7/21/1976
Kahapon ko siya tinanong kung ayaw na ba talaga niya, kung hindi na ba talaga kami.
Magta-tatlong buwan na ding hindi kami. Pero lagi pa din kaming nagkikita at magkasama na para bang wala lang nawala kung titignan kami ng ibang tao. Sa iba siguro kami pa pero pag sa aming dalawa na, walang wala na.
Maraming rason ba’t yung akala kong habambuhay eh naging pang-apat na buwan na lang. Una, kasi nasakal na siya. Masyado na siguro niyang namiss yung pagiging mag-isa at malayang gawin ang lahat ng gusto niya ng walang nangingialam sa kanya. Pangalawa, may mga bagay na ding hindi tama sa aming dalawa. Pangatlo, hindi na daw ako yung dati. Nag iba na daw talaga ako ng tuluyan.
Bago ako umuwi kahapon galing sa school eh dumaan muna ako sa kanila. Pinagmalaki ko sa kanya yung gumanda kong sulat. Ayun, tuwang tuwa naman siya kaya natuwa din ako. Naaliw din siya sa sulat ko sa unang beses. Pero hanggang dun lang yung masayang parte kahapon.
Naka-tingin siya sa mga dating litrato bago ako umalis. Naglagay siya ng litrato niya kasama yung isa kong kaklase. Naaalala ko pa nung dati, Halos araw araw kaming may bagong litrato sa libro niya. Dati ako lang lagi niyang kausap. Dati magiliw pa siya sakin lagi. Dati masaya pa siya.
Naaalala ko lahat nung nakaraan samin kaya bago ako umalis tinanong ko siya.. “Hindi na ba talaga tayo?” Alam ko namang masasaktan lang ako pag narinig ko yung sagot niya pero hindi ko alam bakit ko talaga natanong. Siguro ay desperado na talaga ako na kahit napakaliit ng pag asang maging kami pa ay susubukan ko.
Isang iling lang yung sinagot niya. Naawa ako sa itsura niya kasi alam kong ayaw niya ako masaktan sa sagot niyang yun pero ayaw din niya akong paasahin. Pero mas naawa pa din ako sa sarili ko. Tinanong ko ulit sya ng parehas na tanong. Nawala na siguro ako sa matinong pag iisip. Parehas na sagot ang natanggap ko.
Umuwi ako ng walang napala. Nasaktan lang lalo. Yun na siguro yung huli naming pagkikita. Lagpas isang daang beses ko na siyang pinilit pero siguro kailangan niya talaga ng buhay kung saan hindi ako nabubuhay.
Nilakad ko pauwi simula sa kanila hanggang sa bahay namin. Mga dalawang kilometro din siguro yun. Sapat na oras na yun para mahimasmasan ako bago dumating sa bahay.
Naalala ko lahat. Lahat ng kulitan namin. Lahat ng pagsusumikap ko. Lahat.
Pinaka-bumalik sa aking alaala habang naglalakad ako ay nung bakasyon namin bago magpasko nung nakaraang taon. Kami na noon. Nakahiga siya sa may kandungan ko habang nakatingin sakin. Nakatitig kami sa isa’t-isa na parang may sinasabi yung mga mata namin na di maririnig ng mga tenga namin. Ang ganda niya noon. Ang amo ng muka niya na mamahalin mo talaga at di mo hahayaang makita ng iba.
Inilapit ko yung muka ko sa kanya. Kinanta ko ng dahan dahan yung kanta namin, medyo nakakahiya pero maganda naman boses ko kaya ayos naman. Nagulat ako sa reaksyon niya. Naiyak siya tapos nainis sakin. Wag na wag ko na daw kakantahin yun kasi muka na daw akong magpapaalam. Ayaw daw niya akong mawala. Hindi daw niya kaya pag nawala ako.
Hinanap ko yung babae na nakahiga sa hita ko noong nakaraang taon dun sa babaeng sumuko na sakin.
Ang malungkot na katotohanan sa buhay ay hindi mo na mababalik yung mga dumaan na.
At kung mahal mo talaga yung isang tao, kailangan tanggapin mo kung san siya mapapabuti at sasaya.
Malas ko lang at napabayaan ko mawala lahat. Hindi ko ginusto to. Hindi ko sinasadyang mawala lahat sa akin.
-Pedro Valogma.
BINABASA MO ANG
Pst, Panget, I love you.
Teen FictionKapag narinig mo ang salitang "Panget", ano ang pumapasok sa isip mo? Mga kaaway mo? Yung kinaiinisan mong kaklase? Yung masungit na teacher mo na may pagka-silahis? Kung ganon ang una mong naiisip, parehas tayo. Pero dati lang yun. Ngayon, pag nari...