33: Disappear

1.4K 58 7
                                        


🚨🚨🚨

Keifer

"Keifer," tawag sa akin ng boses na siyang humila sa akin pabalik sa reyalidad.

Pagkabangon ko mula sa pagkakadukmo ay agad akong napalinga-linga sa buong lugar. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa tadiyang nang makitang bumalik lahat ang mga kasama namin sa loob ng silid. Nandito rin si tatay sa harapan ko na mahimbing na natutulog.

Mabuti na lang at masamang panaginip lang ang lahat!

Naglaho man ang bigat sa dibdib ko dahil sa nasaksihan mula sa masamang panaginip na 'yon ay agad namang nagsalubong ang aking mga kilay nang makita ang taong nakatayo sa gilid ko. Bahagyang nakalapat sa akin ang kamay niya na para bang inaalala ang kalagayan ko. Hindi ko inaasahan ang sarili na mapaatras palayo sa kanya kahit na nakaupo ako sa isang lumang monoblock chair.

"Okay ka lang ba? You seemed to have a bad dream," nag-aalalang sabi ni Hunter na para bang hindi siya naapektuhan sa inasal ko. Mabuti na lang at hindi siya na-offend.

Aaminin kong hindi ako natuwa na siya ang bumungad sa akin dahil nasanay na ako na si kuya Damian ang madalas na nasisilayan ko sa umaga at siya rin ang huling tao na nakikita ko bago matulog. Hindi ko lang talaga inaasahan na si Hunter ang makikita ko ngayon at hindi si kuya Damian.

Imbis na sagutin siya ay agad kong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa gilid ni tatay. Napansin kong may mga unread messages na naka-show sa screen kaya naman binuksan ko iyon.

Damian: Baka matagalan ako sa pagbalik jan. Nadaanan ko kasi si mang Jerry sa guard house at may emergency lang dito sa subdivision.

Damian: Sorry, Ki. Baka hindi na ako makabalik jan. Merong nangyaring krimen dito sa loob ng Beverly Heights at kailangan naming lahat na mga sekyu um-attend sa emergency meeting.

Damian: Tawagan kita kapag natapos na ang meeting namin na 'to.

Damian: Balik ako agad jan.

Isasara ko na sana ang phone ko nang makita ko ang huling mensahe niya para sa akin.

Damian: I love you.

Naramdaman ko ang matinding init sa mga pisngi ko. Bumilis din ang pintig ng aking puso na para bang sumali ako sa karera at si kuya Damian ang nakaabang na premyo. Kung siya ang prize ay hindi talaga ako magpapatalo!

Napansin kong apat na oras na matapos niyang ipadala ang mga mensahe na 'yon sa akin kaya marahil ay apat na oras na rin akong nakatulog dito sa tabi ni tatay. Apat na oras na ring nasa meeting si kuya Damian. Sana ay mayari na ang meeting na 'yon dahil gusto ko nang marinig ang boses niya kahit sa tawag man lang.

Shet! Bakit parang ang landi ko sa parte na 'yon?

"Ayos ka lang ba? I'll buy you water. Babalik ako-"

Agad kong hinila ang kamay ni Hunter nang akmang paalis na siya. Nahinto ito at napalingon sa akin. Kung makaasta siya ay parang wala siyang ginawang gulo kanina.

"Kailangan nating mag-usap, Hunter," sabi ko sa kaniya nang hindi binabali ang tingin na meron kami sa isa't-isa.

"We are talking now," pilosopo niyang sambit.

"Sa labas. Iyong tayo lang dalawa," paglilinaw ko pa sa kaniya.

"Kung iyan ang gusto mo. Fine. Let's talk outside." Siya na ang naunang lumabas. Tiningnan ko muna si tatay bago ako sumunod sa kaniya. Babalik agad ako, tay. Bibigwasan ko lang ang isang 'to nang magising na sa panaginip niya! Mabilis lang po ito.

SEKYU 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon