Kapag narinig mo ang salitang "Panget", ano ang pumapasok sa isip mo? Mga kaaway mo? Yung kinaiinisan mong kaklase? Yung masungit na teacher mo na may pagka-silahis? Kung ganon ang una mong naiisip, parehas tayo. Pero dati lang yun. Ngayon, pag naririnig ko yung salitang 'yun, napapangiti na ako.
.
.
.
.
.
Ako si Paraiso Valogma.Silent 'G' yung last name ko. Kung inaakala mong babae ako, tulad ka din ng iba, mali ka din. Isa akong napaka-magandang lalake. Nang umulan ng kagwapuhan dito sa lupa, wala akong payong. Pero siyempre nakisilong ako. Ordinaryong tao ako na may pangarap, kagustuhan, paniniwala, at syempre may minamahal.
Gaya ng sinabi ko, ordinaryong tao lang ako. At gaya mo hindi rin lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, lalo na pagdating sa "bagay" na iyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
Malamang sa malamang ay nagtataka ka kung bakit Paraiso ang pangalan ko. Para kasing pambabae yun at hindi siya common. Pag nakakilala ka pa ng isang taong ito rin ang pangalan, hanga na ako sayo.
Tatlo kaming magkakapatid, Isang babae, dalawang lalaki. Ako ang bunso. Akala kasi nila mama nung hindi pa ako lumalabas ay babae ako. Napunta sakin yung pangalan na yun pero dapat talaga ay para dun sa batang babae na inaasahan nila.
Simpleng bata lang ako noon. Matalino daw ako sabi ng mga kaibigan ko, di ko naman napapansin. Tingin ko eh advanced lang ng kaunti ang isip ko kumpara sa iba. Dahil siguro yun sa pagiging pala-tanong ko. Malapit din ako sa mga kaklase kong babae. Tinuturing ko sila na parang nakababatang kapatid ko. Ganun kasi talaga ata pag bunso eh, maghahanap ka ng taong maaalagaan.
Noong elementary ako, marami akong kaibigan na makinis at maputi. Mga tipikal na batayan ng kagandahan pag bata pa. Pero wala talaga akong nagugustuhan sa kanila kahit isa. Yung tipong lahat na ng lalaki sa amin ay may gusto na dun sa kaibigan kong babae tapos wala akong maramdaman kahit isang spark.
Kung inakala mong bakla ako, may tama ka. Tatamaan ka talaga sa akin. Kahit na wala akong nagustuhan ni isa sa mga nakilala kong babae, hindi naman ako ganun.
Naisip ko minsan na swerte siguro nung babaeng makakatuluyan ko kasi kung magkataon man, wala siyang magiging kaagaw sakin. Naiisip ko din minsan yung mga gagawin ko para sa kanya:
1. Ililibre ko siya lagi ng sine
2. Ihahatid ko siya sa school kahit ma-late ako sa sarili kong klase.
3. Papatawanin ko siya kahit magmuka na akong tanga.
4. Isa-save ko lahat ng texts niya, kahit mapuno sim memory ko okay lang.
5. Papakinggan ko lahat ng problema niya.
6. Bubuhatin ko siya pag hirap na hirap na siya sa heels niya.
7. Itatawid ko siya kahit saang highway pa yan. Kahit may dumadaan pang mga autobots diyan.
8. Sasakyan ko kahit anong trip niya. Kahit magpalobo pa ng sipon yan.
9. Tutulungan ko siya sa lahat ng assignments at projects niya. Kahit anong subject pa yan, BRING IT ON.
10. Hinding hindi ko sasabihin sa kanya yung salitang "I Love You". Paparamdam ko na lang sa kanya kung ano ang tunay na ibig sabihin nung mga salitang yun.
Lagi kong sinusulat sa papel yang sampung yan. 'Di ko alam kung bakit laging nasa isip ko yang mga bagay na yan pag mag-isa lang ako. Sinulat ko na yan sa likod ng lahat ng notebooks ko, Nai-vandal ko na yan sa tree house sa school ko dati, at nasa cellphone ko yang sampung yan. Naisulat ko na nga rin yan sa pintuan sa cr ng boys habang nakaupo ako sa mabahong trono.
Tingin ko eh ready na talaga ako sa ganung bagay kasi naiisip ko na yang mga ganyan. Ang problema lang ay sa tuwing naiisip ko yan, wala akong maisip na mukha ng babae o wala man lang pumapasok ni isang pangalan sa utak ko pag iniisip ko yan.
.
.
.
.
.
Alam mo yung feeling na kinikilig ka pero wala namang nagpapakilig sayo? Para bang nagugutom ka pero kumain ka naman, para ding natatae ka pero wala namang lumalabas. Magulo diba? 'Di ko kasi ma-explain yung feeling gamit yung mga nalalaman ko ngayon. Pero ganun yung nararamdaman ko pag naiisip ko yang "10 moves" na yan.
Naiisip ko minsan na kaya siguro wala akong naiisip na babae ay dahil sa walang naka-tadhana sa akin. Pero bigla ko ding maiisip na hindi nga pala ako naniniwala sa tadhana. Ang paniniwala ko sa tadhana ay parang paniniwala ko na pangit ako, hindi totoo.
Pero naniniwala ako na isang araw may makikita akong babae na kadugtong ng puso ko. Yung babaeng magpapasaya sakin pag malungkot ako at yung babae rin na magpa-plantsa ng mga polo ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Pst, Panget, I love you.
Teen FictionKapag narinig mo ang salitang "Panget", ano ang pumapasok sa isip mo? Mga kaaway mo? Yung kinaiinisan mong kaklase? Yung masungit na teacher mo na may pagka-silahis? Kung ganon ang una mong naiisip, parehas tayo. Pero dati lang yun. Ngayon, pag nari...