♕2_Bonus Chapter♕

20 1 3
                                    

A/N:

Hi!

Your votes & feedbacks are highly appreciated!

Kung kunti lang readers to this plot--I'll remain this as a draft up until it'll finish.

Thank you. Mwua!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sasha:

Ang init! Grabe, mas mainit pa yata ngayon kesa kahapon—mabilisan pa ang harvest dahil last day na nga.

"Sasha, tubig, o." Maliksing inabot ni Kevin sa'kin ang bote ng tubig. Sabay kaming nagtungo sa sakahan kanina—nagsa-side line din ang pamilya nito aa sakahan.

"Salamat, Kev. May tubig naman ako dun." Hindi ko lang nadala pero andun lang naman sa may kubo kasama ng mga gamit namin.

"Magpahinga ka muna, ako na diyan sa pwesto mo, tapos na ang sa'kin." Sabay kuha ng mabilisan sa mga mais. Para siyang de-makina sa bilis, a! Parati talaga akong tinutulongan ni Kevin sa sakahan, minsan kasi nagkakamali pa rin ako kahit na ilang beses ko na itong nagawa.

"No one should rest in working hours. Sinasahuran kayo ng maayos—magtrabaho ng maayos." Sobrang nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Bigla akong napalingon nang mapagsino—ang may-ari ng sakahan!

Yung masungit na gwapo!

Wala itong kangiti-ngiting nakatingin sa akin.

"S-Sorry po, sir.. Hindi na po mauulit." Tumalikod na ito kahit hindi pa man ako natapos sa sasabihin ko. Napalaki tuloy ang mga mata ko nang si Kevin naman ang bumaling sa'kin.

"Bumalik ka na dun sa pwesto mo, dali.." Sinyas ko sa kaibigan ko ngayon na nagulat din. Totoo nga talagang suplado at masungit ang anak ng may-ari rito. Tss!

Matapos ibigay ang sweldo dumiretso ako kung sa'n nakaparada ang kotse ng masungit na yun. May hawak akong dalawang malalaking pako na kaagad kong binitawan nang matapat ako sa gulong.

Kunyare, sabay ding nahulog ang sombrero ko sa lupa.

"Hays, ano ba yan, nahulog. Ang init-init pa naman." Pero inayos ko lang ang dalawang pako sabay sipat sa paligid—busy pa rin ang mga tao sa pagkuha ng sweldo.

Saka ako ngumiti at mabilis na naglakad pauwi.

Maglakad ka ngayon o itulak mo yang kotse mo!

CONGRATULATIONS. Your story is accepted and please publish all chapters in your convenience. After which, please notify me and I'll wire your compensation asap.

"Thank you, Lord!" Napatalon pa ako sa saya. Saktong sinilip ko kaagad ang email nang mauwi ako—at yun nga, meron na naman akong na-monetize na libro.

Eyy! Yung bad mood kanina napalis bigla—salamat sa Dios! May pang-budget na ako sa graduation at ang dami talagang bayarin kapag graduating.

Hmm.

Bonus chapter?

Hindi pa ako kumain ng hapunan at kakatapos ko lang ding maligo. Pero parang gusto kong katayin yung masungit na anak ng may-ari—ano ngang pangalan nun? Tss!

Her Twisted Fate | Reincarnated Hearts Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon