, butete." Napapangiti ito.

"Dahan-dahan naman kasi, kung makahila ka naman akala mo lubid yung braso ko no?!"

"Eh kasi ano ba naman ang tinatanga-tanga mo dyan, mukha kang tanga!"

"Tss! Nagsalita ang mayabang! Pasensya na, nagandahan lang naman ako sa mga nakikita ko po senyorito!?"

"Tsk! Don't call me that ok!?"

"Ano ba kasing bibilhin mo dito at talagang dumiretso pa tayo rito may bukas pa naman!" Nagmamaktol na talaga ako. Hindi siya umimik saka hinila niya ako papuntang ice cream haus. Huh? Ano'ng gagawin namin dito? Kakain ng ice cream, malamang?

Hawak-hawak niya ang isang kamay ko papuntang counter habang umuorder ng dalawang ice cream. Di ko matandaan kung ano'ng pangalan nung inorder niya pero medyo napalunok talaga ako ng laway nung makita kong ini-scoop na iyon at ilagay sa may kalakihang cone. Waaaah, so yummy!

Nung iabot niya sa akin gusto ko ngang hablutin agad eh kaso hehehe feeling ilang kunyari wahaha! Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. Tss. May pagkamanghuhula ba siya at nahuhulaan niya ang tunay kong nararamdaman nang mga oras na iyon sa hawak na ice cream?

Pagkakuha namin ng ice cream, hinila niya uli ako sa kamay, So magkahawak kamay kami patungo sa kung saan na ewan siya lang nakakaalam tapos hawak-hawak namin ang kanya-kanyang ice cream sa kabilang kamay. Saka niya ko dinala sa may parang extension ng mall, doon sa may fountain.

Naupo kami sa mahabang bench na tila gawa sa marmol na may mangilan-ngilang tao ding nakaupo. Ewan pero parang nasisiyahan ako sa tinatakbo ng mga pangyayari. Parang... parang nagdi-date nga kaming talaga? Waaaaahhhh! Assuming ba teh?

Pagkaupo namin bigla niyang inabot ang kamay ko na may hawak na ice cream sabay angat.

"O, tingnan mo, tumutulo na?!" Sabay inilapit nito ang bibig sa ice cream na hawak ko at sa gulat ko bigla ba naman niyang dinilaan yung kamay ko na napatakan ng ice cream! Parang may kuryente nung lumapat yung dila niya sa balat ng kamay ko. Halos mapatalon ako sa gulat sabay bawi sa kamay.

"Ano ka ba! Ewwww ka talaga!"

"Haha! Maarte ka naman ngayon?! Eh sa tumutulo eh wala naman kaya akong panyo para pahiran iyan eh di maigi nang dilaan... Tsk!"

"Eh ako may panyo no!? Andito sa..." Shemay! Naiwan ko pala ang bag ko sa sasakyan. Andun yung panyo ko. Kumindat siya sa akin na tila nahuhulaan na naman ang iniisip ko. Tinignan ko yung kamay ko na dinilaan niya, medyo sticky. As in, ewww sticky from his laway, duhhh.! Hmm, sige lang maamaya di ko to huhugasan. Ahaha!

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon