Sasha:
"Throw the garbages."
"Clean all the comfort rooms."
"I need you to print these out--give these to all the head departments."
"Itapon mo 'to."
Janitor pala ang intership ko dito? O sadyang pinapahirapan ako ng lalakeng yun!
Paano ba naman? Parang si Zandro 'ata ang nagmamay-ari ng lahat--kung sa'n siya pupunta ay ito pala ang may-ari! Hindi talaga ito makapaniwala na sadyang kay liit ng mundo nila ni Zandro.
Hayst! Ibinilin pa talaga niya na 'wag akong tulongan. Wala akong choice! Dito ako naka-assign..teka--sinadya ba 'to na dito ako ma-assign!?
"May araw ka rin talaga, Zandro!" Nangigil na wika nito sa hangin. Katatapos lang niyang itapon ang dalawang sakong punong-puno ng mga papel. "..ito na ba pang pinaka-mahirap? Ha! Sanay akong magbanat ng buto, hoy!" Nilakasan ni Sasha ang boses habang nakatingin sa cctv. Wala itong pakialam kung makita o marinig ni Zandro yun—mas mabuti pa nga!
KITANG-KITA ni Zandro kung paanong tinadyakan ni Sasha ang trash bins. Ikalimang baba na nito sa building para magtapon ng mga basura. Dinig niya ang sinabi nito habang naka-monitor sa cctv.
This woman's crazy. He saw what she did on his car's tire, hindi siya makita sa loob kasi tinted yung bintana. He took a video of her placing something down below—hindi na muna ito lumabas hangga't hindi tuloyang makaalis ang babae.
Zandro stepped out the car and saw two sharp nails. He took it. She really dared. Hindi naman talaga na-flat ang mga gulong niya—tuturoan lang ni Zandro ng leksyon ang babae for taming him.
Napansin din niya na may katangkaran ang babae—she stood out among the farmers kaya napansin ito kaagad ni Zandro. Kahit mataas ang suot nito, her skin is fair white—mamula-mula nga ito sa init ng panahon kanina. Her cat eyes are fierce—she has that natural beauty. Hindi maitatangging maganda ang babae.
Zandro made his research. Malas lang din ng babae—she's currently enrolled in the university na sila ang nagma-may-ari. Pero ang hindi inaasahan ni Zandro ay nang dito ito ma-assign during her one month intership—which made it easy for him to punish this brat.
So unfortunate for her.
It was almost nine in the evening at kakatapos lang maglinis at magligpit ni Sasha. Hinintay pa rin siya ni Kevin sa labas ng building habang ito'y inaantok na nakaupo sa may hagdan.
"Hoy, gising, nauna ka nalang sana, Kev--nadamay pa kita." Sabi ni Sasha sa nagulat na binata. Mahihirapan na silang sumakay nito lalo't gabi na--pero mas lumalalim pa rin ang traffic.
"Okay lang, tara uwi na tayo.. Gabi na.." Nagtungo na sila sa sakayan ng tricycle. Two rides pa naman sila pauwi at kumakalam na ang sikmura nilang dal'wa. Halos hindi nakain ni Sasha ang baon kanina na pananghalian. Paano ba naman? Sunod-sunod ang utos ni Zandro rito.
"Hoy, miss ganda! Yan ba ang boyfriend mo, e ang ganda-ganda mo!" Nagkatinginan sila ni Kevin nang may grupo ng mga lasing ang nakasunod sa kanila ngayon habang nilalakas ang sakayan ng tricyle.
Lalong nainis ngayon si Sasha.
"Huwag mong sagutin, direstong lakad lang." Sabi ni Kevin na kinakabahan na rin dahil hindi sila tinantanan ng tukso ng dalawang lalake.
Sumipol pa nga ito kay Sasha.
Timigil ang dalaga sa paglalakad. "Hoy! Wala ba kayong matinong magawa sa buhay niyo!?" Humarap ito sa dalawa at dinuro. Hindi man lang ito natakot—pagod na nga siya't lahat-lahat meron pang mga lasinggong bastos. Nawalan ng pasensya si Sasha.
"Sasha!" Saway ni Kevin. Oo, lalake ito pero kompara sa dalawang lalake, wala itong kalaban-laban ngayon kung aatake sa kanila ang dalawa. May katangkaran si Kevin pero medyo payat ang katawan.
"Uy, ito ang gusto ko sa babae, pre—matapang.. Ha-ha-ha!" Ani ng isa na may hawak pang bote ng alak.
Bago pa man makapagsalita si Sasha ay hinatak na ito ni Kevin patakbo. "Takbo! May hahabolin kaming kuting at daga ngayong gabi!" Malakas na sigaw ng lalake.
Lakad-takbo ang ginawa nina Sasha at Kevin. Kahit pa man gusto pang magsalita ni Sasha laban sa mga lasinggo ay mukhang mapapahawak lamang ito.
Nang may tumigil na sasakyan at dahilan para mapahinto ang dalawang lasing sa pagsunod sa kanila. Nakaharang ito sa dalawa.
"Hoy, gago ka, a!"
"Nananadya yata, pre!" Aniya.
Doon lumabas si Zandro na saktong paglingon naman ni Sasha. Nahinto sila sa pagtakbo.
"Gusto mo ba ng gulo, ha, baka mapuno ng tahi yang gwapong mukha mo!" Nilapitan si Zandro ng isang may hawak na bote. At tangkang babasagin sa ulo ng binata na kaagad namang nahawakan nito ang kamay sa ere.
"Oo, gusto ko ng gulo." Sagot ni Zandro sabay hampas sa bote na hawak ng lalake sa ulo ng lasing.
Napamulagat sina Sasha at Kevin sa nakita nilang dalawa. Lalo na si Sasha. Kita nito kung paanong nakipagsuntokan si Zandro—na tila ba ginawang punching bag ang dalawang lasing.
"S-Si sir Zandro yan, ah.." Ngayon lang ito nakilala ni Kevin.
Hanggang sa nagtakbuhan ang dalawa na halos pagapang na. Dugoan din ang mga ito. Hindi sana lalapit si Sasha kay Zandro na noon ay nakatingin sa gawi nila.
Pero lumapit si Kevin dito. "Sir Zandro, salamat po at dumating kayo! Okay lang po kayo, sir?"
"Next time, huwag kayong dumaan dito sa madilim na eskinita." Malamig na sabi niya. Sasakay na sana ito pabalik sa kotse.
"Next time kamo, pauwiin kami ng naaayon sa tamang working hours." Sabat ni Sasha. Kahit pa man tinulongan nga sila ngayon ni Zandro pero hindi maalis-alis ni Sasha ang hindi magngitngit. "..ginawa ba naman akong janitor, serbedora, tagaligpit ng boss ko—office work ang internship namin!" Bulyaw ni Sasha ngayon sa kaharap niyang napabuga ng hangin.
"Sasha, tumigil ka nga.." Saway ng kaibigan nito.
"Is this how you thank me?" Zandro just can't believed what he just heard galing sa babae. Aminado naman siya na sinadya niya yun.
"Bakit ako magpapasalamat eh, nang dahil sayo wala na kaming tricycle na masakyan ngayon ay lalo't puno na rin ang mga jeep!" Sumbat ni Sasha at nakipagsukatan ng tingin kay Zandro. "..kung namatay kami kanina nang dahil sa mga lasing? Kasalanan mo yun! Next time, damihan mo pa ang mga nonsense mong utos, Mr. El Sobel!" Dagdag pa ni Sasha.
Zandro was too stunned. Tumalikod at nagmartsa paaalis si Sasha kasunod si Kevin.
Damn, I just saved her as*. Ito din yata ang unang beses that he let someone shout at his face—she was hell mad.
BINABASA MO ANG
Her Twisted Fate | Reincarnated Hearts Book 2
General FictionSasha Hernandez. Studyante sa umaga, pwedeng kargador sa gabi. Studyante sa umaga, magsasaka sa susunod na araw. Pero lingid sa mga nakakakilala sa kaniya--siya ay isang freelance writer na ginagawang side hustle ang pagsusulat para makapag-ipon...