KABANATA III

5.2K 133 5
                                        

KEIFER

"H-hindi ko alam, 'tay. H-hindi ko po alam kung nasaan si nanay," sagot ko na halos magbuhol-buhol na ang dila ko dahil sa takot na nararamdaman.

"Putang-ina niyo talaga!" Pagkarinig ko ng mura na 'yon ay naramdaman ko na lang ang matinding sakit mula sa pagsuntok ni tatay sa sikmura ko.

Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Bumagsak na lang ako sa sahig habang iniinda ang matinding kirot sa aking sikmura. Tila ba piniga ang mga baga ko't hindi ako makahinga nang maayos. Nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa patuloy na pag-iyak at nang mag-angat ako nang tingin ay nakita ko pa kung paano ako protektahan ni Kuya Damian mula kay tatay.

"Tatawag ako ng baranggay. Hindi tama itong ginawa niyo!" malumanay na sabi ni Kuya Damian nang maitulak niya palabas si tatay. Ni-locked niya ang pinto ng guard house upang hindi na ulit makapasok pa si tatay sa loob.

Walang hinto sa paghiyaw si tatay habang malakas na kinakalampag ang naka-lock na pinto ng guard house. Sobrang takot na takot akong malapitan niyang muli. Halos magsumiksik na ako sa gilid ng silid para lang maitago ang sarili. Niyakap ko ang sariling tuhod at ibinaon ang mukha rito. Walang tigil sa paglagaslas ang luha mula sa aking mga mata. Sana umuwi na si nanay. Kung nandito siya ay hindi niya hahayaang saktan ako ni tatay.

"Hello, buddy. Pasuyo naman ako rito sa station one. Meron kasing nag-wawalang residente sa katabi nating baryo. Pa-report ako sa baranggay hall nila. ASAP, buddy. Baka kung anong magawa nito sa amin. Salamat," rinig kong sabi ni Kuya Damian sa walkie-talkie niya.

Patuloy pa rin sa pagwawala si tatay mula sa labas. Mura rin siya nang mura at wala siyang hinto sa pangmamaliit sa pagkatao ko na tila ba wala akong ginawang mabuti bilang anak niya. Ganoon na ba kaliit ang tingin niya sa mga kagaya ko? Hindi pa siya magpasalamat at disente akong bakla. Hindi naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Hindi nagbibihis ng pambabae at rumarampa sa daan. Hindi naman din halatang bakla ako kung hindi ko pa sabihin sa mga taong nakakaharap ko. Bakit ganoon siya sa akin? Anak niya pa rin naman ako, hindi ba? Bakit parang napakahirap sa kaniya na ituring ako bilang anak niya?

Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya Damian sa akin pero hindi ako nag-abalang mag-angat nang tingin sa kaniya. Nilalaman ako nang matinding hiya, panliliit sa sarili na tila ba isa akong piraso ng basura.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang sinuntok niya? Sabihin mo sa akin nang malapatan natin ng hot compress para kahit papaano ay mabawasan ang kirot." Sobrang lambing ng boses ni Kuya Damian kaya hindi ko na napigilan pa ang mapa-angat ng tingin sa kaniya. Nakakahiya na para bang basa akong sisiw ngayon. Magulo ang buhok, pawisan at basang-basa ang mga pisngi mula sa matinding pag-iyak.

Natigilan ako sa sunod niyang ginawa sa akin.

"Tumahan ka na. Hinding-hindi kita pabayaan hangga't nandito ka sa akin ngayon. 'Wag kang mag-alala at safe tayo rito sa loob. Kasama mo ako," sabi niya habang pinupunasan ang mga pisngi kong basang-basa ng luha.

Kahit na maingay sa labas dahil sa ginagawa ni tatay ay mas nangingibabaw pa rin ang dugundong ng puso ko. Simple lang ang ginawa ni Kuya Damian sa akin pero napakalaki ng epekto nito. Pakiramdam ko ay napawi lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit na saglit ay naramdaman kong importante ako, kamahal-mahal.

"Okay naman na po ako. Salamat kuya," sabi ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa. Taliwas man sa sinabi ko ang pinakikita ng aking mga mata ay sa tingin ko'y nakumbinsi ko naman siya.

Ngumiti ako nang tipid kahit na patuloy pa rin sa paglagaslas ang aking mga luha.

Ilang minuto lang din ang nagtagal nang huminto si tatay. May mga pamilyar akong boses na naririnig mula sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya Manny ang kumakausap ngayon kay tatay, isa sa mga barangay tanod ng baryo namin.

SEKYU 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon