Namula ang muka ko.

109 2 0
                                    

Girl-Boy-Girl-Boy nga ang arrangement ng upuan. Wala pang nakaupo sa tabi ni AR kaya dun muna ako. Mabait naman itong si miss benta eh, pagbibigyan ako nito.

Pagkaupo ko ay tinuloy na ni ma'am ang lecture niya tungkol sa figures of speech. Ituturo daw niya sa amin ang 20 na figurative language. Nasa pang 14 na siya ng biglang may kumatok na pamilyar na muka. Pamilyar na tsokolateng buhok at dark green na bag. 

Nakatingin sa kanya ang halos lahat sa amin. Yung iba naka-tanga lang sa blackboard. Ito na nga si Manna Richido, ang transferee na ayaw kong makasama o makasalubong man lang. Ang malas ay naging kaklase ko pa. Anak ng hypothalamus naman oh.

Huminto siya sa tapat ng pintuan at nagpakawala ng isang napaka-gandang ngiti. Isang ngiti na kagigiliwan ng lahat ng lalakeng sabik sa pagmamahal. Kung plano niyang akitin ang lahat ng lalae dito sa room, nagtagumpay na siya, bukuran lang sakin. Hindi kasi ako nadadaan sa mga ganung pa-cute.

Ang kanyang nakangiting mukha ay biglang nabura at bumalik sa isang mukhang tila pagmamay-ari ng isang matandang guro na na-traffic sa edsa. Nagulantang ako sa sumunod na nangyari. "Hoy ikaw, Saan ako nakaupo?" Sabi niya kay ma'am.

Siguro ay hinayaan na lang ng nabastos na guro  ang pabalang na tanong ng bagong estudyante na tila naghahamon ng away. Tinuro na lang niya ako gamit ang kaliwang hintuturo. TEKA, AKO? BAKIT AKO? nak' ng tinapay.

Saka ko lang naisip na dito pala sa kinauupuan ko ang dapat na upuan netong si Richido. Papatayo na ako ng lumapit sa akin ng paunti-unti ang babaeng siga na di mo malaman kung anong trip meron. Nang nasa tapat ko na, nakita ko na naman ang pamilyar niyang ngiti. Nakita ko na 'tong ngiti na 'to kanina pero ngayon ata ay tinamaan na ako. Parang tumigil ang kilos ng lahat ng sandaling iyon. Nag-iba ang ihip ng hangin.Tila lumabo ang buong mundo at an tanging nakikita ko nalang ay ang dalagang ito. Naputol ang mala-pelikulang eksena sa sandaling naramdaman kong may lumapat ng kamay sa mukha ko.  Isang hampas na mas malutong pa sa manok ng nanay ko ang tumama sa akin. Nalaman ko na lang na galing pala ito kay Manna, kay Manna Richido.

Namula ang muka ko hindi dahil sa kilig.

Namula ito dahil sa sampal.

Pst, Panget, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon