Dating Prinsesa

88 3 0
                                    

Sinabi mo nang siya ang gusto mo.

Wala nang nasabi, ngumiti na lang ako.

Kahit nung di na tayo'y laging inaalala ka.

Kapag nagiisa ay iniisip ka.

Anong oras makakauwi ang prinsesa.

'Di na rin nagtatakang siya na ang gusto mo.

Sa akin nahirapan ka, pero di ko yun gusto.

Saan kaya mapupunta?  Ang pinangarap nating pitong taon

Siguro ay tutuparin sayo ng iba.

Ibang kamay na ang magsusulat sa mga papel na iyong babasahin bago ka mahimbing.

Ibang almusal, ibang tanghalian, ibang hapunan, Oh ibang tinig na ang sayo'y dadating.

Sa kanya sana'y lagi kang masaya. Sana'y suyuin ka kahit maldita ka, hinding-hindi ka ipagpapalit sa iba.

Sana ikaw ang laging piliin niya, papatawanin ka kahit mukang tanga, wag lang mawala ang ngiti sa 'yong mata.

Di inasahang mangyayari to.

Akala ko hanggang dulo ikaw lang at ako.

Salamat sa pagpaparamdam na minahal mo din ako.

Ayoko sa iba, sayo ko lang gusto.

Ibang mga panyo na ang ipupunas mo sayong mga mata sa twing ika'y luluha

Papano na ang binigay mong tuta at ang alaala ng dating alaga natin na pusa.

Sa kanya sana'y lagi kang masaya. Sana'y suyuin ka kahit maldita ka, hinding-hindi ka ipagpapalit sa iba.

Sana ikaw ang laging piliin niya, papatawanin ka kahit mukang tanga, wag lang mawala ang ngiti sa 'yong mata.

Ramdam ko na ayaw mo na talaga

Ang hirap isiping pag gising sa umaga iba na ang iyong kasama.

Alam kong nahirapan ka, nasakal ka, lumuha ka.

Alam kong mahirap sayo pero sana.,.

isa pa. 

https://soundcloud.com/pao-vargas-3/voice-162

Pst, Panget, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon