41: Kapanhakin

1.3K 45 20
                                        

KEIFER

Mabigat ang mga paa ko ngunit nagawa ko pa ring maglakad patungo sa entrada ng apartment. Iyon na lang ang apartment na bukas ang ilaw dahil natutulog na marahil ang iba naming kapit-bahay.

Tahimik na sa paligid pero nangingibabaw pa rin ang dagundong ng puso ko. Natatakot ako na pati sila kuya Damian ay marinig ang matinding kabog ng puso ko. Siya pa naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Ilang hakbang na lang ay malapit na ako sa pinto ngunit huminto ako nang marinig si kuya Damian na kausap ang boses ng isang matipunong lalaki. Taliwas ito sa ideyang naiisip ko base sa sinabi noon ni ate Cheba. Ang akala ko kasi ay lantarang bakla ang nakikipagkita kay kuya Damian dahil nasabi nila rin noon na mahaba ang buhok nito. Hindi ko naman inaakalang lalaking-lalaki pala ang kausap niya.

Bumuntong-hininga ako at saka lakas loob na nagpakita sa mismong pinto.

Nahinto sila kasabay ng paghinto ng mundo ko.

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi nila nang makita ako. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni kuya Damian dahil hindi niya siguro inaasahang darating ako ngayong ganitong dis-oras ng gabi.

Nakakahiya naman. Mukhang naabala ko pa ang moment nilang dalawa.

Naka-indian sit sila sa sahig, magkaharap habang pinagsasaluhan ang magandang klase ng alak na marahil ay dala nitong long hair na hayop na ito. Kung hindi siguro ako dumating ay hindi ko maabala ang maganda nilang usap at who knows? Baka mamaya'y magkapatong na silang dalawa!

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kahit na wala naman ako dapat na ikagalit. Wala naman sila ginagawang masama bukod sa nag-iinom, nag-uusap at nagkakatuwaan sila, na hindi ko alam, at hindi ko naman talaga alam kung may karapatan ba akong malaman dahil ano ba kami ni Damian? Ni wala nga kaming label dalawa tapos iiyak-iyak pa ako na ganito.

"P-pasensiya na, naabala ko yata kayo," sabi ko at agad na tumalikod sa kanila. Ilang sandali pa ay nakasunod na si kuya Damian sa akin. Nandito kami ngayon sa labas kung saan nakaparada ang kotse noong kasama niya.

Nang mahablot niya ang kamay ko at maiharap sa kaniya ay agad ko ring binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pigil na pigil ako sa mga luha kong isang pikit na lang ay babagsak na. Noong oras na 'yon, hindi ko binali ang koneksiyon sa aming mga mata. Gusto kong ipamukha sa kaniya na malinis ang puso ko at siya ang tao na gumawa ng kasalanan sa pagitan naming dalawa.

"Mukhang masaya ang usap niyong dalawa, ah? Tatawa-tawa ka pa?" sarkastiko kong sabi sa kaniya.

"Mali ka ng iniisip, Ki," depensa niya sa sarili.

"Wag mo akong tawaging, Ki! Damian," nagngangalaiti kong sabi sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko. Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang siya tinawag sa pangalan niya lang, at alam kong naging malaki ang impact noon sa kaniya.

"Ang saya ko pa naman kanina dahil gusto kong ibalita sa 'yo na may plano kami ni tito Kris na isama ka sa US tapos sa isang iglap, guguho ang sayang nararamdaman ko dahil din sa 'yo! Dahil sa kalandian mo!" Gusto kong sumigaw pero binabaan ko lang ang boses ko dahil kahit papaano'y naiisip ko pa rin na hindi lang kami ang tao rito. Ayaw kong makaabala sa kanila.

"Keifer," tipid niyang sabi sa akin. Bagsak ang mga balikat niya.

"Kung kailan naman nasabi ko sa sarili kong mahal na mahal kita, doon ko pa malalaman na niloloko mo ako," sambit ko at sa isang iglap ay bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Kaya siguro hindi pa kita masagot-sagot. Ito pala ang dahilan."

Tatalikod na sana ako nang may magsalita.

"Only if I could get him that easily, it wouldn't be this hard to pursue him."

SEKYU 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon