109

93 3 0
                                    

May isang tao na naka-sumbrero sa harap ko ngayon. May tayo na panlalake pero ang katawan ay di mapagkakailang sa babae. Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Sa tingin ko ay may sasabihin ito kaya't inilapit ko ang tenga ko sa kanya. May ibinulong siya na parang pananakot.

Pagkatapos niyang bumulong ay umalis siya ngunit tila may nakalimutan at biglang lumingon pabalik sa akin. Bigla niyang inalis ang sumbrero at lumitaw ang napakaganda at kulay-tsokolate niyang buhok. Kasabay ng pag-ayos niya sa buhok niya ang pag-ngiti niya sa akin. Lumapit ang babae at ibinaon ng pagkalakas-lakas ang kanyang kanang kamao sa sikmura ko. Masakit. 

.

.

.

.

.

.

.

Panaginip..

.

.

.

Panaginip ulit.

.

.

.

Nakapagtataka lang na yung babae na namang iyon ang bida sa panaginip ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng gymnasium. Wala naman nakapansin sa akin dahil sborang abala ng lahat sa pag-papaalam sa mga kaibigang baka hindi na nila makatabi sa upuan o makahati man lang ng kwarto.

Makikita sa gym ang mga estudyanteng may kanya-kanyang buhay, may mga mag-jowa, may mga nerd na kahit hindi exam ay nag-aaral, mga grupo ng mga babae na nagbibigayan ng huling kaplastikan sa mga kaibigan nila, at mga lalake na sinusulit ang pagkakataon para mahingi ang number ng mga tipo nila. 

Isa-isang tinatawag ang mga pangalan ng bawat estudyanteng nasa gym. Kasunod ng pangalan nila ang room na kalalagyan nila. Alphabetical order ang pagtawag ng pangalan. Nasa letter "J" na ang tinatawag nung nagising ako. Kaya pala wala na si AR. Natawag na siya. Hindi man lang ako naisipang gisingin ng loko. 

Unti-unting naubos ang mga estudyante sa gym na katulad ng pagkaubos ng chichirya ng isang bata. Nasa letter "R" na ngayon ang mga tinatawag na estudyante. "Ramones! 104!" paunang sigaw ng isang guro. Maraming dumaan na mga apilyido. Habang nagdaraan sa harap ko ang mga estudyanteng natawag, pinipilit kong isipin kung sino sa kanila ang mga transferee at kung sino ang mga inaanay na sa school.

"Reyes!" "107!"

Kaklase ko nung grade 4. Ito yung nagpa-blow out  ng Jollibee sa room.

"Revereza!" "101!" 

Transferee din pero parang taga subdivision ata namin 'to.

"Ricafuerte!" "106!"

Kaklase ko nung grade 6. Tandang tanda ko tong hayop na to. Ito yung katabi ko nung 3rd quarter exams. Tumae lang naman siya. Fully Air-Conditioned lang naman ang room.

Pst, Panget, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon