A/N:
Hi, everyone! This is only a drill (he-he) Sorry, maraming typo errors po!
I just want to share the first part of this Reincarnated Book 2. You can leave any constructive comments.. Kung maraming mga good comments--I will continue writing this plot.
Yeah, it's been awhile since the last update. Sobrang busy sa life lately..
Bye!
__________________________________________________________________________
Sasha:
Namamadali na akong magligpit sa mga plato. Hayst! Kagagaling ko lang sa sakahan—sobrang dumi pa ng damit ko. Ang baho-baho ko na rin.
Doble kayod. Malapit na ang graduation ko! Kelangan ko pang magsulat ng mga libro—side hustle ko rin yun, malaking tulong sa tuition fee ko ang pagsusulat ko.
At kelangan ko ng magsulat!
Kaya ako aligaga ngayon.
May mahihinang katok mula sa labas ng pintoan. Tapos na akong manghugas at wala akong inaasahang bisita—sino bang bibisita sa'kin? Tsk!
"Si Kev to, Sash. May dala akong mainit na tinula.." Ah, si Kevin. Nagmamadali kong binuksan ang pintoan. Magka-edad lang kami at magkapit-bahay.
May dala-dala itong mangkok na umuusok pa nga.
"Luto ni nanay, tinulang manok.." Siya na rin ang nagpanhik papunta sa maliit na mesa.
"Sabihin mo kay ante Sonya, salamat.. Nag-abala pa kayo, eh, tapos na akong maghapunan.." Tinakpan ko na rin at uulamin ko bukas ng maaga bago magpunta ng sakahan. Para na silang pamilya ko dito sa San Ramon.
"Kumusta na pala ang thesis nyo?" Kaagad akong tumango-tango. Hays, sorry Kev! Wala talaga ako sa mood mag-kwento.. May idea na naman kasi akong naisip habang nagsasaka ako kanina sa maisan, may story plot akong naisip bigla na gusto ko na ngang isulat. Baka magka-writer's block pa, e!
"Ah, malapit na kaming matapos. Sorry Kev, a, magpapahinga na ako.." Hinatid ko na siya sa pintoan. Nasa tapat lang din naman ang bahay nila. Minsan pa nga nagkukwentuhan pa kami sa labas ng bintana.
"Oo, magpahinga ka na." Sabay gulo sa buhok ko. Sobrang tangkad na ni Kevin. Parang kelan lang na ako pa yung matangkad, a. Ngumiti ito saka nagpaalam. Ini-lock ko na rin ang pintoan at nagmadaling maligo.
Hays.. Wag na munang ma-writer's block!
Basa pa ang buhok ko at nilagyan ko nalang ng towel saka ko kinuha ang lumang laptop na second hand—nabili ko 'to sa first payment ko sa pagsusulat. Pero andaming notebooks na naka-pile sa kwarto ko—puro novels ko na hand written..
Okay.. Sa'n na ba tayo?
Chapter 40 na pala.
Hays, sorry readers pero isa na naman ito sa mga sad ending ng reincarnated hearts series..
At nagsimula na nga akong magsulat na kanina ko pa talaga gustong gawin..
***
Chapter 40 (Finale)Leandro Rodriguez
1950s"Don Sebastian, buenas diaz." Tinanggal ko ang aking sombrero nang dumating na ang Don. Nakatayo ako ngayon sa labas ng malaking mansyon ng mga San Rafael Del Gabriel. Pinatawag ako ng Don at alam ko na mangyayari ito.
BINABASA MO ANG
Her Twisted Fate | Reincarnated Hearts Book 2
Fiksi UmumSasha Hernandez. Studyante sa umaga, pwedeng kargador sa gabi. Studyante sa umaga, magsasaka sa susunod na araw. Pero lingid sa mga nakakakilala sa kaniya--siya ay isang freelance writer na ginagawang side hustle ang pagsusulat para makapag-ipon...