Miss benta.

90 4 1
                                    

Papasok na ako ngayon sa bago kong room...

Pang-siyam na pintuan sa 1st floor, room 109.

Ako ang huling estudyanteng hinihintay ng lahat.

Malayo pa lang ay rinig na ang kaingayan ng bagong buong room.

Nagulat ako ng biglang tumahimik...

.

.

.

.

.

.

Pumasok ako at bumati ng isang masayang "Good morning Ma'am" sa teacher na nakatayo sa harap. Siya si miss Lorna De Guzman o mas kilala sa tawag na "miss benta".

Simula kasi noong nag-aaral pa ang mga kuya't ate ko dito sa school ay nagbebenta na ng kung anu-anong mga bagay ang teacher na ito. 

Mula sa mga simpleng biskwet  hannggang sa mga pangshine ng sapatos. Inaabangan ko nga na magbenta 'to ng itlog ng gagamba o kaya yung mabigat na takip ng inidoro. Wala kang masasabi sa sipag nitong si ma'am. Teacher slash merchant siya pag umaga, singer naman siya sa bar pag gabi.

Overall, mabait talga 'to si ma'am. Baka badtrip lang talaga nung binati ko.

Pano ko nalamang badtrip? Simple lang naman. Nakita ko lang naman na may parte ng blackboard na nadaanan ng eraser. Pagtingin ko naman sa mukha ni AR ay sure akong tinamaan naman ng eraser. 

Mahahalata pa ang parihabang marka na kulay puti sa noo ng aking kawawang kaibigan.

Malamang ay naabutan na naman to ni miss benta na maingay o kaya ay nasa kalagitnaan ng pagmumura. 

Ngayon alam ko na ba't tumahimik bago ako pumasok.

Pst, Panget, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon