Prologue: The Lycan-Vamp War II

1K 37 9
                                    

A/N: Please read first bago vote. ^^

***

1918, somewhere in East Asia

Mabilis na tumakbo si Titania palayo sa apat na black witches na humahabol sa kanya. Alam niya kung ano ang intension ng mga ito. Gusto siyang patayin ng mga ito para hindi siya makakampi sa mga wolves. Napagdesisyon kasi ng lahi nila na kampihan na naman ang mga bampira sa nagaganap na Lycan-Vampire War II. The first war broke out in 1883. Nagka-ceasefire pero naghamon uli ng away ang mga Vamps ngayon.

She, on the other hand, sided with the wolves dahil bigla ay tinubuan siya ng kunsensya. Hindi niya alam kung anong nakain niya at nagkakaganito siya. Dati naman, sobrang excited siya sa naganap na Lycan-Vamp War I at isa pa nga siya sa namuno sa mga witches.

Nakita niya ang full moon na nakasunod sa kanya. “Holy Creator, have mercy on me. Please save me.” Umiiyak na kausap niya sa ngayon ay pinapaniwalaan na niyang Holy Creator. Hindi din niya kung alam kung bakit bigla ay naniniwala na siyang may isang lubos na makapangyarihan na lumikha ng lahat sa mundo.  

Mukhang nagkalat lang yata talaga ang kunsensya niya dahil ayaw na niyang pumatay ang mga bampira ng mga tao. Iyon kasi ang simula ng digmaang nangyayari ngayon. Nais ng mga wolves na itigil na ng mga bampira ang pagkuha ng pagkain sa mga tao subalit ayaw tumigil ng mga vamps.

Patuloy siyang tumatakbo. Sa malas pa, nadapa siya. pero sa pagkakadapa niya, nakita niya ang isang maliit na kuweba. Kakasya siya doon kung pipilitin niya. Ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok sa kuwebang iyon ay napigilan siya ng malakas na hatak sa buhok niya.

“And you think you can escape from us, dear Titania?” Patuyang tanong sa kanya ni Helia.

Itinayo siya nito at iniharap sa tatlo pang kasama nito. Sinampal siya ng tatlo habang nakahawak si Helia ng mahigpit sa buhok niya. Ginamitan siya ng mga ito ng black magic. Nang nagkaroon siya ng pagkakataon ay buong lakas niyang itinulak si Helia palayo sa kanya at inihanda ang sarili sa pagpapalabas ng isang black magic. She rose up her hands but no power would escape from her.

“What’s happening?” Nagugulumihang tanong niya.

“Oh, well. Looks like betraying us rendered you useless.” Tinawanan siya ng apat.

Napatigil ang mga ito sa pagtawa ng mapansin ng mga ito ang pagkinang ng buong katawan niya. Ang kanyang damit na dati ay itim, unti-unting naging puti. Ang kulay niya, maging ang aura niya ay naging sobrang linis. Nagmukha siyang isang pixie! Mukha siyang fairy. She became a white witch!

The Bewitched WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon