Naalimpungatan ako nang marinig ang ingay sa labas ng kwarto. Agad akong napabangon, nagkalat pa ang mga takdang-aralin sa sahig na tinapos ko lamang kagabi.
"Hindi ka na naman naghugas ng pinggan kagabi,Klei.Iyon na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa ginawa!"
Bungad sa akin ni mama pagkatapos kong magbihis para pumasok. The anger in me rise as I heard her voice again. Every morning, her voice never failed to irritate me.
"May isang tambak akong assignments na kailangan tapusin, tingin mo magagawa ko pa 'yan?" Sagut ko pabalik.
"Aba-"
Hindi ko na siya pinatapos dahil agad kong binuksan ang pinto para lumabas. My forehead creased as I walked to the highway. Nang nakalayo na ako, pumikit muna ako saglit. I took a deep breath and let my anger subside.
I hate her. I hate her voice. I hate her presence. I hate how she always point the worst in me. I hate how she did not try to understand me.
Pagdating ko sa paaralan, sinalubong ako agad ng yakap ng isang babae.
"Babe, how are you?" Sinundan niya 'yun ng halik sa aking pisngi.
Yes. You read it right. I have a girlfriend.
"I'm fine, baby."
Tinabihan ako ni Viona sa upuan hanggang sa magsimula ang klase. She has been a good remedy to my pain. A good supporter. I feel so good whenever I am with her.
But...there is still a void inside me. I cannot explain. And it irritates me. It irritates me that I have a heavy thing in my chest that I cannot explain.
Habang naglalakad pauwi, napansin ko ang bagong tayo na ramen restaurant. Since wala rin ako sa mood na umuwi at magtiis sa ugali ni mama, naisipan kong subukan ito.
"Good afternoon, ma'am! Welcome sa Genon's Ramen restaurant where we satisfy your greatest cravings!"
Tipid ko lamang nginitian ang lalaking waiter na bumungad sa akin nang maka-upo ako.
"Give me one of your spicy seafood ramen," saad ko rito.
Agad naman siyang tumango bago umalis para kuwanin ang order ko. Hindi naman nagtagal ay bumalik na rin siya bitbit ang pagkain ko.
"Good choice, ma'am! Here's your ramen with a twist!" Malapad akong nginitian ng waiter.
Hindi ko lamang ito pinansin at agad na kinuha ang kutsara para matikman ang noodles nila. Hindi naman ako nito binigo dahil tunay na masarap ang ramen nila lalo na at sinamahan ito ng saktong anghang.
Inilapag ko na ang bayad sa lamesita nila at handa na sanang tumayo nang mapansin ang papel na nakadikit sa gilid ng maliit nilang bowl. Kinuha ko ito at binasa.
Napangisi na lamang ako bago ito ginusot at itinapon sa trashbin nila paglabas ko.
Romans 5:8 "But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us."
Hindi na ako nagtaka nang pag-uwi ko ay sinalubong ako ng magkadugsong na kilay ni mama.
"Bakit ngayon ka-"
"Shut up."
Walang-galang kong saad bago dumiretso sa kwarto at marahas na isinara ito. Narinig ko pa ang pag-a-alburuto niya ngunit isinuot ko lamang ang earpods ko.
Walang nabago sa araw ko kinabukasan. Pepestehin ako ng boses ni mama, tatanongin ako ni Viona, at kakain ako ng ramen sa bagong restaurant.
Inilapag ko na ang bayad ko sa lamesita nang matapos kong kainin ang spicy seafood ramen. Muli ko na naman napansin ang papel na nakadikit doon.