Kabanata 12

3.7K 107 20
                                        

Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin ni Hunter nang makalapit ako sa kaniyang kinatatayuan. Wala na sana akong balak lumabas dahil dudungaw na lang sana ako sa door way nang hablutin niya ang pulsuhan ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. Mabuti na lang at hindi niya ginawa 'yon nang padalos-dalos dahil magagalit talaga ako kung nakaramdam ako ng kahit kaunting sakit.

Bahagya niya lang akong nilayo mula sa door way, mula sa ingay na nagmumula sa pagtuturo ng aming professor.

Binitawan niya ako at saka tiningnan nang taimtim sa mga mata. Hindi ko maiwasang hangaan ang kaamuhan sa mukha niya. Kaya nga naging crush ko siya noong nag-aaral pa lang kami sa senior high. Kung hindi siguro sila lumipat nang tinitirhan at kung hindi niya ako iniwasan noong nalaman niyang gusto ko siya, baka hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin ako sa lalaking 'to. Bukod kasi sa mabait siya at magalang, nagagawa niya rin akong lagyan nang kakaibang saya ang puso ko.

"Nakikinig ka ba sa akin, Keifer?"

"Ha?" 'yon lang ang tangi kong nasagot sa kaniya. Masiyado akong nalunod sa mga nasa isip ko sa puntong hindi ko na naintindihan pa ang mga salitang sinasabi niya.

Napailing siya at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. G'wapo pa rin kahit baptrip na!

"Sorry," hingi kong paumanhin. "Ano nga ulit 'yon?" tanong ko pa.

"Nabugbog ang tatay mo sa kulungan. Pasensiya na pero ang tatay ko ang dahilan kung bakit pinagkaisahan ang tatay mo," bagsak ang balikat niyang sambit.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ba ako nang dinig? Nabugbog ang tatay ko dahil sa tatay niya?

Oo nga pala. Nakulong nga pala ang tatay niya dahil sa tatay ko.

"Kailangan mo siyang puntahan, Keifer. Kailangang magamot ang mga sugat niya. Ayaw magpaasikaso ng tatay mo sa mga health officer doon. Baka sa 'yo magpaasikaso siya," panghihikayat sa akin ni Hunter.

Napatango-tango ako nang magkakasunod, taranta.

Mabilis akong bumalik sa loob ng room para kausapin ang na-interupt na guro sa harap. Mabuti na lang at pinayagan agad ako't hindi na ko nakatanggap pa nang iba't-ibang bakit sa kaniya. Siguro ay kita sa mukha ko ang pagkabalisa dahil naiisip ko kung ano ang kalagayan ni tatay ngayon, sugutan at duguan.

Sumakay kami ng trike dalawa ni Hunter para mas mabilis. Lumulutang ang utak ko ngayon kahit na may mga tanong ako na gusto ko sanang banggitin sa kasama. Gusto ko rin mangamusta sa kanya dahil isang taon na rin halos ang nakakalipas simula noong huli ko siyang nakita. Akala ko hindi niya na ako magagawang kausapin dahil sa insidente noon na kinasangkutan ng mga tatay namin. Pati na rin ang ginawa kong pag-amin sa kaniya noon.

Sa pagkakatanda ko ay malapit lang ang Municipal Jail pero nagmukhang malayo dahil sa gawa ng tao na katabi ko ngayon sa loob ng trike.

Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya mula sa nakatapat na malaking salamin sa harapan naming dalawa kaya naman nag-iwas ako nang tingin. Ako ang nakapwesto malapit sa driber, siya naman sa kanan ko, malapit sa pasukan ng pasahero.

"Balita ko hindi ka na sa inyo nakatira? Saan ka tumutuloy?"

Sa sandaling 'yon, hindi ko na napigilan ang sarili na lingunin siya. Nakatingin pa rin siya sa akin sa pamamagitan ng salamin sa harapan namin. Ang tangos ng ilong niya! Nakakainis!

"Bakit kailangan ko pang sabihin? Wala ka rin namang pakialam," pambabara ko.

Hindi nagbago ang ekspresiyon niya, seryoso pa rin ito at hindi man lang nagawang tanggalin anh pagkakatitig sa akin kaya tiningnan ko na siya pabalik mula sa salamin.

SEKYU 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon