Good morning.

333 4 0
                                    

Alas kwatro ng madaling araw. Lunes. Nakakatamad pumasok. Hindi naman talaga ganito kaaga ang gising ko kundi lang dahil sa napanaginipan ko. Naggi-gitara daw ako tapos may isang tao na kumuha nung gitara tapos akala ko hihiramin nang biglang.......PLAK! Hinampas sa akin yung sarili kong gitara. Babanatan ko na daw sana kaso nakita kong may kakaiba dun sa taong yun. Malinaw yung panaginip. Nakita ko na naka-itim yung tao tapos naka-cap. Nung muntik ko nang suntukin, lumabas yung buhok niya na naka-ipit dun sa likod nung cap niya. Babae pala ang loko. Nagising ako nang bigla akong sinikmuran nung babae sa panaginip ko.

Dali-dali akong naligo at nagbihis ng uniporme kong kulay blue na may kurbatang kulay puti. Naalala kong magshu-shuffle nga pala ng mga estudyante ngayon kasi mali daw yung distribution ng office ng mga top students kada section. Masyado daw "kaming" maraming matalino dun sa section namin.

Nung mabalitaan ko itong shuffle na ito, natuwa ako. Naisip ko na makakakilala na naman ako ng mga bagong mukha.

Kaso naisip ko din na pano kung bakla ang makatabi ko?

pano kung may putok?

pano kung sa unahan ako mapunta? edi hindi na ako makakatulog sa klase?

at pano rin kung may makatabi akong sa sobrang talino ay may mga lumilipad na mga molecules sa gilid niya?

 Pero ang pinaka-kinabahan ako ay nung sinabing boy-girl-boy-girl ang arrangement. Natatakot akong may makatabing babae dahil baka  may syota na yun na mukhang goons tapos paghinalaang may gusto ako sa syota niya. Edi yari ako diba?

Sa sobrang pag-iisip ko kung sino o "ano" ang makakatabi ko, iniwan na ako ng kuya ko sa bahay. Tuwing umaga kasi sinasabay niya ako sa kotse niya palabas ng sakayan. Ngayon tuloy ay maglalakad ako ng halos 30 mins papuntang sakayan.

Habang papalabas ako ng bahay, bago ko buksan ang pinto, iniisip ko na ang mga gusto kong makita sa umagang ito. Gusto ko babatiin dapat ako ng araw na para bang mag-tropa lang kami. Gusto ko maaamoy ko yung mga halimuyak ng mga bulaklak. At pang huli, gusto kong makita na tahimik lang yung mga aso ko at mahimbing na natutulog.(cute kasi yung mga yun pag tulog).

Nang inikot ko na ang door knob, nasiwalat ang hindi inaasahan, yung mga hinayupak na aso ko..... ayun, nakalabas na naman ng gate. May hindi na naman siguro nagsara ng maayos nun kaya nakalabas ang mga animal. At dahil alam naman nating lahat na hindi nakakasulat ang mga aso, May iniwan na lang sila sa aking isang mabahong mensahe. Isang nagsusumigaw at umaalingasaw na "alam mo na". Hindi ko na lang pinansin. Gusto ko na masaya ang araw ko ngayon. Masaya nga, Masayang-masaya ang ARAW ko ngayon. Literal. Ngayon ko lang na-experience na alas-sais pa lang ng umaga ay tagaktak na pawis ko. "chill lang" nasabi ko sa sarili ko. "masaya 'tong araw na 'to"

Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko. Nakita ko pa rin as usual ang mga nakikita ko araw-araw na mga tanawin.

Sa kaliwa ko ay nakatambad ang mga lasinggero na sa sobrang kalasingan siguro kagabi ay naisipang maghalikan. Okay lang sana kung lalaki at babae, kaso hindi. Dalawang lasing na Adan.

Pag nalingon ka naman sa kanan ay makikita mo ang mag-ina na naghahabulan hindi dahil sa sila'y naglalaro, kundi dahil sa may nagawa atang kasalanan yung bata. Nung nahabol na nung ina yung anak niya, dun ko lang nakita na may hawak pala itong tabo. Hindi nagtagal, napagod din ata yung bata kaya't bumagal ang takbo niya na naging dahilan ng pagkahuli sa kanya ng kanyang nagngangalit na ina. Bigla kong narinig ang malakas na PLAK! Nagdikit na pala ang pisngi ng tabo at ang pisngi pwet ng kawawang musmos. ......

Pst, Panget, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon