Chapter 47

1.2K 46 11
                                    

Chapter 47

"Okay guys, time is up! Let's start another round of practice." Ang announce ng isa sa mga staff. Nagsitayuan na rin sila at para pumuwesto sa may likuran.

Now, knowing that Vince was just around the corner makes her heart beats faster than normal and that she's not comfortable anymore.

Kahit gaanong kalma ng pakiramdam ang gawin niya naroroon pa rin iyung bilis ng tibok ng puso niya.

Ano ka ba naman Dara... relax... ba't ka ba papaapekto sa kanya... shet... aatakihin yata ako sa puso nang wala sa oras...!

Para siyang timang na kinakausap ang sarili. Pasimple siyang sumulyap sa kinaroroonan ng lalaki at pwesto! Nakatitig nga ito sa kanya. At nakapaskil ang tila ngiting may kahulugan. Namula siya at nakaramdam ng inis. Paano kasi parang alam na niyang alam nitong uneasy siya ngayon dahil sa presensya nito.

Buwiset talaga... ba't ba kasi napaka transparent mo Dara di ka marunong magtago ng emosyon!

Pinatatag niya ang dibdib at pilit pinakaswal ang ekspresyon.

Kaya ko to!

Natapos din ang ensayo na halos lutang siya at di mapalagay. Tatlong beses siya na caution na lalo niyang ikinainis sa sarili. Nakakahiya talaga, swear! Buti na lang di lang naman siya ang nako-caution sa pagkakamali pero kahit na. Malamang iisipin tiyak ng Vince na iyon na ito ang dahilan ng pagmali-mali niya. Na conscious sya sa presence nito. Malamang!

"Girl, we can't wait... ipakilala mo na kami sa kanya..." Halata ang kilig sa boses ni Noime na kinalabit pa talaga siya. Mas  binagalan niya pa ang kilos kunyari may hinahanap pa sa loob ng bag at talagang naupo pa muna habang iyung karamihan ay nagsilabasan na sa auditorium.

"Yes, we're so thrilled na, Girl... tara na at mukhang kanina pa siya naiinip oh.. ano bang hinahanap mo diyan sa bag mo?" Ang sabat naman ni Jona na nakatunghay na rin sa kanya.

"Ha..eh.. iyung ano... ahm.. iyung.. cellphone..  oo! Tama! Iyung cellphone ko kanina ko pa hinahanap! Asan na ba kasi iyun?" Kandautal niyang palusot kulang na lang halughugin niya ang loob ng bag.

"G-Girl..." Ang sabay na sambit ng dalawa na mas nautal pa yata at ang pagkalabit sa kanya ay mas nagkaroon ng pressure habang siya naman ay naka focus sa loob ng bag at sige pa rin ang halukay.

"Aray naman... saglit lang andito lang iyung..." Natigil siya sa pagsasalita dahil nang tumingala siya nasa harap na niya si Vince! Nakakunot ang noo habang magkasalubong ang kilay na nakatunghay sa kanya.

"What's keeping you so long?" Anito na walang kangiti-ngiti pero ang guwapo pa rin.

Oo, guwapo talaga kasi kahit ang mga kababaihang naroroon ay sa binata nakatingin habang papalabas na sa auditorium. Kandahaba pa nga iyung leeg ng iba habang ang iba ay nagbubulungan. Mababakas sa mga mukha ang di maitagong paghanga sa simpatikong binata.

Napaawang ang mga labi niya. Di pa rin siya kumikilos at nakatitig lang dito. Nakaupo pa rin siya at nakatingala sa guwapong mukha nito.

"Ehem.. Hi! Ahm... friends kami ni Dara. Ako si Noime at ito naman si Jona." Putol ni Noime para ma break ang tila spell na nagaganap.

"Well, hello ladies... I'm Vince." Kinamayan naman ng binata ang dalawang babae pero ang ngiti ay tipid pa rin pero di naman lumalabas na bastos. Suplado nga lang!

Tila nagising naman ang diwa niya nang pasimpleng sikuhin siya ni Noime. Si Jona naman ay kuntodo nakangiti kulang nalang maghugis puso ang mga mata.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon