"Ayaw ko na, Vina."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig iyon sa boyfriend ko.
"A-Ano?" Tila ba may bukol na tumubo sa aking lalamunan nang sambitin ko iyon.
"Ayaw ko na. Pagod na ako sa relasyon na ito.Wala na akong gana,"
"Pero ipinangako mo na hindi mo ako iiwan 'di ba? Na walang s-sukuan?" Nangngingilid ang luha ko.
Hindi na siya umimik at basta na lamang akong tinalikuran. Napatulala na lamang ako sa mga nangyayari hanggang sa napansin ko na tuloy-tuloy na lamang ang pagtulo ng luha ko.
Tumakbo ako sa parke at doon nagmukmuk. Marami ang nakapansin sa kawawa kong kondisyon ngunit hindi ko man lamang nagawang alintanahin iyon. Nasasaktan ako nang sobra na tila ba wala na akong pakiilaman sa kung ano mang itsura ko ngayon.
Para sa akin, ito na ang oras kung saan gumuho ang mundo ko.
Kinabukasan ay bagsak ang mukha akong pumasok. Tinanong ako nang kaibigan ko kung ayos lamang ako. Wala naman akong isinagut sa kanya, lalo na't alam kong maiinis lamang siya sa kanyang kaibigan na nang-iwan sa akin.
"Hay naku, Trevor. Ano na naman bang ginawa mo kay Vina." Nadidismaya niyang saad nang napuno kami ng katahimikan.
"Pero huwag kang mag-alala,Vina dear. kapag nakita ko 'yang boyfie mo na walang kwenta, malalagot talaga sa akin 'yan!"
"Ayos lang, Vina.Ayos lang ako."
Nginitian ko lamang siya nang mapanatag ang kanyang loob. Wala na rin naman siyang nagawa kung hindi paniwalaan na lamang ang kasinungalingan na iyon.
Matalik na kaibigan ko si Francine. Siya ang takbuhan ko sa oras ng problema at kailanman hindi niya ako iniwan.Masaya ako na kahit wala man si Trevor ay nandyan siya. Nandiyan pa rin siya bilang kaibigan ko.
Isang araw,may narinig akong bulungan sa entrada ng gate.
"Narinig mo na ba? May bago na raw si Trevor,"
"Naku, kawawa naman 'yung girlfriend niya. Napakabait pa naman din no'n."
Tila ba nawasak muli ang puso ko. Mahirap nang tanggapin sa akin na wala na kami, ngunit mas mahirap tanggapin na sa maunting oras, nakahanap agad siya nang papalit sa akin.
Bakit? Bakit kailangan niya maging maduya?Dinuya niya ako sa pag-iibigan naming dalawa.
Sa sobrang sikip nang dibdib ko ay bigla na lamang akong napatakbo. Gusto kong hanapin ang kaibigan ko.Nawawasak ako. Gusto ko nang kayakap.Gusto ko itong kumawala.
Hinanap ko si Francine sa silid namin ngunit wala siya roon. Tiningnan ko rin sa covered court at sa iba pang sulok ng paaralan ngunit wala siya roon.
Dumiretso ako sa banyo upang doon na lamang umiyak ngunit nabigla ako sa nadatnan roon.
Si Francine at Trevor ay magkayakap.Mabilis na kumalas dito si Francine ngunit bago pa man siya magsalita ay nagsalita na ako.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Sapat na ito upang malaman ko kung ano ka bang klaseng kaibigan."
Mapakla akong ngumiti sa kanya bago muling tumakbo na naman, nang kawawa at luhaan.
Ilang araw akong hindi pumasok.Madalas akong tanungin nang magulang ko kung ano na nangyayari sa akin ngunit idinadahilan ko na lamang na masama ang aking pakiramdam. Pero ang totoo, mas masama pa roon ang nararamdaman ko.
Sa gitna nang aking pag-iyak ay nakita ko ang litrato namin ni Lola Sabina. Naalala ko bigla ang lagi niyang paalala sa akin.
"sa kahit anong sitwasyon, lagi kang manalig sa Diyos.Lagi siyang gagawa ng daan para sa 'yo."
