Chapter XXXIV: Uncontrollable

257 16 5
                                    

Mag isa lamang si Areinh ngayon habang nililibot ang buong Centerior. Bilang isang protector, para siyang isang tanod na sinisigurong ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng nasasakupan ng kanilang kaharian.

 

 

 

Nang makarating siya sa covered court ay naabutan niya doon na nakikipaglaro ng basketball si Wolfrik.

 

 

 

Pinilit niyang umaktong wala lang.

 

 

 

 

 

Ayaw niyang malaman ng iba ang pagkakamabutihan nila.

 

 

 

 

 

Ewan niya. Alam naman niyang walang nagbabawal sa kanilang mga protector na magmahal. Pero alam ng lahat ang paniniwala niyang nakakaapekto ang pag-ibig sa responsibilidad niya. Natatakot siyang kutyain at hindi mainitndihan ng iba. Siguro isa iyan sa mga kahinaan niya.

 

 

 

 

 

“I have loved you for a thousand years..

 

 

 

I loved you for a thousand more..”

 

 

 

Para namang nangungutya ang background music ngayon sa paligid nila.

 

 

 

Hindi niya alam pero sobrang gustong gusto niya ang kantang ito. It makes her think about blankets and cold nights and the body of Wolfrik.. err. Where did that come from?

 

 

 

 

 

Dahil sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya napansin ang rumaragasang bola ng basketball na papunta sa gawi niya.

 

 

 

 

 

*Tugsh*

 

 

 

 

 

Napaupo siya sa lakas ng impact niyon. Sobrang sakit tuloy ngayon ng balakang niya. Kamalas malasan pa, pagkatapos bumagsak ng puwit niya sa sahig ay napaluhod pa siya. Siniswerte nga yata siya dahil ang naluhuran niya ay mga matutulis na bato lang naman!

The Bewitched WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon