Chapter 2 Confused?

4.4K 54 10
                                    

A/N: Hello sa inyo! Heto na ang update... enjoy reading!!!

Nga pala, ayan po si Vince sa right.. view nyo lang.. ;-)

********************************

CHAPTER 2

And so ayun.. basta ang natatandaan ko na lang ay iyak ako nang iyak sa kuwarto namin sa tindi ng inis sa bastos na sunget na iyon. Hindi porke't guwapo siya ganun-ganunin na lang niya ako? Ke bata-bata nanghahalik?

Ganyan ba talaga pag lumaki sa Amerika? Manghahalik kahit menor de edad pa? At ano'ng akala niya sa akin, easy girl? Hah! Babaeng mukhang lalaki nga tingin niya sa akin tapos kung makahalik ganun na lang? Nababakla nga yatang talaga ang buwiset na iyon. Bwiseeeeeet!!!!

Nagtataka si Inang bakit daw ako maghapong nakakulong sa silid at namumugto ang mga mata. Hindi ko sinabi ang nangyari. Ano ang sasabihin ko? Na hinalikan ako ng bwiset na hinayupak na iyon? Syempre nakakahiya no.

Ewan, basta nahihiya akong magsabi kay Inang kaya sinarili ko na lang. Akala ni Inang ay ordinaryong asaran na naman ang nangyari sa amin ni sunget, alaskador at bastos na Vince. Kung alam lang ni Inang na ang bwiset na iyun ay nanghalik! Waaaaaaahhhh!

Tanda kong ang haba ng gabing iyun. Di ako makatulog. Di nga ako nakakain eh. Kasi pag kakain ako, syempre magto-toothbrush ako pagkatapos kumain di ba? Eh di mabubura yung alam nyo na... ayyy punyemas! Basta parang sirang plakang bumabalik yung nangyari sa pool.

Yung hinila niya ako at hinalikan. Yung nagdikit ang mga lips namin. Nalanghap ko talaga ang hininga niya nung lumapat yung lips niya. Ang bango lang grabeness! Yung hininga ko kaya naamoy niya? Wala sa sariling tinakip ko ang palad sa bibig ko at marahang bumuga ng hangin sabay amoy. Hmm.. mabango din naman eh.. wala kaya akong sirang ngipin. Nakahinga ako ng maluwag at least di naman ako mapapahiya dun baka mamaya tuksuhin pa akong bad breath!

Ahhh... bwiset kasi ba't parang gusto kong kiligin? Nagiging assuming ako...kasi di ko mapigilang isiping may gusto kaya siya sa akin? Pero my gulay naman, ang bata-bata pa nga namin di baaaaa? Kasi bakit niya naman ako hinalikan di baaaa? Ano iyun, challenge lang? Natapakang ego ba iyun ganun?

Aaaaaahhhh! Mababaliw ako sa kakaisip. Biling-baliktad ako sa higaan na animo daig pa ang kinakagat ng lamok. Mabagal lang pagkilos ko sa kama iyung tipong tulog kunyari tapos nag change position lang nang di sinasadya. Siyempre baka magising si Inang sa tabi ko mahalatang di pa pala ako tulog. Si Tatay kasi nasa kabilang kuwarto naman natutulog habang sinasamahan ako ni Inang dito sa isang kuwarto. Maya-maya tumagilid na naman ako pero marahan lang.

"Syeeeeet, my eyes matulog ka na plezzzz!!!" Nagsusumigaw ang gising na gising kong diwa. Then natigilan ako at nakapag-isip.

"Ano naman kaya ang ginagawa ng ungas na iyun ngayon? Tulog na kaya siya? Inisip niya rin kaya iyung nangyari kanina? Or ako lang itong parang tanga na tila affected much? Hmph! Iyung itsurang iyon, malamang naghihilik na. Eh parte lang ng pambubwiset niya iyung ginawa niyang panghahalik kaya balewala sa kanya! Sarili ko lang niloloko ko kung pakapuyatan ko ito. Makatulog na nga. Bwiseeeeeet!" At pinakadiinan kong ipikit ang mga mata. Kung pwede lang pigain eh para makatulog alam nyo iyon?

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon