Chapter 19 Kiligness?

2.9K 38 11
                                    

CHAPTER 19

DARA POV

"You've kissed me back.... " Inulit pa niya ang sinabi nang tila napatulala na ako sa kinauupuan. Oh noesssss...... patay na talaga! Ano isasagot ko? Na nadala ako sa mala-sawa nyang dila? Kyaaaaaah!

Mabilis ko siyang naitulak sabay pihit patalikod sa kanya na namumula ang mukha. Sa pinaghalong  hiya na nararamdaman at sa pinipigil na huwag mapadaing sa sakit sa puwet dahil sa biglaang pagpihit na iyun. Siya naman ay napahiga patihaya dahil na-out balance sa pagtulak ko na iyun na nabigla rin sa ginawa ko kaya di agad nakapaghanda.

Itinakip ko ang mga kamay sa mukha. Halos tinawag ko na lahat ng santo na sana bumuka ang sahig at lamunin na lang ako para makalaayo agad doon. Subalit walang sahig na bumuka. Sa halip naramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa magkabilang balikat ko. Napailing-iling ako nang mabilis kasama ng pag-iling ng buong balikat na tila pumupiksi na huwag niya akong hawakan. Waaaaah... nakakahiya talagaaaa!

Huwag po... huwag po... maawa po kayo.... Wahahaha! Praning! Asa ka namang re-reypin ni Vince oy... di yan rapist no! Eh ba't nanghahalik nang ganun? Syungaaa, eh siyempre gusto ka niyang halikan kasi girlfriend ka nga di ba! At nagpaalam naman sa'yo kanina. di ka sumagot! Waaaaah! Eh di ko alam ang isagot!

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang mga bisig niya na kumabig paikot sa mga balikat ko mula sa likuran. Ramdam ko rin ang mukha niyang mariing nakabaon sa bandang batok ko pa-left side.

"I'm sorry... I'm sorry, baby....." Ang naririnig kong paulit- ulit niyang bulong sa likurang teynga ko. Waaaah! Nakakakilabot ang hininga niyang tumatama sa batok ko! Syetness poooo! Tatalon ako.. tatalon ako! Eeeeiiiiiii.............

Napatigil ako sa kakapiksi kasi di ako makagalaw sa mahigpit niyang kabig na tila ba bagay ako na pag-aari niya at takot siyang maagaw ng iba. Chaarrr! May ganon? Yah, boy! Heavy ang feeling, parang syrup! Wahahaha!

Ay ano ba! Ba't ako patawa- tawa. Iisipin ko kung paano ako makawala rito? Asan na ba iyung doktor? An tagal naman nila? Naligaw ba sila? Helloooooo? Or matagal lang talaga ang oras sa aming dalawa? Parang huminto nga ang oras eh! Putragis talagaaaa.....

"Bitiwan mo ako......"

"I will... if you promised that you won't do anything foolish na ikadaragdag sa disgrasya..."

Tumango ako. Okay. Relak Dara.... relak.... ay ano ba, di ako si up-nek! Ayeeeiii..... Pero kinalma ko na rin ang sarili ko at baka nga madagdagan pa ang sakit sa katawan ko. Ang lapit ko lang talaga sa disgrasya pag ganitong malapit ako sa lalaking ito!

Unti- unti bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Ok... kalma, Dara... Ano pa nga ba di ba? Di naman ako puwedeng tumakbo no. Masakit kaya ang puwet ko!

"Look at me....." Ang narinig kong sabi na naman niya. Di ko kasi makita dahil nakatakip pa rin ang mukha ko ng mga palad ko.

"Huh?"

"I said look at me... humarap ka sa akin... tanggalin mo yang pagkakatakip mo sa kamay then look at me....." Ang mapagpasensya niyang sabi sa likuran ko.

"A- ayoko....."

"Dara... please?" Bakit ganun.... ang sarap sa teynga ng pakiusap niya? Iyung salitang please nakakaengganyong pagbigyan?

Ahhhh..... maloloka na akoooooooo! Promise lang!

So.... sa madaling salita, pinagbigyan ko siya. Obviouslyyyyyyy! Dahan- dahan kong ibinaba ang mga kamay at dahan- dahan ding pumihit paharap sa kanya. Di ko siya matingnan sa mata kaya nakayuko akong nakaharap. 

"Please, Baby.... look at me...." Waaaah! Bakit ganun? Talagang ganito ba, kapag ka nahalikan ka na mapapasunod ka na sa bawat naisin niya? Wala na ba akong freedom sa kung ano ang nais kong gawin?

Eh, pero.... napapasunod ako sa bawat gusto niya... paano ba yan? Pinilit kong huwag sumunod sa sinasabi niya. Nakayuko pa rin ako. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa chin ko at inaangat iyun para tuluyan akong mapatingala upang salubungin ang mga mata niya. Shemaaaaayyyyyy!

"I am sorry if I startled you with that kiss.... It's just that I was so tempted to really kiss you.. just kiss you.. hindi kita gagawan ng masama kung iyon ang ikinakatakot mo... I respect you, Dara... Hindi ko gagawin ang isang bagay na labag sa kalooban mo at labag sa moral ng tao.. If ever I'll do that thing.. pakakasalan muna kita. That of course, when we're already at the right age, Baby. Kaya for now... halik-halik lang muna..." At kumindat pa siya sa akin. Shets ang guwapo lang talaga!

Waaaah! Wala akong maunawaan sa mga sinasabi niya kasi umiikot ang utak ko. Gusto kong mahilo sa mga nangyari. Pero alam kong maganda ang sinasabi niya... na nirerespeto niya raw ako... ayeeeiiii...

At na pakakasalan niya raw ako pagdating ng panahon? Tama ba? Ayeeeeeiii ulit. Ahaha! Pero teka, sa ngayon halik - halik lang daw muna? With matching kindat pa! Huwaaaaaah! Ungas talagaaaa!

Nasa ganun kaming pag-uusap nang maulinigan namin ang pagparada ng isang sasakyan.

Si Dr Mendez!

Kasunod nito ay ang kabayong sinasakyan naman ni Kuya Dan. Napaayos ako ng upo. Habang si Vince naman ay kalmado lang na tumayo upang salubungin ang mga dumating. Pero bago iyon pinisil pa muna niya ang chin ko sabay bulong.

"I LOVE YOU..." Bago ito tumalikod at lumabas ng kubo. Naiwan akong nakatulala at namumula. Inhale... Exhale.... Owwww.... Emmmmm.... Dyeeeeee....... Waaaaaaah! Kilig kilig grabeeee! Napapalunok lunok pa ako ng laway sa tindi ng ewan... emosyon? Ehehehe...

Maya- maya lang ay sinuri na ako ng manggagamot. Wala naman daw napinsalang ugat, medyo nabigla lang talaga ang pagbagsak kaya talagang masakit. Maliban doon ay ok naman daw. Nakahinga ako nang maluwang at tila nahihiya pang nagpasalamat sa doktor. Parang psychological nga lang eh kasi pagkatapos niyon medyo nawawala na iyung sakit. SYungaks talaga. Siguro dala na rin ng nerbyos na naisip kong baka napilayan ako sa buto kaya ganun na lang at na-stress ang kirot sa puwet ko kanina. Pero ngayon puwede na nga akong gumiling- giling eh, pustahan pa. Ahahah

Eh kasi naman wala naman talagang dapat ikapag-alala sana iyun, eto lang isang to ang sobrang makapag- react kaya pati tuloy ako nag-isip ng negatibo. Haaaay.

Doon na rin kaming apat nag-almusal sa kubo. Ahaha.. oo, na-aya pa tuloy kumain si Dr Mendez na masaya namang nagpaunlak. Medyo marami rin kasing nadalang pagkain kaya tama lang din sa aming apat. Ewan pero parang ang saya-saya ko.... though hindi ko maiwasang mamula dahil nga tingnan niyo naman oh.... andyan na naman siya... pasulyap- sulyap sa akin habang sumusubo ako ng pagkain... Ahihihi... Siguro kung kami lang dalawa baka sinubuan na ako nito no? Kyaaaaaaaaaah!!!!!

Is dis wat ya kol KILIGNESS? Becoz rayt naw, I'm so kilignessssss........ ahaha!

***************************

A/N: Comment and Recommend naman po kayo dyan ples ples ples. Ahaha! Thanks for reading!

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon