Sunod-sunod na putok ng baril ang nagpatigil sa pag-aakit ni Gauri sa babaeng target nya sa mission nila. Nakaramdam ng pagkaalerto ang babae sa nangyayari pero mabilis ang kilos ni Gauri at pinatulog ang babae sa paghampas nito sa batok. Agad kinapaan ni Gauri ang katawan ng babae at hinanap ang susi na kailangan nila sa mission nila. Napangisi ito nang makita ang susi at agad na tumayo.
Hinawakan nya ang earpiece nya at pinakinggan ang update sa nangyayari. Naririnig nya ang utos na mag-retreat dahil isa sa mga ka-team nya ay nahuli. Napairap na lang si Gauri na malamang palpak na naman ang mga kasamahan nya sa mission.
Pero imbis na mag-retreat ay pinagpatuloy nya ang mission lalo na ay hawak nya ang susi para mabuksan ang office ng may ari ng mansion. Tumungo sya sa pangatlong palapag ng mansion kung nasaan ang office. Maingat na nagmasid ito sa paligid para hindi mahuli ng mga bodyguard.
"Gauri! are you there?!" sa kabila ng salitan ng putok ng baril ay narinig nya ang boses ng matalik nyang kaibigan sa earpiece.
"Rusty, what happened? bakit nahuli na naman sila?" mahinang tanong nya habang alerto pa rin sa paligid. Kumilos ito nang makitang walang tao sa hallway.
"Si tanga, nakita." napairap sya nang malamang ang leader na naman nila ang nahuli. "Retreat na raw tayo, nasaan ka?"
"Third floor. I got the key." sagot nito at nakita ang office. "Nasa tapat na rin ako ng office." tumingin muna ito sa paligid bago ipinasok ang susi sa doorknob.
"Oh nice! I will cover you. Halos lahat naman ng mga guard ay hinahabol ang mga bugok. At least may naitulong sila." natatawang sabi nito.
"I'm going in na." update nito nung ma-unlocked nya ang pinto. Itinaas nya ang baril nya at naging alerto sa pagpasok.
Itinapat nya ang baril nya sa paligid para maging handa kung sakaling may tao at nakita nyang walang tao sa loob ng kwarto. Agad itong tumungo sa lamesa at tinignan lahat ng mga papel na nasa lamesa. Hindi nya makita ang kailangan nya kaya naman ang mga drawer naman ng lamesa ang isa-isa nyang binuksan para hanapin ang file na kailangan nya sa mission. Hindi nya pa rin makita ang file at titingin na sana sa ibang cabinet nang mapansin nyang may kakaiba sa drawer na isa sa binuksan nya. Agad nyang tinignan ang drawer at nakitang may hidden drawer ito. Doon ay nakita nya ang file na kailangan nya.
"Rusty, I got it." pag-uupdate nito.
"Go to the kitchen. I will see you there."
Sinunod nya ang kaibigan nya at tumungo sya sa first floor. Pagtapak nya sa second floor ay nakita sya ng guard na paakyat sa hagdanan. Agad syang tinutukan ng baril at nung ipuputok ang baril ay tumalon ito para umiwas at sinipa ang mukha ng guard. Nabagok ang ulo ng guard sa semento sa pagkasipa nito. Nagpatuloy sa pagtakbo si Gauri patungo sa kusina. Pagbukas nya ng pintuan ng kusina ay nakita nya ang orange hair na two block haircut at nakasuot na black suit na kaibigan nyang kumakain pa ng manok.
"What the heck, Rusty?" nakakunot ang noong tanong nito sa kaibigan.
"Mukhang masarap ang luto ng chef nila eh." nakangiting sabi ni Rusty at muling kumagat ng manok
Inirapan nya ito. "Anyway, let's go." agad silang tumungo sa backdoor ng kusina. Tumingin sila sa paligid. Nakita nila ang isang kasama nila na pinagbabaril ng guards.
"Ganda nilang maging decoy talaga." sabi ni Rusty.
"Tama lang sa kanila 'yan. Ang hirap nilang maging ka-team."
Agad silang kumilos para tumungo sa garahe. Nakakita sila ng sport car. Aambaan na sana ni Gauri ng suntok ang bintana nung pigilan sya ni Rusty.
"Wait! may susi ako. Sayang 'tong sasakyan ah." sabi nya at binuksan ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Alpha
RomanceThe Alphas, they are the excellent and superior sex. The Betas, they are like normal people. The Omegas, they attract the Alphas into mating with their unique smell.