♕5_Bonus Chapter Continued 2♕

15 1 1
                                    


Isabela Rodriguez-Valle 

January, 1975

KINASAL kaagad kami ni Rico at bumuo ng sariling pamilya. Wala akong pinagsisihan lalo't napagtanto ko kung gaano kasaya kung kompleto ang pamilya. Malapit ka na naming makapiling, anak.. Himas ko sa malaking umbok na tiyan. Saktong sa buwan ng birthday ko ang inaasahang panganganak sa panganay namin ni Rico.. 

"Okay ka lang, mahal?" Tawag sa'kin ni Rico na kaagad tumayo nang makitang hinimas ko ang aking tiyan. Kaagad akong kumaya rito at ngumit. 

"Okay lang ako, ano ka ba.." Masaya ko siyang tinanaw mula sa veranda. Kahit pa man asawa ko na siya, sobrang sipag pa rin ni Rico. Nagtatrabaho pa rin siya sa Hacienda at tinutulongan ako sa lahat ng gawain. Minsan nga 't sumasama pa siya sa anihan. 

Ngayon ngang malapit na akong manganak, mas iniingitan ko ang sarili. Hindi naman ako nababagot sa mansyon dahil halos lahat ng oras ko ay ginugugol ko sa maraming bagay para malibang--lalo na sa pagsusulat ng kung anu-ano.. 

"A-ARAYYY.." Daing ko. May kakaibang sakit na sumikdo mula sa likuran ko na hindi ko maipaliwanag. "R-Rico! M-Manganganak na yata ako..!" Sigaw ko. Hindi ko na siya napansin--halos lahat ng sakit nadama ng katawan ko na ikinatumba ko ngayon. 

"Seniorita Isabel! Dalui, ihanda niyo ang sasakyan!" Ani ng katulong na kaagad akong inalayan. Wala pa namang tubig na tumagas pero sobrang sakit na ng tiyan ko mula sa likuran. 

"Isabel! kunin ninyo ang mga gamit at ibaba, dali!" Kinargo ako ni Rico na sobra ang pag-aalala. Pilit kong kinalma ang sarili at huminga ng malalim pero bumabalik ang sakit at napapadaing ako. 

DUMATING kami sa hospital na kaagad namang inasikaso at dun na nga tumagas ang tubig pagkatayo ko--hindi ko na rin kaya ang sakit. Kaagad na akong dinala sa delivery room. 

"VICTORIA.." Una kong nasilayan ang aming anak. Sobrang ganda niya--para siyang munting anghel.. Bago ko ipinikit ang aking mga mata na may ngiti sa labi..

***

Okay? 

So, may happy  ending sina Isabela at Rico?  

Ginawa ko ang continuation ng bonus chapter habang nakasakay ako sa jeep. Dito ko nalang ginawa gamit ang cellphone--napagtatyagaan pa naman kahit luma na. 

Papunta na ako sa naka-assigned na office para sa on the job training namin. Kasama ko si Kevin dahil pareho kami ng opisina. 

"Ano ba yang tina-type mo dyan? Baka ma-snatch pa yang cellphone mo." Saway niya sa'kin. Hmp! Mabebenta ba naman? 

"Wag kang mag-alala, Kev--walang magkaka-interes na snatcher. Luging-lugi sila dito." Ilang beses na kayang may tumangkang mag-snatch pero ha--ang choosy din nila sa mga brand! Gusto nila iphone, samsung, o yung mga mamahaling brands! 

Ibinalik ko ang atensyon ko sa isinulat ko. Meron pang kalahating oras bago kami dumating sa terminal at sasakay na naman ng tricycle mula doon. 

***

1975

ISANG linggo mula ng manganak si Isabela sa kanilang panganak nasi Victoria--napuno ng masaya at pagmamahal ang buong San Rafael Del Gabriel. Engrande nilang sinalibong ang ligtas na panganganak ni Isabela. 

Para kay Isabela--isa rin itong pagpupuri sa katapangan ng kaniyang ina nasi Gabriella sa araw ng siya'y ipinanganak na wala man lang tumulong na kumadrona. 

Ika-25th na kaarawan din niya kaya nagkaroon ng engrandeng salu-salo para sa lahat ng mga tauhan sa hacienda San Rafale Del Gabriel. Kahit pa man  sa tinatamasang karangyaan ni Isabela ay mas pinipili niyang  makasama ang kanilang mga matatapat at masipag na mga tauhan. 

 "Sisilipin ko lang si Victoria, dito ka muna." Nagpaalam ito saglit kay Rico na masayang nakikipag-usap sa mga tauhan sa sakahan. Lahat sila'y  inanyayahan sa binyag ng kanilang anak. 

Nakatulog na ang kanilang munting anghel kanina pa at mahimbing pa rin ang tulog nang pumanhik siya sa sariling kwarto. Nandoon din ang sariling katulong ng bata. 

"Hindi naman po siya umiyak, Seniorita. Ang bait na bata.." Aniya ng katulong. Ngumiti si Isabela sanarinig. 

"Kumain ka na? Ako  na muna dito at babantayan ko  ang anak ko--" Nasapo ni Isabela ang  sumakit na dibdib. Sobrang sakit na tila ba hindi na siya makahinga. 

"S-Seniorita? Okay lang po kayo?" 

"T-Tawagin mo si Rico--" Sumisikip ang dibdib nito at hindi ito makahinga ng maayos. Napaluhod ito sa sakit habang nakakapit ang isang kamay sa crib ng anak. 

"V-Victoria, anak ko.." Ang huling sambit ni Isabela bago ito tuloyang nawalan ng malay.. 

CARDIOMYOPATHY. May infection sa panganganak si Isabela at ito ang dahilan ng kaniyang biglang pagkamatay--na sobrang dinamdam ng asawa. Halos hindi ito makita sa mansyon at nagkulong lamang ng ilang araw sa sariling kwarto matapos ang libing ni Isabela.. 

***

"Hoy! Para kang baliw--nakangiti ka dyan?" Si  Kevin na naman. Natapos ko na kasi ang Bonus chapter! Another saddened death by Miss Broken.. 

"O, tara na.." Bumaba na kami ng jeep at sumakay ng tricycle patungong opisina. 

"Ito na ba yun?" Tanaw namin ang napakataas na building. Z.E.S. Sakto naman ang address, ito na nga yun. Ipinakita namin ang aming mga ID sa guard ng building bago kami pinapasok. 

"Hinihintay na kayo sa opisina niyo. Your designated department heads will explain further your tasks and duties here.." Sabi ng babae sa front desk. Kaagad kaming nagtungo at sumakay ng elevator. Ewan ko ba, kapag nasa loob ako ng elevator feeling ko biglang titirik o ano.. 'Wag naman sana--sa  30th floor pa naman kami! 

"Miss Hernadez and Mr Perez--the manager would like to speak with you." Saktong pagtalikod ko ay bumangga ang balikat ko sa matandkad na lalake. 

"Ay, sorry po--ikaw!?" Hayst! Napapikit ako sa biglang naramdaman kong inis! Kahapon lang ng halos maligo ako sa tubig-kanal! 

"Do you have a problem--?" 

"Do you have a problem, mukha mo?" Inirapan ko siya't ginawa ang accent niya na Amerikanong hilaw! "Hindi mo na ako kelangang sundan kahit saan para lang ma-blackmail sa sinasabi mong 30 000 pesos! Babayaran nga kita, 'di ba?!" Siniko naman ako ni Kevin. E, ano ngayon?

Nagsukatan kami ng tingin. That smirked again! Grr! 

Feeling ko nga sinadya  niyang maging panelist e--para talagang masundan ako at nang makaganti siya! 

"Miss Salazar, who are they?" Baling nito sa babaeng kasama namin na mukhang nawalan 'ata ng dugo sa mukha. 

"A, Boss Zandro, s-sila po ang naka-assign na intern galing sa El Sobel University.." 

Ha!? 

Saka pa nag-register sa utak ko. 

Z.E.S. Company. Ibig -sabihin--as in? Zandro El Sobel Company?! 

Kita ko kung paanong dumilim ang mukha ni Zandro bago ito walang salitang tumalikod. Dahan-dahan akong tumingin kay Kevin--halos lahat 'ata na mga nasa cubicle nila ay napatayo dahil sa commotion na ginawa ko ngayon..sa nagmamay-ari ng kompanya! 

Hayst! 

Goodbye diploma na ba? 


Her Twisted Fate | Reincarnated Hearts Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon