A/n:
Hello!
This is a new story of mine. Your votes and comments are highly appreciated for me to keep going. Halos isang taon akong tumigil sa pagsusulat--nawala ang motivation ko! He-he!
Chao!
----------------------------------------------------------------------------------------
Isabela Rodriguez
1974
"Isabela Rodriguez?" Saktong pagdating ko mula sa palengke napako ang tingin ko sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Nakasuot siya ng magandang damit at sapatos, at ang mga mata niya..tila ba'y pareho kay mama Gabriella na nakita ko lang sa lumang litrato nila ni papa Leandro.
"Sino po kayo?" Bakit niya ako kilala? Anong pakay niya? May kasama itong isang babae na tipikal ang suot--para itong utusan ng babae. Maputla ito at tila ba pinipilit lang na tumayo at pumarito.
"Isabela, kapatid ko si Gabriella.. Ako si Catalina, ang nakababatang kapatid niya--at matagal na kitang hinahanap, hija.." Catalina? Kapatid ni mama? Hindi nagbago ang reaksyon ko ngayon. Maliban kina papa't mama na matagal ng namayapa--walang iba akong kinikilalang pamilya.
"Pasensya na po kayo, hindi po ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala. Makikiraan po.." Nakaharang kasi siya sa may pintoan sa munti kong bahay na nilipatan. Simula ng magtrabaho ako sa isang kainan bilang tagapaghugas ng pinggan--dito na ako sa lungsod tumira. Nag-aaral din ako--kahit pa man sinasabi ng marami na walang silbi ang pag-aaral ng isang babae.
Magtatapos ako ng pag-aaral kahit anong mangyari. Itataguyod ko ang sarili ko--yun ang pangarap ni papa sa'kin noon..
"Isabela, umuwi ka na sa Hacienda San Rafael Del Gabriel--matagal na kitang hinahanap.." Galit kong binuksan ang pintoan at taas-noong ibinalik ang aking mga mata na ngayon ay punong-puno pa rin ng hinagpis. Naaalala ko pa rin ang lahat..
"Hinanap niyo sana si Mama noon! Bakit ngayon lang? Namatay si mama dahil sa inyo! Hindi nga sila makapunta ng bayan para magpa-doktor--walang trabahong mapasukan si papa noon dahil sa inyo--namatay si mama nang ipininanganak ako dahil pinagbawalan ang kumadrona! Tapos ngayon nandito ka at sasabihin mong matagal mo kaming hinanap? Sana noon yun--nabuhay sana si mama.. At hindi namatay sa sakit si papa!" Hindi ko maiwasan ang hindi maiyak--lumandas ang mga luha ko sa pisngi ko habang si Catalina naman ay ganun din. Masakit bang marinig ang katotohanan?
"Nandoon ako--sa araw ng libing ni ate Gabriella.. Kahit pinagbawalan ako ng papa na magpunta--walang kapatid na matitiis na hindi siya makita.." Humagulhol ito sa iyak habang sapo ang dibdib na tila may matindi itong sakit na nararamdaman. Kaagad naman inalalayan ito ng kasamang babae. "..ilang beses kitang sinubukang lapitan pero bantay-sarado din sa'kin si papa at ang mga tauhan niya noon--patawad Isabaela.. Patawad kung wala akong nagawa noon.." Umiiyak niyang sabi sa'kin ngayon. Gaano ba kasakim ang sarili nilang ama sa kanila? Ganun nalang kasukdulan ang galit ni Don Sebastian sa sarili niyang anak--ipinagkait niya ang lahat kina mama Gabriella hanggang sa kamatayan..
"Miss Catalina, umuwi na po tayo. Bumalik nalang tayo sa ibang araw--masama po ito sa kalusogan ninyo.." Aniya ng umalalay sa kaniya saka sila tumalikod at sumakay sa puting sasakyan. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay saka nahapong napasandal..
Bakit ngayon lang?
Kaya ko bang pakisamahan ang mga taong nagpahirap kina mama't papa?
At bakit niya ako kilangan ngayon--matagal na daw niya akong hinanap? Para saan pa? Maganda si Catalina--hindi ko inakalang meron nakababatang kapatid ang aking mama. Pero ang putla niya kanina.. Mukha din siyang may sakit..
![](https://img.wattpad.com/cover/366046624-288-k34467.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Twisted Fate | Reincarnated Hearts Book 2
General FictionSasha Hernandez. Studyante sa umaga, pwedeng kargador sa gabi. Studyante sa umaga, magsasaka sa susunod na araw. Pero lingid sa mga nakakakilala sa kaniya--siya ay isang freelance writer na ginagawang side hustle ang pagsusulat para makapag-ipon...