♕7_My dearest reader 1♕

12 1 0
                                    


KINABUKASAN, maaga pa rin sina Sasha at Kevin sa ZES company kahit pa man ay malalim na ang gabi nang sila ay dumating.

Kahit hindi naman siya inutosan, kusang naglinis si Sasha at ginawa ang kung anong ipinatrabaho sa kaniya kahapon.

"Miss Hernandez, you are called to report at the Director's office." Bungad ni Miss Salazar rito. Itatapon na sana ni Sasha ang isang supot na puno ng mga disposable coffee cups.

"Itatapon ko lang po ito, maam.." But she was skeptic—nang dahil ba sa sinabi niya kagabi?

"Just leave it there, may janitor na kukuha diyan. This way, please." Sumunod ito kay Miss Salazar patungo sa opisina ni Zandro—e, sino pa nga bang Director ang sinasabi ni Miss Salazar?

She rang a bell then it opened. Binuksan ni Miss Salazar ang sliding door para makapasok na sa loob si Sasha.

Bumungad dito ang maaliwas at malaking opisina. The interior was indeed masculine but vibrant—ramdam mo kaagad na si Zandro ang umuukopa ng malaking opisina.

Maniningil na ba siya sa 30 000? O dahil ba sa hindi ako nakapagpasalamat sa kaniya kagabi?

Actually, bago ito matulog kagabi ay napagtanto niya kung paano nalang kung hindi ito dumating—at tuloyan silang sinundan ng mga hudas na yun.

Ang masama pa, paano nalang kung na-rape siya o napatay sila ni Kevin?

Tss! Kahit paano ay napagalitan din niya ang sarili. Pero totoo din naman kasi—si Zandro talaga ang unang mumultohin niya kapag ganun!

Pero paano at nasundan niya kami ni Kevin?

"Take these to your cubicle and re-type everything." Para itong nagising bigla sa boses ni Zandro and that loud sound from the piles of papers na pabagsak nitong inilagay sa mesa.

"Good morning, sir El Sobel." Hilaw na wika ni Sasha sa binatang kangiti-ngiti at que aga-aga..

Wala man lang proper greetings!

Mabuti pa ang guard sa labas!

"Yes, sir. Masusunod.." Kaagad itong tumalima. Halos taga-leeg na niya ang dami ng mga papers na bitbit niya. "Wala bang softcopy nito?" Himutok ng dalaga sabay talikod.

Sakto namang at bumukas ang pintoan at pumasok ang sopistikadang babae.

"Miss, wait lang po!" Hindi kasi niya kayang buksan ang sliding door kapag nasara ulit ito. "Diyan ka muna—wait lang, lalabas na muna ako.." Ang bigat pa naman ng mga papel. Parang isang box ng bondpaper ang dami nito.

But the woman slammed it close. Mapanuya itong natawa.

"Miss? Ha! Did you just command me? Zandro, babe.. Who's this rat at hindi ako kilala?" Ani ng babae. She scanned Sasha's whole being from head to foot saka natawa uli.

"Pabukas lang naman ng pinto—naging rat na kaagad?" Rat pala, ha! Talagang araw-araw may taong hinahamon ang pasensya ni Sasha.

Babe, ha?

At wala itong pakialam kung girlfriend o asawa ito ni Zandro. Ano ba naman yung buksan niya saglit ang pinto?

Nakakainsulto na ba yun sa katayuan niya?

"Oh! This rat can talk! How would a rat feel kung sisipain kita palabas ng pintoan na yan?"

Bago pa man makapagsalita si Sasha ay tumayo si Zandro mula sa swivel chair nito.

"Amanda, what are you doing here this early?" Zandro. He then pressed the remote at bumukas ang pintoan automatically. Kaagad na lumabas si Sasha bitbit ang mga ga-bundok na papeles.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Twisted Fate | Reincarnated Hearts Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon