Balintuna means an archaic term that suggests something absurd or nonsensical.
Sassy! Its sounds like Valentina! 🤭
Anyway, enjoy reading!
.
.
.
.
.
.
~*~
KEIFER
Ito ang unang pagkakataon kong makapasok sa loob ng sinehan at hindi ko inaasahang napakaluwag dito sa loob. Kahit madilim ay maayos ko pa ring nakikita ang mga hanay ng mga upuang paitaas mula sa pinasukan naming entrada. Nang lumingon ako sa gilid ay doon ko nakita ang napakalaking screen. Dumadagundong din ang ingay mula sa sound system na hindi ko malaman kung saan ba nakakubli.
Si Winsor ang nauunang maglakad sa amin. Ako ang nakasunod sa kaniya at si Damian naman ang nasa 'king likuran, bitbit ang bucket ng popcorn namin. Siyempre ay binigay na rin namin kay Winsor Dinosaur ang sa kaniya. Mamaya tyansingan niya na naman ang boyfriend ko sa simpleng pag-abot lang ng bucket ng popcorn.
"H, I, and finally, the row of J," dinig kong sabi ni Winsor. Nakatingin din siya sa mga nagliliwanag na label sa sahig katapat ng bawat hanay ng mga upuan.
"This way to J11, J12, and J13," dagdag pa ni Winsor habang tinatahak namin ang hanay ng bangko kung saan lahat ay may label na letrang 'J'. Nang mahanap ang mismong upuan namin ay inukupa na rin namin ito. Pinagitnaan ko si Winsor at Damian dahil kung ang boyfriend ko ang gigitna sa amin ay baka buong panonood ng pelikula ay maging mainit ang ulo ko sa mga kalandian ni Winsor. At least sa ganitong p'westo ay hindi niya magagawang tyansingan ang boyfriend ko dahil nakaharang ako sa kanila. Asa siya!
"Put the can of soda here," sambit ni Winsor at saka ipinakita sa akin ang ginawa niya. Inilagay niya ang hawak na softdrinks sa kanang parte ng armrest ng upuan niya. Nang tingnan ko ang akin ay napansin kong may butas ito kaya naman doon ko inihulog ang hawak na lata ng soda. Dahil hawak naman na ni Winsor ang isang bucket ng popcorn ay wala nang dahilan para makikuha pa siya sa popcorn namin ng boyfriend ko. Buti na lang talaga at dalawang bucket ang binili ni Damian para hindi na siya makisawsaw pa sa amin. Madamot na kung madamot pero pagdating kay Damian, pasensiyahan kami dahil hindi ko p'wedeng ibahagi sa iba ang pagmamay-ari ko.
Pinanood ko ang nasa big screen at napansin na puro teaser clips ito ng ibang mga pelikula. Mukhang hindi pa nag-uumpisa ang Romeo and Romeo, marahil ay maaga pa.
Nawala ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa kamay kong nakapatong sa armrest ng upuan. Dahil si Damian ang nasa kaliwang gilid ko ay agad din akong napatingin sa kaniya. Bahagya nitong pinisil ang kamay ko't nginitian ako ng sinsero. May kung ano sa ngiti niya dahilan para mahawa ako't hayaang mabuo ang malapad na ngiti sa aking labi. Sa g'wapo ba naman ni Damian, ewan ko na lang kung mapipigilan ko pang hindi ngumiti para sa kaniya.
"First date natin ito bilang opisyal na mag-boyfriend, at alam kong nabanggit mo dati na hindi ka pa nakakapanood ng sine magmula pa noon. Ngayong magkasama tayo, sana ay masaya ka katulad ng sayang nararamdaman ko ngayon," aniya, hindi nagtangkang putulin ang titig naming dalawa.
Mas masaya sana kung walang dinosaur sa tabi ko.
Tumango ako kaniya at saka sinabing, "Kahit saan naman tayo magpunta ay masaya ako, lalo na basta kasama ka." Inilapit ko ang sarili sa kaniya. Nang lumapat ang katawan ko sa malapad niyang dibdib ay mabilis siyang nakagawa ng paraan upang mahalikan ang aking noo.
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL)
General FictionAlam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mga ipinapak...
