A.N
Feel free to vote for this chapter. I am so thankful if you do so. Enjoy reading! :)
~*~
Lumipas ang mga araw na hindi nawawala ang pag-asa sa puso ko. Hindi ako pumapalya sa pag-update sa kaniya. Bawat oras yata o kaganapan sa buhay ko ay naipapadala ko sa pamamagitan ng text messages dahil wala namang messenger si kuya Damian. Pakiramdam ko nga ay mas nakakapag-update pa ako sa kaniya kaysa sa mama ko. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses na nadurog ang puso ko dahil taliwas sa sinabi niya, sa dami ng mga mensaheng pinadala ko sa kaniya ay ni minsa'y hindi ako nakatanggap ng kahit na anong reply galing kay kuya Damian. Nakakalungkot lang pero kahit na gano'n ay hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa puso ko na maiisipan niya ring mag-reply sa akin kahit isang letra lang.
Ilang araw na rin ang nagdaan na mag-isa ako sa bahay. Pinanatili ko ang linis ng buong apartment kahit na wala si kuya Damian. Ang hindi ko lang maiwasan ay ang magdagdag ng sinaing dahil baka sakaling dumating si kuya Damian. Mas mabuti nang maraming kanin para makakain siya dahil alam kong gutom 'yon galing sa mahabang byahe. Pero ni anino niya wala hanggang ngayon.
Oo nga pala. Tatlong araw na rin akong nagsisimula sa trabaho bilang part-timer and guess what? Natanggap ako sa Jollibee! Naging madali lang ang pag-aasikaso ko ng mga requirements kaya naipasa ko kaagad noong tinawagan nila ako para sa final interview kaya diretso na ako pasok noong sumunod na araw.
Masasabi ko namang kakayanin ko ang trabaho kahit na ang schedule ko sa pagpasok doon ay 7pm hanggang 12 midnight.
Napasapo ako sa noo nang maalala ang oras ng pasok ko sa fast food na 'yon. Hindi naman dahil sa nakakapagod o dahil sa inaabot na ako ng madaling araw sa Jollibee kundi dahil sa taong nakakasabay kong umuwi. Sobrang liit lang ng mundo para sa amin ni Hunter dahil nadatnan ko siya sa Jollibee bilang isang SC o iyong taong nakatoka sa loob ng office at nag-aasikaso ng mga nire-remit na mga pera ng cashier tuwing may nagka-cut off.
Ngayon ay mas nalinawan na ako sa mga huli niyang binitawang salita bago kami nagkahiwalay ulit.
May posibilidad kayang alam niyang nag-apply ako dito? Nakita niya ang resume ko? Sabagay! Matagal ng nagtatrabaho dito si Hunter.
Mabuti na lang talaga at may motor siya. Nadadaanan niya ang lugar namin na ito kaya kahit pagpasok ay sinusundo niya rin ako para raw makatipid. Praktikal lang din akong tao kaya sinusunod ko ang gusto niya. Win-win situation na sa akin 'yon dahil nakahanap ako ng service ng wala sa oras! Tapos libre pa!
Noong una ay hindi ko alam na may motor ang lalaking 'yon dahil noong sinamahan niya ako sa kulungan noong nabugbog si tatay ay wala naman siyang dala. Namasahe nga lang kami noon sa trike! Ang sabi niya'y nasa pagawaan daw ang motor niya noon kaya hindi niya dala. Hindi ko alam pero hindi mabenta sa akin ang sinabi niya na 'yon dahil mukhang bago pa ang motor niya at kakakuha lang sa bilihan. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan si Hunter! Hindi pa rin siya nagbabago. Napaka-unpredictable niya pa rin hanggang ngayon!
Sumulyap ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Ala sais na ng gabi at alas siyete ang pasok ko ngayon sa trabaho kaya kailangan ko nang mag-asikaso dahil mayamaya lang ay nandito na si Hunter para sunduin ako.
Yari naman na akong maglinis ng bahay kaya mabilis akong kumain. Mas makakatipid ako kung dito ako kakain dahil ilang oras lang din naman ang duty ko. Mas okay kung bubusugin ko na ang sarili ko ngayon dito para kapag binigyan nila ako ng break time ay ilalaan ko na lang sa pagrereview dahil sa long quiz namin sa isang major class nitong parating na biyernes.
Sana ay umuwi na si kuya Damian. Miss ko na siya!
Nailing na lang ako habang binabanlawan ang mga platong pinagkainan ko. Nakakainis lang dahil bigla-bigla na lang sumusulpot sa isipan ko si Kuya Damian. Pati sa isip ko ay distraction pa rin siya! Wala na nga 'yong tao pero ginugulo pa rin niya ako! Ito ba ang tinatawag nilang miss-syndrome?
Bago pa ako malunod sa iniisp ay maliksi akong kumilos para maligo at mag-ayos. Nayari ako ng siguro mahigit kumulang trenta minuto. Inaayos ko na lang ang buhok sa harapan ng salamin nang may marinig akong bumusina sa labas. Iyon na siguro ang sundo ko.
Bago lumabas ng bahay ay sumilip muna ako sa orasan. 6:36pm. Sakto lang ako.
Ni-lock ko na ang bahay at mabilis na naglakad patungo sa gate. Nadaanan ko pa si lola na nag-akalang kapatid ko si kuya Damian noon kaya binati ko muna siya.
"Gandang gabi, nay."
Ngumiti lang siya sa akin kaya naman ngumiti lang din ako pabalik sa kaniya.
Nang makalabas sa gate ay bumungad agad sa akin si Hunter. Hawak niya na ang isang helmet na palagi niyang pinagagamit sa akin kaya naman nang makalapit ako ay agad niya rin itong isinuot sa akin na akala mo ay hindi ko alam kung paano ang tamang pagsuot noon.
Napatitig tuloy ako sa mukha niya habang inaayos ang helmet mo.
Siguro ay kung hindi niya ako iniwan noon sa ere ay baka hanggang ngayon ay siya pa rin ang kinahuhumalingan ko. Lalo na't sobrang lapit namin sa isa't-isa na walang araw na hindi kami magkasama. Hindi naman kasi sila lilipat ng lugar kung hindi dahil sa nangyaring insidente sa pagitan ng pamilya namin noon. Ang tatay niya naman kasi talaga ang nagkasala kaya kailangan nitong pagbayaran ang ginawang kasalanan.
Kung hindi siguro kami nagkahiwalay ni Hunter noon ay baka hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Kaso ayaw niya sa bakla na kagaya ko kaya may dahilan din siguro ang lahat. Sayang lang pero wala na, tapos na rin naman ang lahat. Wala nang saysay para balikan pa lahat ng mga nangyari noon. Ang mahalaga ay nagkausap na kami ngayon at okay na rin kaming dalawa. Nagkalinawan na sa mga dapat malaman at mga back stories na dapat noon pa lang ay nasiwalat na edi sana... Edi sana tama na ang puro pagbabaka sakali dahil nabi-bwisit na ako sa sarili ko sa mga naglalaro sa isipan ko ngayon.
Ilang beses akong napapikit nang mapagtanto kong tinitingnan na lang ako ni Hunter habang may malapad na ngiti sa manipis at mapula niyang labi.
Piniga niya ang ilong ko at saka natawa sa naging reaksiyon ko.
"Aray!" reklamo ko.
Parang si kuya Damian lang! Mahilig manggulo ng buhok ang isang 'yon, e!
"Ang cute mo kasi! Tara na nga at baka ma-late na tayo!" sabi sa akin ni Hunter at saka pinagpagan ang uupuan ko. "Hop in!"
Tumango ako at saka maingat na sumakay. Nakaayos na ako kaya sinabihan ko siyang, "Okay na." Pero nakakapagtaka naman na hindi pa rin siya nagpapa-andar. May balak bang umalis 'to?
"Ihuhulog kita o yayakap ka na sa akin?" sabi niya at bahagyang lumingon para ipakitang na binibigyan niya ako ng sapat na atensiyon.
Napangiwi ako. Taking advantage na naman! Palibhasa nagustuhan niya ang pagyakap ko sa kaniya noong muntik niya ng ibunggo ang motor niya sa warning signage na nadaanan namin malapit sa school.
Mahina kong sinuntok ang likod niya. Humawak na bewang niya para mahinto na pero ang lalaki, nag-inarte pa!
"Sige! Parehas na tayong magpa-late!" maktol niya.
Napairap ako sa ere at saka bumuntong-hininga. Kahit na ayaw ko ay binalot ko ang mga bisig sa katawan niya. Hindi ko man malinaw na nakita ay alam kong nakangiti siya. Ang sarap niya lang talaga batukan!
"Tara na!" untag ko sa kaniya kaya naman agad niya ring pinaharurot ang motor.
Bumaling ako sa direksiyon ng apartment para sana silipin ang bahay kung maayos ko itong naiwan nang makita ang mga kapit-bahay namin na nakatingin lahat sa akin lalo na si lola na mas pinaka-nakakausap ko sa kanilang lahat.
Kung pwede lang tanggalin ang pagkakayakap kay Hunter para maiwasan ang mga ideyang maaari nilang maisip, ay ginawa ko na kaso mas mahal ko naman ang sariling buhay kesa ang maging topic nila. Baka lang kasi ay ichismis nila ako kay kuya Damian!
Teka? Sino ba naman ako para mag-assume, 'di ba? Ano ba ako ni baby Damian? Wala! Kaya shut up na lang talaga ako. 'wag asumera!
~*~
04.02.2024
Thank you for reading! Your vote is highly appreciated! I am planning on creating a series and its more R-18 than this story. Baka i-post ko ang first installment ng series na gagawin ko kapag malapit na mayari ang Sekyu! I'll post some updates soon! Again, thanks for reading!
-Kuya Sen
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL)
General FictionAlam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mga ipinapak...
