chapol.

202 4 3
                                        

Nakabilog na ang mga upuan ng mga magkakaibigan.....

Maaamoy na ang piniritong isda mula sa baunan ng mga kaklase.....

Naka-labas na ang mga tinidor ng mga buraot. Naka-"attack mode" na sila.....

Nagsisi-libot na ang mga nagbebenta sa bawat room ng mga tingi-tinging pagkain....

Isa na lang ang hinihintay ko......

Hindi ko mawari kung ano......

Nang biglang may sumigaw ng..............."PU!%^ $!@# BREAK NA!!!!!"

Narinig nung teacher sa kabilang room ang bunganga ng kaklase ko. Pinagpulot tuloy siya

ng mga may laway-laway na balat ng choco-choco sa corridor.

Ganito ang break time dito sa amin. Maingay, Magulo, Madumi, Makalat, Mabaho, at Marahas. Oo, marahas. Pagkatapos kasi ng kainan dito ay walang may kusang maglinis at kanya-kanya na lang ng diskarte kung pano aalisin ang mga tapon-tapon na pagkain.

Magsisimula lang ang lahat sa simpleng pagpitik ng mumo ng kanin, hanggang sa magkainisan na at magkakaroon na ng away.

Doon ko napatunayan na hindi lang pala buhay ang dala ng palay, may bonus din na away.

 Kadalasan pag break time ay nakatulala lang ako. Hindi ako gaya nung iba na kumakain, gumagala, naghahapit ng assignments, at nanliligaw.

Una, ayokong kumain kasi alanganin yung oras. Hindi pa ako gutom pero pagkatapos ng break siguradong tatablan na ako nito. Pangalawa, ayokong gumala kasi baka mapasarap at ma-late ako sa klase. May isang pagkakataon kung san pinagsarhan ng pinto ng teacher namin yung mga kaklase kong mahilig mag-adventure pag break time. Nasarhan na sila ng pinto, napatawag pa mga magulang nila. Pangatlo, hindi ako naghahapit ng assignments kasi sa umaga ko ginagawa yun, bago umalis ng bahay, sa kotse ni kuya. Panghuli, ayokong manligaw pag break time kasi wala namang liligawan eh, sayang lang ang oras ko dun.

Hindi pa man tapos ang mga kaklase ko na kumain ay pumasok na sa kwarto namin ang isang faculty member para sabihing magsisimula na ang gagawing "chapol". Nagkatinginan kami ni AR na para bang hindi namin mawari ang nadinig.

Hindi nagtagal nawari ko rin na hindi lang pala kami ang naguluhan.

Maririnig mo ang bulungang: " @#$! ano daw?! Chapol!?! "

"tanga, yun yung maliit na simbahan"  (nakakahiya man aminin pero kahit graduating na kami eh corny pa din yung ilan.)

Di pa din talaga maisip ng buong klase kung ano o saan nagsimula ang salitang "chapol" nang biglang...

...

...

..

...

...

..

..

"AAAHHH! SHUFFLE!"  may sumigaw.

Nawala na sa isip ko na shuffle nga pala ngayon. Bumuhos sa paligid ang mga pigil na tawa dahil sa maling pagbigkas ng matandang faculty member. Maging ako ay hindi narin makapag-pigil sa sobrang katatawanan na bumalot sa akin. Isipin mo ba naman na ang english word na "shuffle" ay naging kung anong lenggwaheng "chapol". Anak ng tinapay. 

Tumigil na ang lahat sa pag-halakhak ng patago. 

Ang kaninang pulang-pulang mga mukha ay unti-unti nang nagiging normal, bukuran sa akin. Kinakain pa din ako ng katatawanan. Naiisip ko pa din ang mukha ng faculty member habang binibigkas niya ang patok na salita. 

Ine-explain na ng faculty member ang mga gagawin sa shuffle. Wala akong naririnig kundi ang mga mumunting boses sa aking ulo na nagsusumigaw ng  "CHAPOL........CHAPOOOOL........CHAAAAAAAAPOOOOOL"

Kinagat ko na ang dila ko...........

kinurot ko na ang binti ko.........

Tinakpan ko na ang bibig ko na malapit nang suma........"PWAAAAAAAAAK!! HAHAHAHAHAHA!!"

Naibuga ko lahat ng tawa ko pataas ng kisame. 

Nabaling lahat ng mata sa akin, mga matang nagsasabing..... "Hala, Yari ka." 

Bigla akong nilapitan ng faculty member at sinabing.."Warning mr. Baluma."

Nangingilid na naman ang mga luha ko sa mata dahil sa matinding katatawanan. Inisip ko na lang na "Valogma" talaga ang sinabi at hindi....Ugh. Ayoko na ulit sabihin, baka sumabog na naman ang tawa ko.

Okay. Game. Seryoso na. Isa-isa kaming pinalabas ng room at pinaakyat sa gymnasium. Habang papalabas, ang lahat ay nagbgayan na ng kanya-kanyang paalam para sa bawat kaklaseng maaaring huling araw na nilang makakahati ng kwarto.

Tinapik ako ni A.R. sa likod at sinabing: "Pre, Kahit anong mangyari, Friendster pa din ah?" Whew. Buti na lang. Akala ko mangungutang. Kumunot ang noo ko at sinabi kong " Tanga, lilipat lang ng section, hindi ka pa maki-kick out."

Kahit pabiro kong sinagot ang sinabi niya, nalungkot pa din ako kasi hindi naman sigurado kung malalagay pa rin kami sa isang silid

Kahit na ganun si A.R., naging kaibigan ko din naman siya ng mahabang panahon. Pero ganun talaga, may mawawala, pero malas kung walang kapalit. Hindi naman kasi lahat ng mga bagay sa buhay natin ay palaging nandiyan. Minsan, pipilitin mo na lang ipaniwala sa sarili mo na nandiyan pa yung bagay na 'yun pero matagal na palang wala. 

Pst, Panget, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon