Ang pesteng kaibigan

255 3 0
                                    

Mga 8:30 na ng umaga nang makapasok ako sa school ko. Akala ko na-miss ko na yung "shuffle" ng mga estudyante pero hindi pa pala nagsisimula. Badtrip kasi yung nasakyan ko na tricycle. Akalain mong halfway na yung narating namin tapos bumalik dun sa terminal kasi hindi pa pala siya yung bibiyahe. Eh buti sana kung malapit lang ang Doña Anastacio Rodriguez-Escudero National Science High School sa bahay namin. Kung gaano kahaba ang pangalan ng school ko, ganun din ito kalayo mula sa bahay. Haciendera daw na naikasal sa isa pang mayaman ang nag-patayo ng school.

Kahit na "Science High School" ito, Hindi lahat ng nandito ay matatalino. Ito ay isang school kung san makikita ang mga tipikal na estudyante na makikita mo rin sa sarili mong school. Nandito ang mga mahilig manghingi ng pulbos, mga buraot, mga mahilig manalamin, mga feeling pogi at cute, mga pasikat at sipsip sa mga teachers, mga tumutugtog ng gitara sa hagdan, mga siga na di-kagwapuhan, mga chikas, mga madaldal, mga dumudukit ng agiw, mga nanghuhuli ng bulate, at iba pa.

Ito rin ang school kung saan ang mga teachers ay mas matanda pa sa pinakamatandang puno ng narra na nabubuhay. Pero kahit na medyo luma na sila ma'am at sir eh imposibleng hindi ka matututo. Mga eksperto na sila sa kanilang mga larangan, kaya nga namin sila tinatawag na mga "PAMBATAAN". Pang-bataan kasi yung level of expertise nila eh. Andito rin ang mga teacher na parang kaibigan mo lang. Yung mga tipong uubusin yung oras nila sa pagkwento ng kani-kanilang talambuhay. Andito rin ang mga teachers na walang pakialam sa nangyayari sa kanila. Mga teachers na tila ''high'' pag pumapasok sa room kasi nagsasalita lang sila ng walang nakikinig. Habang nagtuturo sila, may nagbibigayan na pala ng suntok sa likod. At ang huli ay ang mga teachers na silahis. Sila yung walang bahid ng favoritism.........sa babae. Sila yung mga teachers na maiinis ka sa pagkatao nila pero matatawa ka sa jokes nila. Iba-iba ang klase ng guro samin, pero yung mga natukoy ko na ugali nila ay parang positive form lang ng adjective, minsan nagiging comparative, at minsan nagiging superlative.

Habang naglalakad ako ngayon paupo sa upuan ko, nakabaling sa akin ang mga mata ng mga kaklase ko na para bang nakapatay ako ng isang mahalagang tao. Naisip ko na ang tingin siguro nila sa mga taong late ay kriminal. Tahimik ang lahat mula pintuan ng room hanggang sa kabilang dingding kung san naka-paskil ang mga educational posters tungkol sa reproductive organs. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng dalawang electric fan na nagbibigay-presko sa apatnapu't isang estudyante.

Lahat ng mata ay nakatitig sa akin......

Lahat ay tahimik na nagmamasid habang pinipilit kong ihakbang ang paa ko mula sa sahig patungong kahihiyan..........

Lumakas ang pintig ng puso ko.......

Nanginginig na mga kamay na ang kanina kong maiinit na mga kamay........

Ang sariling yapak ko na lang ang aking naririnig nang biglang....................

....SPLAAAAAK!!....

.........Ang tahimik na kapaligiran ay biglang sumabog sa tawanan at hiyawan. Nakaharap na pala ang buong katawan ko sa malamig na sahig. Pinatid na pala ako ng isa kong demonyitong kaklase.

Nanuot sa akin ang mga tawanan at halakhakan. Unti-unti itong naging poot at dumaloy ang pagnanais gumanti. Tinignan ko ang salarin. Napa-mura ako sa sarili ko nang makita kong ang naturingang "bestfriend" ko palang si AR ang namatid sakin...

Siya si Axl Rose Buenafe o "AR". Parehas kami pagdating sa level ng kawirduhan ng pangalan. Sabi niya sakin, galing daw sa isang sikat na musikero ang pangalan niya. Siya ang tinuturing kong matalik na kaibigan. Siya lang kasi ang kausap ko noong unang araw ko dito sa school. Siya ay may patusok na buhok, may bilugang mga mata, matangos na ilong at mumunting bibig. Mas matangkad ako ng kaunti at mas payat naman siya sa akin. May kayumangging kutis na hindi pantay-pantay ang pagkakulay. Siya ang taong gagawin ang lahat para lang maisahan o malamangan ako, kaso parati siyang "Pahiya Festival" sa akin. May isang pagkakataon kung san tumatakbo ako para sa P.E namin dito sa school. Jogging lang ang ginagawa ko nang biglang kumaripas ng takbo si AR para maunahan ako. Naunahan nga ako pero di ko naman pinatulan ang pangungutya niya habang nilalagpasan niya ako. Binilisan pa niya lalo ang takbo hanggang sa dalawang laps na ang lamang niya sa akin. Biglang pumito ang instructor namin na hudyat ng dismissal ng subject. Tuloy pa rin ang takbo ng pasikat na si AR na tila walang narinig na anumang hudyat. Pumasok na kami sa next subject namin pagkatapos noon. Kalagitnaan na ng klase nang pumasok si AR. Katakot-takot na pambubulyaw ang inabot sa bakla naming teacher na nagtuturo noon ng trajectory. Pahiyang-pahiya ang loko habang papunta sa upuan niya. isang ngiting parang nagsasabing "pahiya ka no?" ang lumabas sa aking mga labi.

 Maraming beses naulit ang mga ganoong pangyayari samin. Mga pangyayaring nagpapatunay na hindi nagtatagumpay ang mga pang-asar at ang mga may mukhang pang-asar. Pero kahit ganoon ang naging ikot ng pagkakaibigan namin, di kami nag-away ni isang beses.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa nakakahiyang pagbagsak. Unti-unti kong hiniwalay ang katawan mula sa sahig na tinatapakan ng iba't-ibang klaseng sapatos, malas lang kung nakatapak muna ng mabahong "bomba" yung may-ari.

Kasabay ng pagtayo ko ang pag-angat ko sa napaka-bigat kong bag. Nang makatayo na ako ng tuluyan, inihagis ko naman ng may buwelo ang bag sa taong may sala sa akin. Nasalo niya ang bag ngunit hindi niya kinaya ang bigat nito. Natumba siya sa kanyang kinauupuan kasama na rin ang mismong upuan. 

Naisip ko agad yung mga komedyanteng over mag-react pag nagpapatawa nung nakita ko ang sitwasyon ni AR. Naka-lupasay siya sa sahig at tila hinihilot ang nasaktang tuhod. 

Tumahimik ang lahat ng halos limang segundo........

Walang humihinga.........

Lahat ay nakatingin sa komosyong nagawa ko.....

Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag ang nagawa ko......

"Isa na lang ang paraan para malampasan to" naisip ko....

Binasag ko ang katahimikan sa pagsigaw ng "GOOOOOD MOOOORNING!!" sa harap ng kaliwang tenga ni AR.

Sumabog muli ang katatawanan sa kwarto....

Pst, Panget, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon